Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MEDRANO, Louise R.

2018-46144
Wika 1 1-BA Philippine Arts
Dengvaxia: Salita ng Pag-Asa? O Panganib?

Dengvaxia. Isang salitang inasahang magdala ng pag-asa sa mga magulang,


isang salitang inasahang magdala ng solusyon sa isang problemang nananatili sa
Pilipinas hanggang ngayon. Ito ba ang tunay na dinala ng salitang ito? Nagdadala ba
talaga ng pag-asa at ginhawa ang salitang ito kapag naririnig ng isang Pilipino? O
natatakot at nagagalit ba ang mga Pilipino kapag binabanggit ang salitang ito?

Ang Dengvaxia ay ang kauuna-unahang bakuna sa mundo na ginawa para


labanan ang Dengue virus. Ang salitang ito ay isang pangngalan at ibinibigkas sa
paraang deng/vak/sya.

Ang bakuna ay nanggagaling sa isang parmasyutikong kumpanyang


nangangalang Sanofi Pasteur. Una itong inapruba sa bansang Mexico noong taong
2015. Sa unang tingin, nagmumukha itong sagot sa mga dasal ng Pilipinong
naghahanap ng paraang maiwasan ang Dengue virus. Hindi sikreto na ang Dengue ay
isa sa mga pangunahing problema ng bansa sa aspeto ng pampublikong kalusugan.
Dahil dito, mataas ang lebel ng pag-asa sa pagka-epektibo ng bakunang ito.

Ngunit nagsimulang mag-iba ang kahulugan ng salitang Dengvaxia nang may


batang namatay pagakatapos niyang nakuha ang Dengvaxia vaccine. Dito nagsimulang
mag-iba ang kahulugan ng Dengvaxia sa mga mata ng Pilipino.

Nalaman lang ng mga mamayang Pilipino na ang Dengvaxia ay dapat binibigay


lamang sa mga batang nagkasakit ng dengue na, pagkatapos nabakunahan na ang
mahigit na 800,000 na batang nabakunahan. Noong nakaraang Abril, nagtala ang
Kagawaran ng Kalusuga (DOH) ng 62 na namatay ng batang nabakunahan ng
Dengvaxia.

Dahil maraming naapektuhan ang pamamahala ng bakunang ito, ang-iba ang


kahulugan ng salitang Dengvaxia sa mga Pilipino. Ang salitang dapat maging simbolo

!1
MEDRANO, Louise R. 2018-46144
Wika 1 1-BA Philippine Arts
ng pag-asa, ang salitang dapat sumagot sa mga panalangin ng mga Pilipino, ngayon ay
nag-iba at negatibo ang naging konotasyon. Ang salitang dapat agbuhat ng mga
mabubuting kaisipan ay ngayon nagdudulot ng maraming masamang ala-ala o
konsepto.

Maihahambing din ang salitang Dengvaxia sa takot ng mga Pilipino sa bakuna.


Dahil sa kontrobersiyang naganap, mas kaunting mga magulang ngayon ang
nagpapabakuna ng kanilang mga anak. Ang mga magulang ngayon ay mayroon phobia
sa mga bakuna dahil sa insidente ng Dengvaxia. Sa mga magulang naman na may
batang nabakunahan ng Dengvaxia, malakas ang kanilang takot na baka mawala sa
kanila ang kanilang mga anak.

!
Mula sa: https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/217912-dengvaxia-one-year-after-outbreaks-series-part-1#cxrecs_s

Sinasabing anim mula sa sampung bata na lang ang nababakunahan


(Nobyembre 2018). Ang Dengvaxia rin ay responsible sa bumabang tiwala ng mga
Pilipino sa DOH Immunization Program, bumaba ito mula 92% hanggang 32% na
lamang. Dahil dito, nagkakaroon na ng mga measles outbreak ang bansa. Sinasabing
sa sobrang takot na nag mga magulang, tinatago nila ang kanilang mga anak tuwing
may dumarating na health worker sa kanilang bahay. Ayaw pa rin nilang mabakunahan
ang kanilang mga anak kahit ang MMR (Measles, Mumps, Rubella) na bakuna ay libre

!2
MEDRANO, Louise R. 2018-46144
Wika 1 1-BA Philippine Arts
naman. Sa makatuwid, ang Dengvaxia ay nagdadala ng masamang reputasyon para sa
lahat ng mga bakuna.

