Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Ang Alamat ng Saging”

I Mga Tauhan:

- “Aga”- Gili
- “Aging” – Lumibao
- “Bathala”- Perio
- Atbp.

II Pagsasalaysay:

I. Sa lugar ng Banaue Ifugao, matatagpuan ang nagmistulang hagdan na mga bukirin at


tinatawag itong hagdan hagdan palayan. At doon, makikitang nagtatanim ang mga
magsasaka na kanilang pangunahing hanapbuhay.

*Magtanim ay di biro*
(https://www.youtube.com/watch?v=_FHXtDhPhSo&feature=share)
(Papasok ang mga magsasaka at sasayaw)

*Tribal dance beat background music*


(https://www.youtube.com/watch?v=w96Fck84m6o&feature=share)
II. At sa lugar na ito, mayroong isang magsasaka na nagngangalang "Aga". Ang
matipunong lalaki na kinagigiliwan ng mga kababaihan. Kilala siya ng nakararami na
masipag at butihing lalaki sa kanilang lugar.

*Dramatic background music*


(https://www.youtube.com/watch?v=aWIE0PX1uXk&feature=share)
III. Ngunit, kilala ng siya ng nakararami na nag iisang na lamang sa buhay.
Matapos pumanaw ang kanyang mga magulang at maging ang mga kaibigan niya na
malapit sa kanya.
Gustuhin mang makipagkaibigan ang mga kapwa magsasaka sa kanya, iniiwasang
namang makipaghalubilo ni Aga sa mga ito. Pakiramdam ni Aga ng dahil sa nangyare
ang mga taong nagiging malapit sa kanya ay sumasukabilang buhay at dahil dito, nag
udyok sa kanya na mapag isa na lamang.
*Tribal Jungle background music*
(https://www.youtube.com/watch?v=jwWMcOcplKk&feature=share)

IV. Isang araw, nagtungo si Aga sa bundok upang maghanap ng masisibak niyang kahoy.
At sa kanyang paghahanap, nakarinig siya ng tila naglalaro na babae sa kalagitnaan ng
kabundukan at iyon ay si "Aging" ang diwata na nangangalaga sa kabundukan. Nang
sinubukang hanapin ni Aga ang ingay na kung saan ito nanggaling, natagpuan niya ang
dalagang kay buod ng ganda na kaagad nakapagpatibok ng puso niya, kaya, naglakas
loob agad lapitan ni aga ang dalaga at agad napansin ng diwata ang papalapit na si Aga.

*Background music "Sundo"*


(https://www.youtube.com/watch?v=UMI1F8-SM00&feature=share)
V. Kaagad din nabighani ang diwata dahil sa unang beses niyang makakita ng isang ginoo.
Papalapit ng papalit ang dalawa, at pawang manghang mangha sa nakikita.
Nagkatitingin ang dalawa na para bang matutunaw na ang isat isa.
Kaagad namang nagkakilanlan at itinanong kung ano ang kanilang mga pangalan...at
kasabay ng pagtanong....

(Magtatanong si Aging na kung taga saan si Aga at sasagutin naman ni Aga.


Pagkatapos, sasayaw ng budots )

*Budots “Taga saan ka” music*


(https://www.youtube.com/watch?v=CPQhtx8uNo0&feature=share)

VI. Subalit……

*Kulog at danger something na background music*


(https://www.youtube.com/watch?v=0BmKxLyl_E4&feature=share)

(https://youtu.be/U0yKAzXMr4c)

mayroong isang boses na nanggagaling sa kalangitan ang biglang nagpatigil sa sandaling


kasiyahan ng dalawa. At iyon ang siyang Ama ni Aging na si Bathala.

"Aging anak, hindi bat kabilin bilinan ko sayo na huwag kang magpapakita sa mga tao na
kagaya niya? Ngunit anong ginawa mo? Sinuway mo ang bilin ko sayo. Ikaw ay aking
hahatulan ng parusa kung ipagpapatuloy mo ang pagkakamaling ito. Ngayon din ay bumalik
kana sa ating kaharian kung ayaw mo gawaran kita kaparusahan." Ang sabi ng Bathala.

"Masusunod po Bathala".Takot na takot na tugon ni Aging.


*Wag ka nang umiyak instrumental*

(https://www.youtube.com/watch?v=e8waFBSp0fQ&feature=share)

Papaalis na si Aging at sabay hinawakan ang kamay nito ni Aga. "Aging!" ang sabi ni Aga.

"Pero kailangan kung makabalik na sa aming kaharian Aga", ang sabi ni Aging.

*”Wag ka nang umiyak“ w/ lyrics music*


(https://www.youtube.com/watch?v=0GhoOq8o8bI&feature=share)

(Tatakbo si Aging habang hawak ni Aga ang isang kamay nito hanggang sa mahuhubad ni Aga
ang pawang pangbalot sa kamay na tela na suot ni Aging at naiwang luhaan si Aga.

*Sad background music*


(https://www.youtube.com/watch?v=uIFFF8p11Hk&feature=share)

VII. Napansin ni Aga na hawak hawak niya ang suot na hugis kamay na palamuti sa katawan
ni Aging. Nang magtatakip silim na, iniwan na niya ito na kinauupuan at
napagpasyahan na balikan na lamang niya ito sa mga susunod na araw at di naglaon
siyang umuwi na siya sa kanilang pook.

*Pang ending background music*


(https://www.youtube.com/watch?v=ZI2irqZkb1I&feature=share)
VIII. Malipas ang ilang araw, nagpasya siyang balikan ang lugar na kung saan, nakilala niya
si Aging na nagbabakasakali na muli niyang makita ito. At nang siya'y makarating,
tumunbad sa kanya ang malapunong halaman na may malalapad na dahon at hitik sa
bunga. Nang hanapin niya ang palamuting hugis kamay na pagmamay ari ni Aging sa
kinatatayuan at sa kanyang paligid, ay hindi na niya ito nakita. At nang pansinin niya
ang bunga ng isang malapunong halaman, para sa kanya, kasing hugis nito ang sinusuot
ni Aging. Dahil sa unang beses niyang makakita ng ganitong malapunong halaman,
binansagan niya itong "Aging". Nang makarating sa kanilang lugar si Aga ay may
napagkwentuhan siya patungkol kay Aging at sa malapunong halaman. Di naglaon ay
nagkaroon ng iba't ibang bersyon ang kwento. At ang malapunong halaman na noon ay
“Aging”, kalaunan ay naging "Saging" malipas ang ilang taon.

You might also like