Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

RDRIGO ROA DUTERTE

12.Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si


Rodrigo Duterte bílang president-elect ng Pilipinas matapos nitong
manalo sa opisyal na bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas
noong Mayo 27, 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.6
milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas
11. Walang nag-akala na sasali si Digong sa pampanguluhang eleksiyon. Hanggang sa
huling sandali ay nag-anunsyo si Digong na siya ay tatakbo. Biglang nagbago ang takbo
ng simoy ng hangin. Ang mga tao ay nabuhayan ng loob dahil may nakita silang pag-asa
kay Digong.
10.Sa unang yugto pa lamang ng 2015 ay naghahanda na ang iba’t ibang political parties kung sino ang
kanilang ilalagay bilang kanilang pambato sa pampanguluhang eleksiyon. Una nang lumabas ang pangalang
Vice President Jejomar Binay na umani ng iba’t ibang batikos sa kinasasangkutan nito at ng pamilya na
anomalya, sumunod si Senator Grace Poe na malakas ang dating dahil anak ni Fernando Poe Jr., si Mar
Roxas na inendorso ni Pangulong Aquino at si Senadora Miriam Defensor-Santiago
9. Ang Davao City sa pamumuno ni Duterte ay nanalo ng National Literacy Hall of Fame Award dahil sa tatlong beses na
pagwawagi bilang Outstanding Local Government Unit sa Highly Urbanized City category.
8. Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Dabaw, isang urbanisadong
lungsod sa kapuluan ng Mindanao nang pitóng termino o mahigit 22 taon.
7. Bunga na rin ng pitis na pagpapatupad ng mga batas ng lokal na pamahalaan kaalinsabay ng buong suporta ng kanilang Mayor Duterte. Kinilala rin ang
husay sa implementasyon ng mga batas gaya ngliquor ban mula ala una ng madaling araw hanggang alas otso ng umaga; pag-oobliga sa mga
establisimyentong komersyal na magkaroon ng CCTV cameras; at mahigpit na pagbabantay sa speed limits sa mga sasakyan sa lungsod.
6. Kilala ang Davao City noon bilang “murder capital” ng bansa, naging malaki ang pagbabagong tinatamasana ngayon ng Davao na kapayapaan at kaayusan na kung
saan ay kinikilala na ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa pagiging “the most peaceful city in Southeast Asia.”
5. Nagkamit siya ng sari-saring parangal gaya ng National Literacy Hall of Fame mula sa pag-ani niya ng tatlong beses na pagkilala sa kanya sa kategoryang “Outstanding Local
Government Highly Urbanized.”
4. Mula pa taong 1986, hindi na nawala sa katungkulan si Mayor Rodrigo Duterte at naging aktibo sa paninilbihan bilang nailuklok na bise alkalde ng matapos ang People Power Revolution.
Naglagak naman siya ng mga kinatawang alkalde para sa hanay ng Moro at Lumad. Naupo rin siya bilang kongresista, tumakbong alkalde, bise alkalde at muling naging alkalde ng Davao.
3. Gayunpaman, hindi niya talaga noon pinangarap maging isang mayor. Matapos niyang maipasa ang bar exam, nanilbihan muna si Mayor Duterte bilang special counsel ng pamahalaang lungsod at
naging assistant city fiscal.
2. Sa kanyang kabataan, mas pinili niya noong makipagkaibigan sa mga “tigasin” at mga karaniwang tao sa kanilang lungsod na kung saan ay nagbukas sa kanya ng kalayaan at karanasan upang mas mapalapit sa
masa.
1.Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabesera ng Timog Leyte ngunit dati ay bahagi ng insular na lalawigan ng Leyte sa Komonwelt ng Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G.
Duterte ay isang abogadong Sebwano at ang kaniyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador
ng lalawigan ng (na dáting hindi magkakahiwalay) na lalawigan ng Davao, ay naging akting meyor ng Danao, Cebu.

SIKWENS: STORY LADDER


DIMANDANTE,JAYPEE S

BS ARCHITECTURE IV
RODRIGO ROA DUTERTE

12. Naging Pangulo ng Pilipinas si Rodrigo


Duterte noong Hunyo 30, 2016 hanggang sa
kasalukuyan.
11. Nakakuha ng pinakamataas na boto si Rodrigo Duterte sa
opisyal na bilang na 16,601,997 milyong boto noong Mayo 27,
2016
10. Kalaunan Tumakbo si Rodrigo Duterte sa pinaka mataas na posisyon ng
bansa bilang presidente ng Pilipinas noong Nobyembre 21, 2015 katuwang
si Alan Peter Cayetano
9. Nang matapos ang kanyang pagka-Congressman Tumakbo muli bilang alkalde ng
davao city si Duterte noong taong 2001 sa ikapaat na termino.
8. Tumakbo bilang Alkalde ng Davao City si Duterte at nanalo noong taong 1988. Nang dumating
ang limitasyon ng kanyang pag takbo bilang alkalde tumakbo naman siya bilang House of
Representative at nanalo bilang Congressman of 1st District ng Davao city noong taong 1998.
7. Pagkatapos ng 1986 People Power Revolution, Itinalaga ni Corazon Aquino si Duterte bilang pangalawang
Alkalde ng Lungsod ng Davao City.
6. Nagtrabaho si Duterte sa Davao City Bilang isang abogado at tagapagsakdal noong mga taong 1977 – 1986.
5. Nakamit ni Duterte ang Law degree sa San Beda College of Law at sa parehang taon siya rin ay nakapasa sa Bar Exam noong
taong 1972.
4. Nakapag tapos ng kolehiyo si Rodrigo Duterte sa Kursong Bachelor of Arts degree ng political science sa paaralan ng Lyceum of the
Philippines sa Manila noong taong 1968.
3.Tinapos ni Duterte ang kanyang sekondarya sa High School Department ng Holy Cross College of Digos noong taong 1964.
2. Pinag patuloy ni Duterte ang kanyang Elementarya sa paaralan ng Santa Ana Elementary School sa Davao at doon na nakapag tapos noong 1956.
1. Ipinanganak si Rodrigo Duterte noong Marso 28, 1945.

KRONOLOGIKAL: STORY LADDER


DIMANDANTE,JAYPEE S

BS ARCHITECTURE IV
BS ARCHITECTURE IV

You might also like