Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Reaction Paper

GLYNFORD A. BAGSIC

Ang Wikang Filipino ang Pambansang wika ng Pilipinas ayon sa Saligang


Batas ng 1987. Ito rin ang unang wika ng 28 milyon na tao o mahigit
kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino ay
isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas. Mahusay na mag salita ang mga
Pilipino sa ating mga katutubo at opisyal na wika ngunit kulang ang iba
sa kakayahan nilang mag salita ng Ingles. Para sa akin, isa itong hadlang
sa pagpapabuti ng ating bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay natin.
Marunong ang mga Pilipino mag salita ng Ingles ngunit hindi natin alam
paano ito gamitin. Dapat malaman natin ang TUNAY na kahalaganhan
ng wikang ito.

Syempre, malaki rin ang tulong ng wikang Filipino sa buhay natin.


Marami sa atin ay naging unang wika natin ang Filipino. Kung wala
siguro ito, maaring hindi tayo makakatungo sa ano man tayo ngayon at
mawawalan tayo ng kakayahan matuto ng Ingles.

Samakatuwid, lahat ng natutunan natin na lengguwahe ay may


kahalagahan sa madaming paraan. Ang sariling wika natin ay
makakatulong sa pagkakaisa ng bayan ngunit ang Wikang Ingles ay
kailangan upang makipagkumpitensya at makikipagtalastasan sa mga
dayuhan. Siguro nga, kung di tayo nakadaan o natuto ng tamang
Filipino, maaring di rin tayo makakapagsalita ng tamang Ingles.

Dapat nating mahalin ang ating sariling wika. Dahil tayo ay pinoy sa isip,
sa gawa at sa salita.

You might also like