Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ibong Adarna

Ang teoryang Realismo ay nagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng


buhay. Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Espanyol na ngayon ay
bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila
sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Korrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlóng Prinsipeng
Magkakapatid na anak nang Haring Fernando at nang Reyna Valeriana sa
Kahariang Berbanya. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na
tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.

Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang


kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig
ang tinig nito. Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng
Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain
at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora.

Ang akdang ito ay sumasalamin at naglalaman ng mga pangyayaring makikita sa totoong


buhay ng mga tao. Ang pagmamahal ng anak sa sariling magulang ay isa lamang sa mga
mahahalagang bagay na makikita ng mga mambabasa sa akda. Dito sa Pilipinas ay hindi
maipagkakaila kung gaano katibay ang relasyon ng mga anak at magulang sa isa’t isa. Si Don
Juan ay sumisimbolo sa mga anak na tunay na nagmamahal sa kanilang mga magulang at isang
mabait na kapatid.Siya ay trinaydor ng kanyang sariling mga kapatid, kinuha sa kanya ang Ibong
Adarna, at binugbog pa. Subalit, sa lahat ng ginawa sa kanya ng kanyang mga kapatid ay nagawa
niya pa ring patawarin ang dalawa.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tapat sa iyo ang isang tao, malapit man saiyo o hindi.
Kahit nga magkakapatid ay nagtatraydor, kagaya nalang nang nasa kwento ng Ibong Adarna.
Kahit sinuman sa ating kapaligiran ay may kakayahang gumawa ng masasamang bagay, kaibigan
man o pamilya.
Panunuluyan (nagpatabang kong yani ani hahaha)

Ayon sa Teoryang Realismo, “Ito’y tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan

nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan… Mahalaga din sa nagsusuri ng mga

akda na sinusuri sa teoriyang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.”

Susuriin muna sa teoryang ito ang konteksto ng Panunuluyan. Ang dulang Panunuluyan ay

ginaganap tuwing gabi ng Disyembre 24, bago magsimula ang Misa de Gallo, at kinuha mula sa

Santa Bibyla ang “general” na ideya nito. Si Maria ay malapit ng manganganak, at sa tulong ni

Jose ay naghanap sila ng mapasukan. Ngunit tinanggihan sila ng tatlong beses sa mga maybahay,

kaya pumasok nalang sila sa bahay na tinir’han ng mga hayop, at nang ipinanganak si Jesus ay

inilagay siya sa isang “manger.” Ipinakita sa dulang ito ang isang malagim at malungkot na

katotohanan: na hindi sa lahat ng pagkakataon ay matutulungan ka ng mga tao (o iyong mga

kaibigan o kapamilya), lalong-lalo na sa panahon na ika’y naghihirap na. Sumasalamin pa rin ito

sa lipunan natin ngayon. Halimbawa: kung may naaaksidente, mas pinipili pa ng mga tao ang

magkuha ng litrato sa naaksidente kaysa sa pagtulong sa kanya. Kung napost na sa social media

ay lalagyan ng “1 like = 1 prayer” at ‘Send this to 100 people; you will be lucky for a decade.”,

tapos kung i-iignore lang ay lalagyan ng “You will die and go to hell tonight.” Kagaya lang din

ito sa pagtanggi ng mga maybahay kay Maria, sa panahong nangangailangan siya ng lugar na

mapanganakan.

Ayon sa Teoryang Sosyolohikal, “Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at

suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan

ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga

mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.” Tuwing kapaskuhan, nagsisimba ang


mga tao para sa Simbang Gabi. Sa ating panahon ngayon, hindi na sineseryoso ng karamihan ang

pagsisimba; kibali, nagsisimba sila para lang matupad ang kanilang hiling, o ‘di kaya’y

nagsisimba rin si crush. Sa katotohanan, marami sa atin ang makapagsabi na “boring” ang

sermon ng pari, at matagal matapos ang misa. May luhud-luhuran pa dito, at tayu-tayuan diyan.

Kung hindi ang pari o ang misa ang nakapag-impluwensya sa atin para magsimba, ano pa kaya?

Marahil ay ang Panunuluyan, dahil dito ibinuhay muli ang kwento ng pasko, dito ipinasa ang

totoong mensahe ng pasko, dito ipinaalam sa atin ang magandang balita na hatid ng Panginoon

para sa atin, at dito muling nagkaisa ang mga tao tuwing pasko.

You might also like