Diagnostic Results

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PASKO NA SINTA KO

Ano nga ba talaga ang tunay na diwa ng pasko? Ito ba ay ang mga
madigarbong mga palamuti sa loob at maging sa labas ng ating mga tahanan.
Napakaraming regalo sa ilalim ng Christmas tree, mga kards na ating pinapadala at
natatanggap. At mga masasarap ng pagkain sa Noche Buena.Ito ba talaga ang pasko?

Pasko ang pinakaespesyal na araw na ipinagdiriwang sa halos lahat ng sulok


ng ating mundo. Pagdiriwang na pinkahihintay ng lahatna nangyayari lang sa isang
beses sa isang taon. Pagdiriwang na ang bawat isa ay puno ng kaligayan na naghahari
sa ating mga puso’t isipan.Sa araw ng kapaskuhan sama-sama tayong magsisimbang
gabi na isa sa nga nakaugalian nating mga Pilipino sapagkat ito ay simbolo ng
pagdating o pagsilang ni Hesukristo.

Lahat tayo ay abala sa paghahanda ng ibat ibang pagkain at pagbalot ng mga


regalo na ating ipapamahagi .Ngunit hindi dapat nating kalimutan ang tunay na diwa ng
pasko.Ito ay panahon ng pagbi igayan, pagmamahalan at higit sa lahat ito ay
pagpapasalamatan sa ating mahal na Panginoon para sa lahat ng mga biyaya na
ipinagkaloob sa atin sa buong taon.Ngunit nakakalimutan nang ilan sa atin ang tunay na
kahulugan ng pasko at ang ilan ito ay panahon ng kalungkutan na wala silang ekstrang
pera para makabili ng mag regalo para sa kanilang mga anak, pamilya at kaibigan. At
walang maihahandang pagkain at ang iba ay malayo sila sa kanilang pamilya dahil sa
maraming kadahilanan.

Ngunit, ang pasko ay isang rason para sa kasayahan.Ito ay ang panahon kung
saan pinapakita ng Diyos ang pag-ibig sa sanlibutan upang tayo’y mailigtas sa
ating mga kasalanang ating mga nagawa. At ipinagdiriwang ang kapanganakan ng
isang sanggol na si Hesus na nagdala ng kagalakan sa ating mundo. At wag nating
kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na siyang dahilan kung bakit tayo’y nandito at
nagdiriwang ng kapaskuhan nawa’y lagi tayong magpasalamat sa lahat ng mga
biyayang natatanggap sa araw-araw. Hindi lang dapat sa araw ng pasko ang
pagmamahalan datapwa’t isapuso natin na dapat tayo’y palaging magbigayan at
isantabi ang hindi pagkakaunawaaan .At ito rin ang panahon ng pagsisimulang muli.
Republic Colleges Guinobatan, Inc .
G. Alban ST. Guinobatan , Albay

Ipinasa ni:
Jove Mae Ll. Moriño

You might also like