Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Guide Questions:

a. Dahilan kung bakit iyon ang kasalukuyang trabaho.


b. Ano ang mga magagandang hamon na hinaharap nito sa napiling trabaho.
c. Paano sila nakakatulong sa ibang tao.
d. Paano nila napapasaya ang ibang tao sa kanilang trabaho.
e. May naitutulong ba ang pamahalaan sa pag-unlad ng kanilang buhay.

MGA SAGOT:

I. Barangay Tanod (Barangay Bagong Silang)


Pangalan: Jing Bwena Edad: 41 taong gulang

a. Dahil nais naming mapaayos ang barangay.Naiiwasan ang nakawan, sunog, holdapan at iba pang
mga kaguluhan upang maging payapa ang aming barangay.
b. Tulad na lang kapag may gulo at naayos namin at kapag nahuhuli ang mga masasamang lobb sa
barangay.
c. Nakakatulong kami sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga masasama. Pagpapatupad ng ilang utos
tulad ng "tapat mo linis mo" at "clean and green" na nakakatulong upang mapanatiling malinis ang
barangay.
d. Sa paghuli ng mga may nagawang kasalanan, sumasaya ang mga tao dahil mapapanatiling tahimik
ang barangay.
e. "Politically Motivated". Walang naitutulong ang pamahalaan sa pag-unlad aming buhay. Wala silang
naitutulong sa amin.

II. Sapatero
Pangalan: Marjun Palapar Edad: 41 taong gulang

a. Kasi, wala akong maaplayan kaya ako naging magsasapatos. Dahil una, marunong din naman akong
mag-repair ng sapatos at kikita ako dito.
b. Kapag may-kaya ang nagpapagawa, iba ang binibigay nilang bayad. mas malaki.
c. Ginagawa ko ng maayos ang paggawa para hindi na sila bibili pa ng bagong sapatos.
d. Kapag nagawa na ang kanilang sapatos, masaya sila dahil nakatipid sila.
e. Wala. Kami lang ang nagpapa-unlad ng saili naming buhay.

III. Magbobote
Pangalan: Ernesto Edguilag Edad: 44 taong gulang

a. Hirap na hirap kami ng misis ko kaya mas pinili ko na lang ang ganitong trabaho para mairaos ko sila
sa pangaraw-araw.
b. Kapag may mga bahay na maraming bote, binibili ko iyon at pampadagdag kita rin 'yon.
c. Syempre, ako 'yung kumukuha ng mga kalat at bote para naman mabawasan ang kalat nila sa
kanilang bahay.
d. Kapag kinukuha ko ang mga kalat at mga bote, natutuwa sila kasi gusto nila na ang kanilang bahay ay
talagang malinis.
e. Wala. Kung may naitutulong sila, bakit hanngang ngayon ay magbobote pa rin ako?

You might also like