Kalungkutan at pagsisi rin ang dinadala ng Dengvaxia. Ito ang mga emosyong
nararamdaman ng mga magulang may anak na nabakunahan ng Dengvaxia. Sila’y
malungkot dahil maaring may masamang mangyari sa kanilang mga anak. Sila rin ay
nagsisisi dahil alam nilang responsibilidad nila ang kanilang mga anak. Sa kanilang
punto-de-bsita, mayroon din silang kasalanan sa nangyari.

Kapag naririnig ng Pilipino ang salitang Dengvaxia, siya ay nagagalit. Malakas


ang galit ng sambayanang Pilipino sa pamahalaan dahil sa kapabayaan nito.
Nagmumukhang pinapabayaan lamang ng pamahalaan na mamatay ang mga batang
nabakunahan ng Dengvaxia. Sa kasong ito, malaki ang kasalanan ng gobyero kaya’t
galit na galit ang sambayanang Pilipino. May galit din ang mga Pilipino sa pamahalaan
dahil nagkulang sila. Nang mabakunahan ang mga bata, walang binigay na
impormasyon sa magulang na kumpleto. Gaya ng sinabi sa nauunang bahagi ng papel
na ito, ang Dengvaxia ay dapat ibinigay lamang sa mga batang nagkaroon ng dengue
na. Sa kasamaang palad, nalaman lamang ito ng sambayanang Pilipino pagkatapos
mamatay ang isang bata dahil sa dengvaxia.

Muli, ang Dengvaxia noon ay salita ng pag-asa, dahil inasahang ito ang magiging
solusyon sa isa sa mga malalaking problemang hinaharap ng bansa. Pagkatapos ng
mga mararaming insidente kung saan ang Dengvaxia ay nagdala ng panganib sa mga
nabakunahan nito, ito’s naging salitang nagsasanhi ng galit, takot, kalungkutan, at
pagsisisi ng mga Pilipino. Dahil maraming naapektuhan ang mga insidenteng ito,
malakas ang mga reaksyon sa salitang ito. Mabigat ang mga emosyon na dinundulot ng
kontrobersiyang ito, at halos nakamamatay rin. Dahil malakas ang mga epekto nito sa
mga maraming naapektuhan, maaring maging salita ng taon ang Dengvaxia.

!3
MEDRANO, Louise R. 2018-46144
Wika 1 1-BA Philippine Arts
SANGGUNIAN
• Rohaidi, N. (2016, Nobyembre 16). What You Need To Know About Dengvaxia,
Sanofi Pasteur’s Dengue Vaccine. Kinuha sa https://www.asianscientist.com/
2016/11/features/ng-su-peing-dengvaxia-sanofi-pasteur-dengue-vaccine/
• France-Presse, A. (2015, Disyembre 10). World’s first dengue fever vaccine
cleared. Kinuha sa https://www.rappler.com/science-nature/life-health/115488-
first-dengue-fever-vaccine-cleared
• Lardizabal, C. (2017, Disyembre 8). DOH: More than 800,000 children
vaccinated with Dengvaxia. Kinuha sa http://cnnphilippines.com/news/
2017/12/06/DOH-more-than-800000-children-vaccinated-with-dengvaxia.html
• Tomacruz, S. (2018, Disyembre 1). A Year After Dengvaxia: Immunization drops,
measles outbreaks soar. Kinuha sa https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/
217912-dengvaxia-one-year-after-outbreaks-series-part-1#cxrecs_s
• Ang Pinaka (informative na palabas ng GMA) Disyembre 2, 2018 episode

!4

You might also like