Professional Documents
Culture Documents
Rizals Death Script
Rizals Death Script
LT. TAVIEL DE ANDRADE: MACATANGAY (scene 1) MGA SUNDALO: IRISH, JABOLI, LIAN LEE, MALAKI (scene 6)
(nakaupo si Rizal)
Narrator: Sa mga nalalabing oras ni Rizal, matapos siyang mahatulan nang kamatayan ng hukumang royal audiencia,
siya ay inilipat sa kulungan (prison chapel) kung saan siya ay dinalaw ng kanyang mga kamag-anak at malalapit na
kaibigan
Lt. Taviel de Andrade: Narinig ko ang hatol, at nalulungkot ako sa mga pangyayari.
Jose Rizal: Wala tayong magagawa, kung yang ang kanilang nais. Gayunpaman, nais kong magpasalamat sa
lahat ng iyong tulong sa aking paglilitis.
Lt. Taviel de Andrade: Nais ko ring humingi ng tawad, dahil hindi ko nagawang iligtas ka.
Jose Rizal: Ginawa mo ang lahat, teniyente, at dahil doon, lubos akong nagpapasalamat.
Narrator: Matapos ang limang oras na pagdalaw ng ilang mga kaibigang pari ni Rizal, naiwang mag-isa si Rizal sa
kaniyang kulungan.
Narrator: At dito siya ay nagsimulang magsulat ng mga liham at tula. Ilan sa kaniyang mga isinulat sa mga panahong
ito ay ang (farewell poem) na itinago niya sa isang lamparang mula sa asawa ni Juan Luna, at ang liham niya para sa
matalik niyang kaibigan na si Propesor Blumentrit
Sa liham ni Rizal para sa propesor, isinaad niya ang mga sumusunod; "i quote"
“Propessor Blumentrit:
Mahal kong kapatid,
Kapag natanggap mo itong liham na ito, marahil ay patay na ako. Bukas, alas-siyete ng umaga, ay
papaslangin ako, ngunit ako ay inosente sa krimen ng rebelyon!
Paalam, aking pinakamatalik na kaibigan. Huwag ka sanang mag-isip ng masama para lang iganti ako.
(titigil si Rizal na magsulat, ilalagay ang sulat sa lampara, kasama ang isa pang papel)
Narrator: Pagsapit ng alas kwatro ng hapon (4:00 p.m.) dumating ang ina ni Rizal na si Teodora.
Teodora: Pepe…
(tatango si Trinidad)
Narrator: Matapos ang pagdalaw ng kaniyang ina at kapatid, bumisita pa ang ilan sa kaniyang mga kaibigan… At
pagsapit ng alas otso ng gabi (8:00 pm.), kinain ni Rizal ang kaniyang huling hapunan.
(kakain si Rizal)
Jose Rizal: Kapitan Dominguez! Nais kong ipaalam sa’yo na napatawad ko na ang lahat ng aking mga kaaway, kasama na
ang mga hukom ng militar na humatol at nagpataw sa akin ng parusang kamatayan
Narrator: Kinabukasan, alas singko y medya (5:30am) inihain na kay Rizal ang kaniyang huling almusal.
Sa isang bahagi ng kaniyang liham para kay paciano sinambit niya ito(I quote):
Ngayong mamamatay na ako, sa’yo ko iniaalay ang aking mga huling linya, para sabihin sa’yo kung gaano ako
kalungkot na iwan kang mag-isa sa buhay, kasama pa ang pasanin n gating pamilya at ang ating tumatandang mga
magulang.”
Narrator: Matapos magsulat ng mga liham ay dumating si Josephine Bracken kasama ang kapatid ni Rizal na si Josefa
Narrator: Alas sais y medya ng umaga ng araw na iyon, nagsimula na ang pagmartsa patungong Bagumbayan.
(Nagmarmartsa si Rizal, padre(Garcia), mga sundalo (irish, jaboli, lian lee, Malaki), commander(ralph), Dr.
Castillo(malazarte).
Jose Rizal: Kay ganda ng araw na ito, Padre! Ano pang umaga ang mas matiwasay at mapayapa? Kay linaw ng Corregidor
at ng mga bundok ng Cavite! Sa mga umagang tulad nito, lumalakad kami sa labas kasama ang
aking kasintahan.
(lakad…lakad…lakad)
(hinto)
Narrator: Nang makarating sila sa Bagumbayan, isang pari ang nagbasbas kay Rizal
Commander: Impossible! Klaro at strikto ang utos sa amin na ika’y paslangin habang ika’y nakatalikod.
(Rizal lakad)
Dr. Castillo: Nakamamangha! Normal ang kaniyang pulso. Hindi siya takot mamatay!
Commander: Listo!
Commander: Fuego!