Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Lunsaran ng Isang Paghahanda

Bago magsimula ang kalendaryo ng mga paaralan para sa taong 2018-2019 ay isinulong ng Kagawaran
ng Edukasyon ang Oplan Balik Eskwela na magsisimula sa ika-21 ng Mayo hanggang ika-8 Hunyo nitong
taon. Ang inisaSyong ito ng pamahalaan ay ang siyang lubos na nakatulong sa maayos at magandang
pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Isa sa mga nagging layunin ng Oplan Balik Eskwela (OBE) ay para siguraduhin na magkakaroon ng mabilis
at maayos na enrolment ang bawat mag-aaral at masiguro ring makakapasok sila sa unang araw ng
eskwela. Dahil ditto ay naiwasan ang mga aberya at pagka antala na maaring mangyari kung hindi
naipatupad ang OBE.

Nagpatupad din ang OBE ng Public Assistance Command Center sa mga Schools Division Offices.
Tungkulin nitong tumanggap,magproseso at tumugon sa mga hinihinging impormasyon, mga reklamo at
hinaing galing sa mga general public maging ang mga ipinasa mula sa DepEd offices. trabaho rin nilang
linawin at palawigin ang mga impormasyon hinggil sa mga polisiya , programa at proseso patungkol sa
pagsisimula ng klase. Minomonitor rin nila ang mga dokumento at isinusumite ang mga reports sa lahat
ng isyu at hinaing natatanggap nila at gumagawa ng kaukulang aksiyon hinggil ditto.

Ang mga serbisyo’t aksiyon ng OBE ang siyang tumawid sa mga kakulangang lubos na kailangan ng mga
paaralan lalung lano na sa mga pampublikong paaralan na nangangailangan ng paggabay sa mga proseso
at panuntunang kailangang sundin sa unang araw ng klase.

Upang masigurado na magiging tagumpay ang pagpapatupad ng OBE , ilang mga ahensiya ng gobyerno
ang nakiisa sa pagpapatupad nito. Ilan sa mga ahensiyang ito ay mula sa Office of the Assistant
Secretary for Public Affairs Service and Alternative Learning System,Office of the Undersecretary for
Curriculum and Instruction, Office of the Undersecretary for Planning and Field Operations at marami
pang iba.

Ang partisipasyon ng mga ahensiyang ito ay lubos na nakatulong sa matagumpay na pagpapatupad ng


OBE. Sila ang siyang tumugon sa mga ilang pangngailangan gaya ng pinansiyal na siyang ginamit sa mg
ilang operasyong isinulong ng OBE.

SA mga pampublikong paaralan ay nakiisa rin ang mga LGU’s maging ang mga mag-aaral, guro at mga
magulang ay tulong tulong upang maging maayos at maiwasan ang anumang magiging mga SULIRANIN
at Siniguro rin ng lahat ang kaayusan segUridad at kaligtasan ng bawat mag-aaral sa pagsisimula ng
klase.

Sa kabuuan ang lahat ay naging maayos at niayon sa plano ng DepEd sa unang araw ng pasukan. at
dahil yan sa mga tulong at partisipasyon ng lahat ng mga mag-aaral,magulang,guro at lahat ng mga
ahensyang nagtiwalang mairaraos natin ang pagsisimula ng pasukan sa pamamagitan ng
pagsasapatupad ng Opln Balik Eskwela.
Layon ng Pagbabasa

‘’With poor reading comes poor learning.’’ Iyan ang linyang lagi nating naririnig sa ating mga guro lalo na
tuwing tayoy tinatamad magbasa kapag ang pinag-uusapan na ay ang mga reading comprehension,
pagbabasa ng mga talata at nobela. Dahil sa katamarang ito ay nagiging sanhi ng kawalan ng interest
natin sa pagbabasa. Ang kasanayan natin sa pagbabasa ay nagiging mapurol at kadalasan ay nagdudulot
ito ng mababa o di kayay kawalan ng kaalaman.

Batay sa data na binigay ng kagawaran ng Edukasyon, sa halos 100 na mag-aaral na pumasok sa unang
baiting(grade1),halos nasa 15 ang hindi nakakapasok sa ikalawang baiting(grade2) at nasa 24 pursiyento
nito ang nag drop out na bago paman makatungtong sa ikaapat na baiting. Pangunahing rason kung
bakit ilan sa mga mag-aaral ang hindi nakakapag-aral o di kayay tumigil na sa pag-aaral ay dahil sa
kadahilanang hindi sila marunong magbasa o di kayay isulat manlang ang sarili nilang pangalan. Ditto
palamang ay makikita na ilan sa ating mga Pilipino ay hirap sa pagbasa at pagsulat.

Ilan rin sa mga mag-aaral na nasa mataas na paaralan ay nakitaan na hindi rin masiyadong bihasa sa
pagbabasa kung kayat ilan sa mga guro ang hirap sa pagtuturo kung paano ipaliwanag ang mga aralin sa
kaniyang mga estudyante. Kung su-sumatotalahin malaking porsiyento sa bilang ng mga mag-aaral na
Pilipino ang hindi marunong magbasa.

