Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Grace Baptist Church and Schools of Baguio City, Inc

Unang Markahang Pagsusulit


Filipino – 9

Pangalan : Petsa :
Baitang : Puntos :

KABUUANG PANUTO
 Isulat sa MALAKING TITIK ang tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
 Bawal Magbura

I.PAGPIPILI-PILI
A. Isulat sa MALAKING TITIK ang napiling sagot sa patlang bago ang bilang.

A. DENOTASYON B. KONOTASYON C.MAIKLING KUWENTO

D. TAUHAN E. TAGPUAN F. BANGHAY G. KAKALASAN

I. SAGLIT NA KASIGLAHAN J. PANG-UGNAY

L. TUNGGALIAN M. OPINYON N. TULA

P. TUGMA Q. SAKNONG R. TALUDTOD

___1. Ang _______ paraan ay ang literal na pagbibigay-kahulugan sa tinutukoy na salita.


___2. Ito ay ang pagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring hango sa tunay na buhay ng isay tao o sa
obserbasyon ng isang maunulat sa kaniyang kapaligiran.
___3. Ito ay binubuo ng mga taludtod.
___4. Nagagamit ang mga _____ sa pagpapahayag ng sariling pananaw upang maipakita ang kaugalian
ng dalawang salita.
___5.Paraan ng pagbibigay-kahulugan sa tinutukoy na salita na batay sa damdamin sa pagpapahayag
nito.
___6.Ang mga akdang “Pagsubok sa Bagong Binhi” at “Tatang Utih” ay halimbawa ng_____?
___7. Sila ang mga gumaganap sa kuwento.
___8. Ang ______ ay pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, o saloobin sa isang paksa.
___9. Dito nagaganap ang mga pangyayari sa kuwento.
___10. Ito ang pinaka-kapanapanabik na pangyayari sa isang kuwento.

II. PAGTUTUKOY
A. Piliin sa kahon ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit.

A. DAHILAN B. NAG-UUMAPAW C. MAKAHOY NA HALAMAN

___1. Puno ng lungkot ang kaniyang buhay sa pagpanaw ng kaniyang asawa.


___2. May nakita akong bata sa ilalim ng puno ng manga.
___3. Ikaw ang puno’t bunga ng lahat ng kaguluhang ito!
A. PAGKAKATAON B. HENERASYON C. KLIMA

___4. Ang makabagong panahon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa bansa.


___5. Hindi mo na mawari ang panahon ngayon; maaraw sa umaga, maulan naman sa gabi.
___6. Huwag ka nang mag-atubili pa dahil nararamdaman kong panahon mo na upang umasenso sa
buhay.

A. NANAY AT TATAY B.MAPAGSAMANTALA C. MATIGAS

___7. Hindi ko akalain na magulang and tinderong iyon.


___8. Mahalin natin an gating mga magulang.
___9. Magulang na ang nabili mong prutas sa palengke.

B. Tukuyin ang pangatnig na bumubuo sa pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.

BAGO HABANG KAYA SAPAGKAT SUBALIT NANG

1. Pagkatapos ng bagyo sa aming bayan, tumaas ang bilang ng mga batang


nagkakasakit__________ ang mga pamilyang dapat ilipat ng tirahan.
2. Gagamitin ni Vincent ang Waze __________ nagmamaneho ang kanyang tatay ng kanilang
sasakyan.
3. Nagpuyat ang bunso kong anak__________tinapos niya ang kanyang proyekto.
4. Gusto niyang sumali sa paligsahan sa pagkanta __________ hindi naman siya pinayagan ng
kanyang istriktong nanay.
5. Nagulat ang mga bata __________ may kumalabog sa itaas ng bahay.

C. . Isulat ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O kung ang pahayag ay opinion sa
patlang bago ang bilang.
___1. Ang korte suprema ay ang pinakamataas ng naghahatol na hukuman sa Pilipinas.
___2. Ang mga nagtutulak ng droga ay salot sa lipunan.
___3. Batay sa Artikulo VIII, Seksiyon 8, ang paghirang sa mga miyembro ng Hudikatura ay ginagawa ng
Pangulo ng Pilipinas.
___4. Kailangan pataasin pa ang antas ng kamalayan ng Pilipino ukol sa karapatang pantao.
___5. Ang Protection Order ay ibinibigay para maiwasan ang pananamantala sa babae o bata na
nakararanas ng karahasan.

D. Pagsunud-sunurin ang bawat pangyayari sa kuwentong binasa. Isulat sa patlang ang


letrang A-G (A bilang unang pangyayari at G bilang huling pangyayari sa kwento).

___ Inilarawan ni Kru Dej kung gaano kalayo ang kabihasnan ang Ban Don Prai at kung bakit minsan lang
kung dumalaw sa nasabing eskwelahan ang tinatawag nilang “Boss” mula nang itinatag ito.

___Sa kabilang banda, natutuwa si Kru Dej na ang mga taga Ban Don Prai ay may payak na pamumuhay
at ang tanging aliwan nila ay ang pag-inom ng alak na kanilang ginagawa.

___Iniutos ng Kabesa ng baryon a isara nang isang lingo ang eskwelahan nang malaman na ang mga
mag-aaral ni Kru Dej ay walang guro nang araw na iyon.
___ Nakakuha ng pinakamataas na marka si Kru Dej kung kaya’t kauna-unahan siya sa lahat ng mga
nakapasa sa pagsusulit ng mga guro na pipili ng eskwelahan na kanyang paglilingkuran.

___ Akala ni Ai Dua na utang niya kay Kru Dej ang buhay niya buhat noong halos mamatay siya sa
malaria.

___ Pinagkakasya ng lamang ni Kru Dej ang oras sa pagtuturo sa kaniyang mga mag-aaral mula Grade 1
hanggang Grade 4 at dahil doon ay palipat-lipat siya ng silid-aralan na dingding lang ang pagitan.

___Pitong araw ang ginugugol ni Kru Dej sa tuwing siya ay pupunta sa bayan upang dumalo sa miting at
kunin ang kanyang buwanang sweldo.

III. SANAYSAY

 Magbigay ng 5 sitwasyon na maaaring magpakita ng pagiging gahaman.

You might also like