Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

sungka

Ang larong sungka ay isang katutubong larong Pilipino na ginagamitan ng tabla na may pitong
butas sa magkabilang gilid at dalawang imbakang malaking butas sa dulo nito. Sa pagsisimula
ng laro, ang bawat butas ay nilalagyan ng tig-pitong bato. Ang mga batong ito ang sisikapin ng
bawat manlalaro na mailagay sa kanikanilang imbakan. Masmaraming batong makuha, siya
ang panalo.

Hmmmm… may limang bato sa unang butas, sa pangalawa may siyam at anim sa kabila. Alin
kaya ang pupulutin ko para matapatan ko yong nakatumpok na bato nya. Marami rami ‘yon
kapag nakuha ko!

Mga ganyang tipo ang iniisip ko nun habang naglalaro kami ng sungka ng aking bunsong
kapatid.

Kung may natutunan man ako sa larong ito, ‘yon ay ang tamang pagbibilang at pagkwenta sa
isip. Mahalaga ang pagkwenta at mabilis na pagbibilang ng mga bato sa bawat butas bago
pumulot ng bato upang sa gayon ay alam mo kung saan ka hihinto o tatapat pag-ubos ng batong
hawak.

Maliban sa kapatid kong bunso, nakakalaro ko din ng sungka si kuya, at minsan pati si tatay—
pero masmadalas naming laruin ni tatay ‘yong larong lusalos. Madalas ding dumarayo sa bahay
namin yong isang pinsan ko dahil sa gusting-gusto rin nitong makipaglaro ng sungka sa amin.

Dahil sa isa lang ang sungkaan namin, may mga pagkakataon na bumubutas nalang kami sa lupa
ng sungkaan kapag may nauna nang gumamit ng tablang sungkaan namin. Sa totoo lang, hindi
ko alam kung gaano na katanda ang sungkaang iyon. Basta ang alam ko, nung nagkaisip ako,
nandun na iyon sa bahay namin. Minsan inuupuan ko, minsan yakap ko, minsan kahiga ko at
may mga pagkakataon ding ginagamit ko itong panghampas sa madadaya at mapang-asar na
kalaro ko! Hehe.

Dahil sa dalas kong maglaro ng sungka nung bata ako, siguro nasa expert mode na akoSayang…
kase wala ang ganitong laro sa mga tournament, kung meron siguro palagay ko nag SUNGKA
GRANDMASTER ako! Ano sa palagay n’yo? Kaya ko nga kaya?

Narito ang Panuntunan ng Larong Sungka

May labing-apat na butas ang tabla ng larong sungka, na nahahati sa dalawa, na may kasamang
imbakang butas para sa bawat manlalaro. Pinamamahalaan ng bawat manlalaro ang pitong mga
butas na nasa kani-kaniyang gilid ng tabla, at ang bilang ng mga butil na naimbak sa kani-
kaniyang mga imbakan, nasa gawi ng kaliwang kamay ng bawat manlalaro, ang pinakapuntos
nila.

98 magkakatulad na mga buto ang ginagamit na mga piyesa.

Paghahanda bago maglaro

Nilalagyan ng pitong butil ang bawat butas maliban sa mga imbakan na nananatiling walang
laman.

Layunin

Makalikom ng maraming bilang ng mga butil na higit sa kalaban ang layunin ng laro.

Paggalaw

Nagsasalitan ang mga manlalaro sa pagkakalat ng mga buto, maliban sa unang galaw na
isinasagawa ng kapwa manlalaro. Sa isang ikot, pumipili ng isang pamamahalaang butas (mula
sa pitong mga butas) ang isang manlalaro. Aalisin ng manlalarong nakapili ng pamamahalaang
butas ang lamang butil mula sa butas na ito at ikakalat ang mga ito sa bawat butas na madaraanan
ng kaniyang ikot, pakanan (galaw na umaayon sa paikot at pakanang kilos ng mga kamay ng
isang orasan). Tinatawag na “pagtatanim” o “pagpupunla” ang galaw na ito ng manlalaro.
Nilalagpasan ng “pagtatanim” ng mga butil ang imbakan ng kalabang manlalaro, subalit hindi
ang saliring imbakan ng kumikilos na manlalaro.

Kapag bumagsak ang huling butil sa isang may-lamang butas, kukuhanin ng manlalaro ang lahat
ng laman ng butas na iyon, at magpapatuloy sa paglalagak ng mga butil na nagsisimula sa butas
ding iyon na pinagkunan ng mga bagong hawak na buto. Magpapatuloy ang paglalagay ng mga
buto hanggang sa bumagsak ang pinakahuling buto sa imbakan ng isang manlalaro, o sa isang
butas na walang laman.

Kung sakaling bumagsak ang huling buto sa imbakan ng isang manlalaro, kaagad na
nagkakaroon ng dagdag na pagkakataong umikot ang mga manlalaro, na maaaring magsimula sa
kahit ano sa pitong butas na pinamamahalaan nila.

Pagkuha

Kapag bumagsak ang huling butil na “ipinupunla” sa isang butas na walang laman na nasa gawi
o gilid ng gumagalaw na manlalaro, malilikon ng manlalarong iyon ang lahat ng mga lamang
butil ng butas na tuwirang nakapahalang sa kaniya, kahit nasa gilid o “ibayo” ng kalaban. Kung
walang laman ang butas na nasa gawi ng kalaban, wala malilikom na mga butil ang manlalarong
gumagalaw.

You might also like