Sa Piling NG Mga Bituin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MAKI R.

KIYONO
BSEDFL 4-1N
SA PILING NG MGA BITUIN

Ang “Sa Piling ng mga bituin” ay isang sikolohikal na kuwentong pumapaksa sa mga bagay na

nagpapagulo sa isip ng pintor na si Ismael. Isang paghahanap ng mga sagot sa mga katanungan

may kaugnayan sa kaganapan ng buhay. Ang bawat isa sa atin ay inirerepresenta ni Ismael, lahat

tayo ay pintor ng sariling buhay ngunit ano ang mga bagay na nais o nararapat nating ipinta?

Para saan o para kanino tayo nabubuhay? Ang mga kagamitan sa pagpipinta na nabanggit sa

akda ay may isinasagisag kung iuugnay ito sa buhay. Una, ang Pinsel na sumusunod sa galaw ng

mga kamay at agos ng pintura. Bawat paghagod ay nagbibigay-daan sa kalalabasan ng larawan

(thoughts; ang mga pumapasok sa ating isipan na kalauna’y bibigyan natin ng buhay sa

pamamagitan ng pintura at paleta). Ikalawa, ang Pintura na nagbibigay-kulay o buhay sa

imaheng inilalarawan. (choices; ang paghirang natin sa mga ideyang ating nilikha). Ikatlo, ang

Paleta na sumasalo sa kulay ng pintura. (actions; pisikal na manipestasyon ng ating mga desisyon

sa buhay) at ikaapat, ang Lona na nagpapakita ng kinalabasan ng imahe. (manifestation/outcome;

kinahitnan ng bawat desisyon at kinilos natin sa buhay. Ang resulta ay nahahati lamang sa

dalawa: mabuti at hindi.)

Habang binabasa ko ang akda nakaramdam ako na para bang binabasa ko ang sarili o binasa ako

ng akda dahil gaya ni Ismael hinahanap ko ang kabuluhan ng buhay, hindi ko naiintindihan ang

pagkakaroon ng buhay upang sa huli ay mamatay. Hindi ko rin lubusang nauunawan ang

konsepto ng langit dahil kung sinasabing walang kondisyon ang pag-ibig ng Diyos at

nagpapatawad siya ng lubos e bakit may impyerno? Bakit kailangan muna mabuhay sa lupa bago

mabuhay sa langit?
Ang buhay ba ay katulad ng gabi na laging may umaga? Ng umaga na laging may gabi? Ng gabi na laging may

umaga? Na waring walang simula at wakas? Na waring isang kawalang-hanggan?

Parang hinahaplit ng mga katanungang iyon ang kanyang utak; uminog ang kanyang diwa, uminog nang uminog,

sumuling-suling sa kalawakan, nag-apuhap sa kawalan, bumulusok sa kalaliman, sumisid, sumisid nang sumisid

hanggang sa maarok; ngunit malalim ang kalaliman at hindi niya maarok.

Isinilang ba ang tao upang mabuhay, mamatay, at muling mabuhay? May kabilang-buhay daw, sapagkat may

impiyerno at paraiso. Ang impiyerno raw ay para sa mga makasalanan, at ang paraiso raw ay para sa mga

nakasusunod sa utos ng Diyos. Ang impiyerno raw ay walang hanggang paghihirap sa kumukulong putik, sa

nagbabagang bato, sa nakasusukang amoy ng asupre, at ang paraiso raw ay walang hanggang buhay, walang uhaw,

walang gutom, pulos ng kaligayahan.

Ang mga eksistensiyal na katanungang ito ang gagambala kay Ismael, ngunit sa dakong

katapusan ng kanyang paghahanap ng mga sagot ay itatanong niya kung bakit kailangang

maghirap nang walang hanggan ang sangkatauhan. At ang huling tanong na ito ang

magpapabalikwas kay Ismael upang simulang buuin ang isang kahindik-hindik na larawan ng

buhay ng tao.

“Hindi ba ang Diyos daw ay pag-ibig? Mapagpatawad, mapagmahal? Bakit matitiis Nitong

papaghirapin nang walang hanggan ang kanyang mga nilalang?”

Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay na hindi tiyak ang patutunguhan. Hindi ipinangako

ang bukas at lalong hindi rin tiyak kung ano ang kayang ibigay ng bukas. Kung bakit tayo

nabubuhay hindi ko rin alam ang sagot pero tiyak ako sa isang bagay- walang sino man ang

nabubuhay para sa sarili lamang at tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa. Ang anumang

gawin o sabihin natin ay may malaking epekto sa buhay ng iba. Ang mga pagsubok sa buhay
marahil ang nagsisilbing paalala na kakailanganin mo ang iba at kakailanganin ka ng iba,

nagsisilbi itong bigkis na nagtatali ng ugnayan natin sa isa’t isa.

Bungo at Daigdig

Narinig ko sa isang awitin ang mga linyang “Mamamatay ka rin, ang mundo ay wag masyadong

mahalin. Mamamatay ka rin, Ililibing ka kahit gaano kagaling”. Sumisimbolo ang bungong

nanunudyo na hindi natin matatakasan ang kamatayan—sa huli’y titipunin rin ni kamatayan ang

ating mga kaluluwa patungo sa kung saan mang lugar na hindi pa natin nalalaman,walang

exemption. Ngunit kahit na ganoon, ang mundo ay patuloy pa ring iikot at ang pagsibol ng buhay

ay magpapatuloy. Hindi na siguro mahalaga pang maunawaan natin ang lahat maging ang

misteryo ng buhay sadyang may mga bagay talagang mainam pang hayaan na lang may

nakapagsabi nga sa akin noon na “masyado nating hinahanapan ng paliwanag ang mga bagay-

bagay, bakit di nalang enjoyin” at sabi nga ni Bo Sanches mabuhay tayo sa kairos wag sa

chronos.

Pansin at Puna – Kung ikukumpara sa iba pang mga akda ni Rogelio Ordonez, taglay ng “Sa

Piling…” ang pagkiling sa napakaraming dukha at inaapi sa mundo, bagay na makikita naman sa

lahat ng sinulat ni Ordoñez mula’t mula pa at sa mga sinusulat pa niya – dahil nagsusulat pa rin

siya – ngunit ang mga naghahanap ng higit na “rebolusyonaryong” nilalaman sa kuwentong ito

ay mabibigo sapagkat ang akda ay higit na nakatuon sa personal na aspekto.

You might also like