Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Narration:

Taon taon ay ating ipinagdiriwang ang pasko. Ito ang panahon


kung saan ang bawat miyembro ng pamilya ay masayang
nagkakatipon. Ito rin ang pagkakataon kung saan ating
binibigyang pansin ang halaga ng pagbibigayan at pagmamahal
sa ating kapwa tao. Ngunit higit sa lahat ito ang panahon upang
ating gunitain ang pagsilang ng ating tagapagligtas at
Panginoong Hesukristo.

Kaya naman sa gabing ito ay ating sandaling alalahanin ang


sakripisyong ginawa ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose
ang magulang ng ating Panginoong Hesus. Ating sandaling
balikan ang Panunuluyan ni Jose at Maria at ang pagsilang ng
mahal na Panginoong Hesukristo sa sabsaban.

Ending:
At Ito nga ang nangyari noong unang pasko. Ipinanganak si
Hesus sa isang sabsaban ng mga hayop. Ipinakikita rin nito sa
atin kung gaano tayo kamahal ng Panginoon na maging ang
kanyang anak ay ibinigay niya sa atin upang tayo ay iligtas mula
sa kasalanan. Maaring paulit ulit na natin naririnig ang kwento
tungkol sa panunuluyan ni Maria at Jose at kung paano isinugo
ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa ating mga tao ngunit
nawa ay huwag tayong masawang alalahanin at gunitain ang
araw na ito kung saan tayong lahat ay nagkakatipon hindi lang
upang magsaya kundi bigyan parangal at pagsalubong ang ating
tagapagligtas na si Hesus. Ihanda natin ang ating sarili at ating
pagnilayan kung ano ba para sa buhay natin ang ibig sabihin ng
pagsilang ng ating Panginoon at tagapagligtas.

You might also like