Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

I.

Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mensaheng nakapaloob sa napaanood na parabola,
b. naibabahagi ang natutuhang aral sa napanood na parabula; at
c. nakasusulat ng isang pilosopiya sa pamamagitan ng slogan making na nababatay
sa tema ng parabolang tinalakay.

II. Paksang aralin


a. Paksa: Ang Tusong Katiwala (Parabula)
b. Sanggunian: Panitikang Mediterranean, (pahina 47-48)
c. Kagamitang pampagtuturo: Projector (Bidyu at Powerpoint Presentation), kartolina,
rubriks, plaskards, tsarts

Pagpapahalaga:
“PAGIGING MATAPAT SA TAONG SAYO’Y NAGTIWALA”

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang gawain
 Panalagin
Mga mag-aaral, tumayo muna tayong lahat at
tayo’y manalangin. Tinatawagan ko si Bb. Albarillo
upang pangunahan ang ating panalangin.
Dakilang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Lord, maraming salamat po sa hapong ito na
kami ay nagsamasamang muli upang matuto. Sa
oras na ito kami po ay inyong tulungan sa aming
mga gagawin, nawa’y bigyan niyo po kami ng
katalinuhan, kalakasan at pang-unawa sa aming
mga haharapin.
Tulungan niyo po kami na maging mahusay
na estudyante sa klaseng ito. Maraming salamat
po,ito po ang aming panalangin sa panganlan ni
Jesus amin.
 Pagbati

Estratehiya: Magandang Buhay na pagbati!

Magandang buhay sa inyong lahat, klase!


Magandang buhay din po, guro.

 Pagtala ng liban
Estratehiya: Tala-liban
Teknik: Mayroong dalawang hanay dito sa loob ng
ating silid-aralan. Sa bawat hanay ay mayroon
akong inatasang pangulo upang ilahad ang mga
lumiban sa inyong grupo.

Sa pangulo ng unang hanay, may lumiban ba sa


inyong grupo?
Pangulo ng unang Grupo- Wala pong lumiban sa
aming grupo, Guro!
Sa pangulo ng pangalawang hanay, may lumiban
ba?
Pangulo ng pangalawang grupo- Wala rin pong
lumiban sa aming grupo, Guro!
Ayan! tunay ngang nais niyong matuto ngayong
araw dahil diya bigyan niyo ang inyong sarili ng
isang bagsak! (gagawin ang isang bagsak)

 Paglalahad ng alituntunin
Estratehiya: Hand rules
Teknik: Mayroon tayong mga kamay na ating
ginagamit sa pagtatrabaho. Maraming pwedeng
gawin ang ating kamay. Kaya bilang kaayusan ng
ating klase, nais kong isaulo niyo ang aking mga
alituntunin gamit ang aking mga kamay.

Klase, pag binukas-sara ko ang aking kamay, ibig


sabihin ay 1. huwag makikipag-usap sa katabi.

Kapag itinaas ko nang bahagya ang aking kamay


ay… 2. Magtaas ng kanang kamay kung may sasabihin
at nais itanong.
Kapag itinaas ko namanang aking kamay sa aking
ulo kayo ay… 3. Tumahimik at makinig ng mabuti.

Maliwanag ba ang aking mga alituntunin? Opo,guro.

B. Pagbabalik-aral
Estratehiya: Question and answer portion.
Teknik: Sa Beauty Pageant may tinatawag na
question and answer portion. Magtatawag ng mag-
aaral na siyang sasagot sa katanungan ng guro.

