Polo y Servicio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG BUHAY NI RIZAL SA DAPITAN

Noong Hulyo 15, 1892, nakarating sa Dapitan si Rizal at ipinagkaloob


siya kay Don Ricardo Carnicero y Sanchez, ang komandante ng hukbong
Espanyol sa lugar. At kasama ng pagbìbigay na iyon ang isang sulat, na
bukod sa mg̃a iba’t ibang bagay, ipinag-uutos sa Gobernador na patirahin
si Rizal sa kumbento roon ng mga Heswita, at kung sakali ay hindi
mangyari ito, ay doon siya patirahín sa bahay ng Gobernador. Dala din ni
Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells, ang superior ng mga Heswita, para
kay Padre Antonio Obach, ang paring Heswita sa Dapitan. Ang sulat ay
naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
Dahil hindi siya pumayag sa mga nasabing kondisyon, pansamantala siya
tumira sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang
naging kaibigan.Hinangaan ni Kapitan Carcinero si Rizal, at dahil sa
paghanga niya binigyan niya ng kalayaan si rizal na ; kumain silang
dalawa, pagbigay laya na pumunta kahit saan, kinakailangan lang dumulog
ng isang beses.

Noong Setyembre 21, 1892, nakatanggap sina Rizal, Carcinero at


isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang
9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni
Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay
Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili
ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.

Hindi naglaon ay tumanggap si Rizal kay Padre Pastells ng isang


librong sinulat ng presbíterong si Don Felix Sara y Salvany, at sa handog
na iyo'y nagpasalamat si Rizal at nangakong tutumbasan ito, bagay na
tinupad niya noong ika-15 ng Enero ng 1893, na nagpadala naman siya
kay Padre Pastells ng isang marikit na eskulturang larawan ni San Pablo,
na canyang ginawa. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa
Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng
bahay sa Talisay. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na
Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas
malaking kaso.
Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang
mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na
nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina
sa Dapitan sa loob ng isa’t kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala
ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan,
sinasadya siya ng mga pasyente mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Naging
interes din ni Rizal ang mga lokal na halamang gamot.Pumunta rin si
Teodora.

Noong Pebrero 1895, nagpagamot si George Taufer, isang bulag na pasyente


ni Jose Rizal. Ngunit hindi nagaling si Taufer. Sinamahan siya ni Josephine
Bracken, ang ampon ni George Taufer sa pagpunta niya sa Dapitan. Dito
nakilala ni Jose Rizal si Josephine at nagustuhan niya ang magandang
dalaga. Sila ay nagpakasal subalit hindi sila pinalad magkaroon ng anak dahil
namatay ang bata habang ipinapanganak.

Huling araw ni Jose Rizal sa Dapitan noong Hulyo 31, 1896. Sumakay siya sa
"Espana", pangalan ng barko papunta ng Maynila. Binenta niya ang mga
kanyang lupain sa mga taga-Dapitan. Malungkot umalis si Jose Rizal at
sumigaw ng "Adios Dapitan" sa mga nagmamahal sa kanya sa Dapitan.
Kasama rin si Kapitan Carnicero sa paghatid kay Jose Rizal at may banda
nagtugtog ng "Chopin's Farewell March" para sa pag-alis ni Jose Rizal.

You might also like