Para saan ba ang pagbabasa ? ano ba ang kahalagahan nito sa buhay natin bilang mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagbabasa ay lumilinang at patuloy na nagpapalawak sa kaisipan ng


isang indibidwal. Sa pamamagitan ng pagbabasa nagagawang lumikha ng makabagong pananaw sa
buhay ang isang mambabasa. Nagagawa rin ng isang mag-aaral ang makalikom ng karagdagang
kaalaman at pagsasanay sa wika na nagbibigay daan sa interaktibong pagdulog nito sa mga aktibidades
sa loob ng kanilang silid-aralan.

Sa pamamagitan rin ng pagbabasa nagagawang maglahad nito ng mga paraan sa paglinang sa kakayahan
ng mga mag-aaral sa mapanuring pag-iisip at mapatibay ang ating Learning Competencies.

Ang pagbabasa ay hindi lang naman naiiwan sa loob ng apat na sulok ng isang klasrum. Ang mga
pagkatutong nalinang natin rito ay magagamit sa pang-araw araw na aspekto ng buhay. Ang kakayahan
natin sa pakikipag-interaksiyon o komunikatibo sa mga nakakasalamuha natin sa araw-araw ay
mayroong kaugnayan parin sa kasanayan sa pagbabasa. Hindi sapat na mayroon na tayong kasanayan sa
pakikinig at pagsasalita kailangan parin nating matuto kung paano magbasa at magsulat ng maayos.

Sabi nga ng ilan, ang pagiging edukado ng isang tao ay nasusukat sa kakayahan nitong makipagtalastasan
at makipagsabayan sa mundo ng kumpetisyon. At bago ka makarating sa dakong ito kailangan mo
munang tahakin ang unang hakbang at ito ay ang pagkatuto at paglinang sa kakayahang magbasa.
Aral sa Nakaraan: Seguridad sa Kasalukuyan At Kinabukasan

Bangungot! Iyan ang salitang maiaangkop kay bagyong Lawin noong ito’y nanalasa dalawang taon na
ang nakalilipas. Yerong nagsiliparan, punong nagsibagsakan, wasak na kabahayan, sirang kabuhayan at
buhay na nabawasan. Ang bangungot ngayon ni Lawin ay nag-iwan ng mga aral o leksiyon sa atin bilang
mga Cagayano na siyang ating ginamit upang harapin ang panibagong problema na hatid naman ni
bagyong Ompong.

Dalawang araw bago mag landfall ang bagyo ay sinuspindi na ng gobyerno sa tulong ng NDRRMC at ng
ating butihing gobernador ang pasok ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo. Ito ay
para sa paghahanda sa maaring idulot ni bagyong Ompong. Hindi rin nagkulang sa pagpapaalala ang mga
ilang ahensiya na nagtulong-tulong para sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan. Dahil sa
ginawang aksyon na ito ng pamahalaan ay nabawasan ang mga pinsala na maaring idulot ng bagyo. Mga
aksiyong kanilang natutuhan mula sa hagupit ni Lawin.

Gumawa rin ng aksiyon ang DENR sa pamamagitan ng pagtulong sa pagputol sa mga punong kahoy na
maaring bumagsak sa mga kabahayan o lansangan. Maging sa mga linya ng kuryente ay inayos ng mga
espesyalista. Nagkaisa rin ang DSWD at LGU sa pagsasaayos ng mga evacuation areas at mga tulong na
maaring ibigay ng pauna. Nagtalaga rin pondo ang pamahalaan sa maaaring gamitin kung sakali. Ang
mga paghahandang ito ang tunay na makapagpapatunay na tayo ay natuto na mula sa aral na iniwan sa
atin ni lawin.

Nakita rin ang pagkakaisa ng mga baranggay officials at mga mamamayan sa pamamagitan ng
pagtulong-tulong sa pagputol ng mga malalaking kahoy na maaaring makapinsala, pagsasaayos ng mga
kawad ng kuryente at street lights at ang kooperasyon ng mga mamamayan sa paglikas noong sila’y
pinaalalahanan ng pamahalaan. Ito ang siyang patunay din na ang ilan ay natatakot nang maulit ang dati
kung kayat lahat ay hangad ang kaligtasan mula sa kay Ompong.

Kung noong panahon ni Lawin ay ipinagsawalang bahala lang natin ang mga abiso’t paalala sa atin at ang
masama pa nito’y ginawa natin itong biro, ngayon ang lahat ay nakikiisa at nakikipagtulungan dahil ayaw
nang maulit pa ang bangungot sa kamay naman ngayon ni Ompong.

Salamat sa bagyong Lawin dahil kung hindi dahil sa kaniya marahil tayong mga Cagayano ay patuloy
paring pinagtatawanan ang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng bagyo. Ngayon tayong mga
Cagayano ay hindi lang nagging matagumpay na nairaos ang bagsik ni Ompong kundi kayang –kaya
naring lampasan anumang hamon o pagsubok ang ibigay sa ating buhay sa tulong ng mga leksiyong
iniwan ni bagyong Lawin.

You might also like