Okay! Maari ka bang tumayo Bb. Casanova. (tatayo si Bb. Casanova)


Handa ka na ba?
Opo, guro.
Kung ganun, ito ang iyong katanungan. Kung
talagang nakinig ka sa ating nakaraang talakayan.
Ano na muli ang ating tinalakay?
Guro, ang huli po nating napag-aralan ay ang
Alegorya ng Yungib ni Plato.
Tama! Alegaorya ng Yungib, ngayon, G. Lopez. Ano
ang natutuhan mong aral sa Alegorya ng Yungib?
Marami po, gaya ng dapat maging mulat tayo sa
katotohanan na nangyayari sa ating kapaligiran.
Makakamit natin ang katotohanan sa
pamamagitan ng edukasyon o karunungan.
Mahusay! Magagaling talaga kayo dahil nakinig
kayo sa ating nakaraang talakayan! Dahil diyan
bigyan naman natin sila ng isang bagsak!
(gagawin ang isang bagsak) (gagawin ang isang bagsak)

C. Pagsasanay
Narito ang mga salitang ating napag-aralan nang
nakaraang talakayan. Maari niyo bang basahin ng
malakas, malinaw at mabilis.

Nagliliyab “Nagliliyab”

Pagmasid “Pagmasid”
Nahumaling “Nahumaling”

Mabatid “Mabatid”

Alegorya “Alegorya”

D. Paghawan ng Sagabal
Estratehiya: Hanap-salita
Teknik: Hanapin sa kahon ang kasingkahulugan ng
mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Idikit ito sa patlang bago ang bilang.

Pamamahala ginagastos lalagyang

Cereal ipinakita

_____1. May nagsumbong sa amo na nilulustay ng 1. nilulustay – ginagastos


kanyang katiwala ang kanyang ari-arian.
_____2. Maalis man ako sa pangangasiwa ay may 2. pangangasiwa – pamamahala
tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
_____3. “Magkano ang utang mo sa aking amo?” 3. tapayang – lalagyang
Sumagot ito, “Isangdaang tapayang langis po.”
_____4. At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw 4. trigo – cereal
gaano ang utang mo?” Sumagot ito, “Isangdaang
kabang trigo po.”
_____5. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa 5. ipinamalas – ipinakita
katalinuhang ipinamalas nito.

Tignan nga natin kung tama ang inyong mga


kasagutan.

Ang mga kasagutan :


 nilulustay – ginagastos
 pangangasiwa – pamamahala
 tapayang – lalagyang
 trigo – cereal
 ipinamalas – ipinakita

Magaling! Tama lahat ng inyong mga kasagutan.


Ngayon, gusto kung basahin niyo ang mga salita at
gamitin ninyo ito sa mga makabuluhang
pangungusap.
 nilulustay – ginagastos
 pangangasiwa – pamamahala
 tapayang – lalagyang
 trigo – cereal
 ipinamalas – ipinakita

1. Nilulustay niya sa walang kabuluhan ang


perang minana niya kanilang ama.
2. Maganda ang paraan ng pangangasiwa niya sa
negosyo ng kanilang pamilya.
3. Pinuno ni Pedro ng tubig ang tapayang napulot
niya.
4. Ang lahat ng tao sa jerusalem at israel ay
tumikim ng misteryosong trigo ng panginoon.
5. ipinamalas ni andeng ang galing niya sa
pagsayaw
E. Pagganyak
Estratehiya: See-share
Teknik: May roon akong larawan dito ng isang…
(ipapakita sa mga mag-aaral ang larawan).
Matsing, guro

Tama! Isang matsing. Ngayon, nais kong magbigay


kayo kung ano nga ba ang katangian ng isang
matsing.
Guro, ang isang matsing po ay mapanloko.
Tama, ang matsing ay mapanloko.
Ano pa Bb. Jolina?
Guro, ang katangian po ng isang matsing ay
pagiging mapanlinlang.
Magaling! Ano pa G. Ghio?
Ang katangian po ng isang matsing ay ang
pagiging tuso.
Tama! Ang lahat ng inyong kasagutan ay tama.

F. Paglalahad ng Aralin

Ang katangian ng matsing ay ang pagiging tuso,


mapanlinlang at mapanloko gaya na lang sa tauhan
ng kwentong ating mapag-aaralan ngayon na
parabolang “Ang Tusong Katiwala”

Ngunit bago ang lahat, alamin muna natin kung


saan ito nagmula.

Ang parabulang “Ang Tusong Katiwala “ay mula sa


Bansang Syria, isang bansa sa Timog Kanlurang
Asya. Makikita naman Ang Tusong Katiwala sa
bagong tipan aklat ng Lukas 16:1-8.

