Professional Documents
Culture Documents
Anti Bulliying
Anti Bulliying
Ella
Grade 6 jacinto
Nag kakaroon ng bully sa isang lugar particular ang paaralan dahil may nakikita sila sa
isang tao na hindi kaaya-aya. Halimbawa, matabang babae, payat na lalake, malaking ngipin,
maliit ang tenga, at iba pa. Pwede ring may nalaman ang bully tungkol sa problema ng
kanilang pamilya. Halimbawa walang tatay, walang nanay, ampon ang bata, at iba pa. Nang
bu-bully ang isang tao dahilsa wala silang magawa sa kanilang buhay. Ang gusto lamang nila
ay gawing miserable ang buhay ng isang tao o ng isang mag-aaral.
Para sa akin, ang pinakamagandang paraan para hindi ka nila maapektuhan ay huwag
pansinin. Pero may mga oras na kahit anong iwas mo sa kanila ay hindi ka nila tatantanan.
Ang pinakamagandang gawin ay isumbong ito sa iyong mga magulang, teacher, guidance
counsellor, at sa ibang nkakatanda sayo. Huwag magpaapekto o gumanti sa mga taong ito.
Ang pag kitil ng iyong buhay ay isang paraan na pinakita mo sa kanila na nanalo sila.
Mahalaga ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyoskay mag purige tayo sa ating pag-aaral at
ipakita natin sa kanila na kaya nating bumangon sa madilim na kahapon