Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kamusta inyong bansa?

Aming kapuwa makata.

Nandito kami upang magsalita,

At pag-ibig sa bayan ang aming paksa.

Ating alalahanin,

Ang mga bayaning magigiting.

Atin ng sariwain,

Ang pag-ibig nila sa bayan natin.

Tulad ng pamilyang nagmamahalan,

‘Yan ang kanilang pag-irog sa ating bayan.

At gaya ng bawat miyembro ng tahanan,

Ang bawat isa ay nagtutulungan.

Ang ningning ng bituin sa langit

Ay saksi sa kasaysayan nating kay pait,

Kung saan naipakita ang pagmamahal kahit na alumpihit

Dito sa bayan nating kaakit-akit.


Ngunit ito ba’y karapat-dapat sa atin?

Dugo’t pawis ba ng mga bayani’y pinapahalagahan


natin?

Kaya pa ba nating ipaglaban ang sariling atin?

O luluhod na lang tayo sa mga tong gusto tayong sakupin?

Hindi! Dahil ngayon ay naintindihan namin na.

Na ang bayang ito ay tunay na mahalaga.

Gusto kong ipaalam at ipakita,

Ikaw, sayo at sakanya na ito ay ang ating lupa.

Ipakita nating ito ay para sa atin!

Ipabatid nating ito ay lupain natin!

Harapin mo! At ang lahat ng kalaban ay ating tatalunin!

Isigaw niyo! Pilipino ako! At ito ang bayan ko.

Tulad ng mga hayop at ng mga halaman.

Ikaw at ang iyong mga kaibigan.

Mga bata o mga nagsipagtandaan.

Lahat tayo ay may pag-ibig sa bayan.


Ating ipabatid sa buong daigdig

Na ang bayan nati’y ating iniibig.

Ipagmalaki natin ang bawat nasa paligid,

Atin ng pahalagahan at huwag hayaan malimahid

Dahil ang lahat ng ito ay mula sa tagumpay,

Mula sa pag-ibig at pagbubuwis ng buhay.

Huwag kalimutan ang mga bayaning tunay

At ang ating baya’y mahalin ng walang humpay.

Mga Pilipinong aming kababayan!

Itong tula nami’y nawa’y inyong maramdaman.

Tayo na nga’t magbayanihan

At ipakita ang Pag-Ibig Sa Bayan.

You might also like