Narito naman ang mga gabay na tanong na aking


inihanda. Sasagutan natin ito mamaya. Maaari
bang basahin ng lahat.
Mga gabay ng tanong:
1. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala?
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang
bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo , kukunin
mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa iyong
negosyo?
4. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin
kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong
negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
5. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing
mensahe ng parabula?
Ngayon gusto kong panoorin ninyo nang mabuti
ang videong aking inihanda.Dahil mamaya (ang mga mag-aaral ay manood)
magkakaroo tayo ng gawain.

G. Pagtalakay sa Aralin
Unang Gawain:
Estratehiya: Dugtungang Pagkukwento.
Teknik: Handa na ba kayo sa ating gawain? Opo, guro.
Pinanood niyo ba nang mabuti ang video? Opo, guro.
Kung ganun, magkakaroon tayo ng dugtungang
pagkukwento. Ako ay tatawag ng numero, kung
sino ang aking unang natawag ay siyang
mangunguna sa pagbuod ng akdang pinanood. At
susundan naman ito ng mga susunod na numero
na aking tatawagin hanggang sa matapos ang
kwento.

Maliwanag ba klase?
Opo, guro.
Bilang 7, umpisahan mo na ang kwento.
“May taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang
kaniyang ari-arian.

Okay, Ano ang nilulustay ng katiwala?


Ari-arian po ng kanyang amo.
Tama! ang nilulustay ng katiwala ay ari-arian ng
kanyang amo.
Ano naman ang sumunod bilang pang labing-lima.
Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong,
‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda
mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’
Tama, Matapos malaman ng amo ang ginawa ng
kanyang katiwala ay pinatawag niya ito at
ipinahanda ang ulat ng kanyang pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na ito sa kanyang tungkulin.

Ano naman ang sumunod na nangyari, bilang pang-


walo. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang
gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng
lupa; nahihiya naman akong magpalimos. Alam
ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa
pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin
sa kanilang tahanan.
Ano naman ang sunod na nangyari, bilang pang-
dalawampu’t-tatlo.
Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa
kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano
ang utang mo sa aking amo?’ Sumagot ito,
‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo
ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng
katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw,
gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang
kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’
Ano ang ginawa ng katiwala nang hindi na niya
alam ang kanyang gagawin? Bb. Casanova.
Guro, pinatawag niya po yung mga nagkakautang
sa kanyang amo.

Tama. Pinatawag ng katiwala ang mga


nagkakautang sa kanyang amo at Bakit naman niya
ito pinatawag, Bb. Hanifa? Guro, upang tanungin po kung magkano ang mga
utang nito at para po papalitan yung listahan ng
kanilang utang.

Tama! Magaling! Pinatawag ng katiwala ang mga


may utang sa kanyang amo upang tanungin kung
magkano ang mga utang ng mga ito at papalitan
ang listahan.
Tama ba ang ginawa ng katiwala?
Hindi po guro.
Bakit hindi tama ang ginawa niya?
Kasi po guro, isang pandaraya o panloloko ang
Tama, hindi tama ang ginawa ng katiwala dahil ginawa ng katiwala.
ito’y panloloko.

Ano naman ang sumunod na nangyari. Bilang


tatlumpo.
Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa
katalinuhang ipinamalas nito.
Bakit pinuri ng amo ang tusong katiwala sa
katalinuhang ipinamalas nito?
Dahil kahusayan nitong gumawa ng paraan sa
mundo.
Magaling, Sapagkat ang mga makasanlibutan ay
mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-
Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
Ang mga makasalanan o hindi sumusunod sa
kagustuhan ng Diyos ay mas mahusay gumawa ng
paraan kaysa sa mga maka-Diyos sa paggamit ng
mga bagay ng mundong ito.

Naunawaan ba?
Opo, guro.

Atin naman sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala?
Ang suliraning kinakaharap ng katiwala ay nang
hingan ng amo o panginoon ng isang pag-uulat
ang katiwala tungkol sa kanyang pangangasiwa
sa ari-arian nito.
Magaling!

