Professional Documents
Culture Documents
Catherine Anne L
Catherine Anne L
I. Kasanayan sa Pagkatuto
Kadena de Istorya
Panuto sa Gawain:
Papangkatin ang klase sa lima(5). Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng dugtungang
pagkukwento. Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng guro o ng isang mag-aaral.
Limang mag-aaral ang magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento.
Pagkatapos masabi ng isa ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi
bilang tanda na siya ay tapos na.
9. F7PU-IIa-b-7 Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling lugar
gamit ang wika ng kabataan
Sing-awit
Bumuo ng sariling bersyon ng isang awiting-bayan sa inyong lugar o barangay. Maaring
gumamit ng salitang impromal sa pagbuo ng awitin at lapatan ito ng tono. Maaring
sariling liha na tono o manghiram.
A. Buod ng Ulat
Kaligirang Sosyal o Social Climate ay tinuturing na isa sa mahalagang salik sa
matagumpay na pagtuturo at pagkatuto. Ayon kina Schuman (1975), Moskowitz (1976),
Benevento at Foust (1973) at Moskowits at Hayman (1974)
natutukoy ang kahalagahan ng kaiga-igayang kaligirang sosyal sa anumang pagkatuto.
Ang kaiga-igayang kaligirang sosya loob ng silid-aralan na na nag-udyok ng
pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawain ng pagkatuto.
Tumutulong sa pagtatag ng mga positibong pagpapahalaga at nagbubunga ng
matagumpay at epektibong pagtuturo at pagkatuto ay nagmumula sa mabuting
pamamahala sa UCLA- ang guro ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-alaran.
B. Sariling Pagninilay
Guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang
manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damhin at
pakingganang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman
bago lapatan ngkaukulang lunas. Ang ang kanyang impluwensiya sa lipunan at sa
paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi matatawaran kailanman.Bilang
magulang, siya ang nagsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng
anumangkakayahan mayroon ang mga mag-aaral.
C. Hamon
Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon, isang hamon sa akin ang
himawak sa puso at katauhan ng aking mga mag-aaral. Hindi lamang isang guro na
ibinigay ang kilakailangan matamong kaalaman kudi isang guro na yumayapos sa
kanilang damdamin at pagkatao. Hamon sa akin na makapagpabago at makapagpakilos
ng mag-aaral na tumimo sa kanilang puso’t isipan. Hamon sa akin hindi lamang maging
isang mahusay at epektibong guro kundi isang ina sa aking mga mag-aaral.
Ang munting hamon sa akin sa paksang ito ay paano ako magiging epektibong
guro. Ito ay magiging pagsubok sa akin marahil marami ang kilala gurong kwalipikado
subalit sumusuko sapagkat hindi nila nakikitang epektibo silang guro.