Pagsusuring Pampelikula

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Higit Pa Bumuo ng Blog Mag-sign in

Pagsusuring Pampelikula
Saturday, February 19, 2011

Lyceum of the Philippines University


Batangas
2010-2011

Filipino2
Pagsusuring Pampelikula

Ni:
Marvin M. Barcelona

Para kay:
Bb. Marianne V. Remo

Pebrero 2011

I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula
"Estudyante"
Kaya estudyante ang pamagat ng pelikula, ito ay tungkol sa mga nakapag aral na gusto
pang mag aral para madagdagan ang kanilang kaalam at mga batang hindi kayang pag aralin ng kanilang
mga magulang.

B. Direktor:
Joven Tan

C. Prodyuser:
Ryan R. Enriquez, Maylyn V. Enriquez

D. Pangunahin tauhan:
Ranier Castillo "Roman"- isang tambay noon at ngayon ay nagpupursige sa pagtulong sa
kanyang kapatid.
Mike Tan "Leo"- mabuting kaibigan ni roman
Ryza Cenon "Ate Rizza"- kapatid ni Roman
Dexter Doria "Mama Jusie"- nanay ni leo, ayaw kay Roman
Biboy Ramirez "James"- isang titser o guro
Johan Santos- tulag ni James na isang guro
Princess Manson- asawa ni James
Basty Alcanses "Elmo"- batang gustong mag aral kahit walang pera, tinutoruan ni James
Athena Sebastian "Letty"- anak ni James, may galit sa kanyang ama dahil hindi siya
tinuturuan.
Matet de Leon- nanay ni Leny
Perla Bautista- lola ni Leny
Mon Confiado- tatay ni Monmom
Kristel Fulgar "Leny"- gustong makapag aral para hindi matulad sa kanyang ina
CArl John Barrameda "Monmom"-nagpapaturo ka leny na magsulat at magbasa

E. Tema ng Pelikula
Ang tema ng pelikula ay tungkol sa pagpapahalaga sa Edukasyon. Kahit ano ang kanilang
katayuan sa buhay ay pursigido silang mag aral.
F. Buod ng Pelikula
Sa unang kwento ng pelikula pinamagatang "tosino", may isang lalaki na si Ramon na hindi
nakapag aral dahil sa pagkawala ng kanilang magulang. Dahil doon siya ay naging tambay. May kaibigan na
si Leo. lLAgi silang magkasama pag may libreng oras si leo. Lagi din ipinagtatanggol ni leo si Roamn sa
kanyang ina dahil sa pagiging tambay nito. Ang kinabubuhay lamang nila ay ang pag gawa ng ate niya ng
tosino. Hindi na tulong si Ramon sa kanyang ate sa pag gawa nito. Sinabi ni leo na kung wala siyang
gagawin ay tambay lamang ang kahahantungan niya. Naisip na niys na tumulong na lang sa kanyang ate.
Kinahiya ni Ramon ang pagtitinda niya ng tosino kaya nagalit si Leo sa kanya. Sa bandang huli ay
ipinagmalaki niya ito nag iba na rin ang tingin sa kanya ng ibang tao.
Sa ikalawang kwento pinamagatang "titser", may isang guro na may asawa at anak. Siya
isang guro sa isang mababang paaralan. Kahit siya ay guro ay nag-aaral pa din para madagdagan ang
kanyang kaalaman. Dumating ang oras na wala na siyang oras na turuan ang kanyang anak at oras para sa
kanyang asawa. May estudyante siya ang pangalan ay Elmo. Mahirap lamang siya at gusto niyang magapag
aral. kahit hindi siya kayang pag aralin ng kanyang magulang ay gumagawa siya ng paraan para makapag
aral muli. Isang araw na natanggal ang kanyang asawa sa trabaho at pinagtitinda si James sa kanyang
estudyante. Hinanap niya si Elmo atr nakita niya itong naglalaba ng mga damit ng kanyang kapit-bahay
paraan mag karoon ng pera. Napagtanto niya na nagkukulang na siya ng panahon para sa kanyang pamilya.
Kaya simula noon ay binabalanse na niya ang kanyang oras para sa pamilya at sa eskwlahan,
Sa ikatlong kwento pinamagatan "Basura", may dalawang bata na namumulot ng basura
na sina Leny at Mon-mon. Leny ang gustong magkapag-aral.Nanglilimot siya ng mga libro para basahin ito.
Ayaw na pag aralin siya ng kanyang ina at lola sapagkat lalaki ang ulo ni Leny. Si Leny ay nasali sa aral
aralan sa kanila. at si Mon-mon na gustong mag paturo kay leny na makapagbasa at mag sulat. Pero ayaw
ng kanyang ama. Dahil sa pag kakamatay ng kanyang ina ay lagi siyang pinapalo dahil sa hindi pagsunod sa
kanyang ama. Sa bandang huli ay naisip nang kanyang ama na mali ang kanyang ginagawa. Kaya naging
mabait siya sa kanyang anak.

II. Mga Aspektong Teknikal


A. Musika
Ang tunog o musika na ginamit sa pelikula ay bagay na bagay. Lalo nitong binibigyan
kahulugan ang mga kwento. Bagay din ito sa paska o tema ng pelikula.

B. Sinematograpiya
Ang sinematograpiya ng pelikula ay maganda. Tama llang ang liwanag at dilim. Madali mo
malalaman ang mga nangyayari.

C. Pgkasunodsunod ng mga Pangyayari


Ang pagkakasunod ng mga pangyayari ay maayos. Hindi ito nakakalito. Madali itong
intindihin.

D. Pagganap ng mga artista


Maganda ang pag ganap g mga artista. Parang natural ng ang mga karakter ng mga ito. At
ang pag ganap nila may makakatotohan at emosyon na ipinakita nila sa pelikula kaya lalo itong gumanda.

E. Tagpuan
Ang tagpuan ng bawat kwento ay maganda kaya nakakatulong ito sa kabuuan ng
palikula.At angkop sa tema ng pelikula. Halimbawa lamang sa eskwelahan na natural na nakikita natin mga
ginagawa ng mga estudyante.

III. Kahalagahan Pangtao


A. Paglalapat ng Realismo
Para sa akin ay makatotohanan ang pelikula dahil hindi natin maiitanggi na ganito din
ang nangyayari sa atin lipunan. May mga kabataan na gustong gustong makapag aral pero sa kawalan ng
pera ay hindi sila nakakapag aral. At sa mga guro naman ay minsan ay na wawalan ng oras sa pamilya dahil
a pag gagawang mga lesson plan para sa klase.

B. Mga aral
Habang may oras tayong makapag aral o pag kakataon ay wag nating sayangin iyon, Sa
lahat ng pag hihirap naating nararanasan o mararanasan pa ay huwag tayong susuko dahil darating din ang
oras ng makakaahon tayo sa kahirapan ng buhay.

C.Kabuuang Pananaw
Para sa akin ay kakaiba ang pelikulang ito dahil sa tatlong kwento na nagpapakita ng nga
pagpapahalaga sa pag aaral. Dapat itong mapanood ng mga estudyante para maparating sa kanila kung
gaano kaimportante ang pag aaral para sa kinabukasan.

Posted by marvin at 7:08 AM

You might also like