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang


bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
Nais patunayan ng katiwala na may mabuti
siyang hangarin ngunit paraan niya lamang ito
upang huwag matuklasan ang kanyang mga
kasinungalingan/ kasalanan.
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo , kukunin mo
ba ang ganitong uri ng katiwala para sa iyong
negosyo?
Hindi, dahil maaaring mas lalo itong makasama
sa iyong negosyo. Masmaganda nang hindi ito
tanggapin nang sa gayon ay walang maging
problema

4. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung


mabalitaan mong nalulugi ang iyong negosyo dahil
sa paglustay ng iyong katiwala?
Kung ako ang magiging amo, kakausapin ko siya
ng maayos at hindi gagawa ng gulo. Kung
mapapatunayan ko ngang tama ang akusasyong
nilulustay niya ang aking yaman ay tatanggalin ko
siya sa trabaho

Magaling!

5. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe


ng parabula? Ang mensahe ng parabulang pinamagatang "Ang
Tusong Katiwala" ay pagiging tapat sa
paglilingkod. Ito rin ay tungkol sa pagpapahalaga
sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Ang tiwalang
ipinagkaloob sa'yo ng ibang tao lalo na ng iyong
amo ay dapat alagaan kahit sa pinakamaliit na
bagay o utos man. Mas higit kang
pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung
naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit na
bagay lamang.

Tama! Dapat maginga tapat tayo sa paglilingkod.


Kailangan pahalagahan natin ang tiwalang
ipinagkaloob sa atin ng ibang tao,huwag natin
itong siraiin dahil pag nasira ito hindi lang tiwala
ang mawawala saayo kundi pati na rin ang taong
nagbigay sayo ng tiwala. Ayon nga sa Lukas 16:10-
Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang
mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay.

H. Paglalahat
Estratehiya: Tanong ko, sagot mo
Teknik: Ako muli at mag tatawag ng numero at
kung sino ang matawag ko ay siyang sasagot sa
aking mga katanungan. Maliwanag ba klase?
Opo guro.

Bilang pangatlo. Ano na nga muli ang pamagat ng


ating tinalakay? Guro, ang pamagat po ng ating tinalakay ay “Ang
Tusong Katiwala”

Saan nagmula ang parabulang “Ang Tusong


Katiwala? Sa bansang Syria po Guro.

Magaling!
Sa anong aklat naman sa Bibliya makikita ang
Tusong Katiwala?
Guro, makikita po ito sa aklat ng Lukas 16:1-8
Magaling! Ang lahat bf inyong kasagutan ay tama.

I. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Estratehiya: Islogan
Teknik: Hahatiin ang klase sa apat ng grupo. Bawat
grupo ay mag-iisipa ng pilisopiya o kasabihan sa
pamamagitan ng pag-sulat ng Slogan making na
may temang “pagiging matapat sa taong sayo’y
nagtiwala”. Bibigyan ko kayo ng pitong minuto sa
paghahanda at dalawang minuto naman sa
pagpapaliwanag ng buong pilosopiya. Ang grupong
may pinakamaayos at magandang presentasyon ay
magkakaroon ng karagdagang puntos sa inyong
darating napagsusulit.

3 – namangha
2 – nasiyahan
1 – nakulangan

PAMANTAYAN 3 2 1
1. Kaugnayan sa tema
2. Pagkamalikhain
3. Kalinisan
4. Orihinalida
5. Maayos na
pagpapaliwanag
TOTAL:

III. Pamamaraan

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung mali. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Ang Tusong katiwala ay matatagpuan sa aklat ng Lukas .


____2. Tinanggal ng amo ang kanyang katiwala sa trabaho.
____3. Nalaman ng amo na ang kanyang katiwala ay naglulustay ng kanyang ari-arian
dahil nakita niya ito.
____4. Ang parabolang Ang Tusong Katiwala ay namula sa bansang Siberia.
____5. Pinuri ng amo ang katiwala dahil sa talinong ipinamalas nito.

V. Takdang-Aralin
Sumulat kayo ng isang sanaysay tungkol sa pagiging tapat sa kapwa.

You might also like