Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

‘’ANG ALAMAT NG BUWAYA’’

~ALAMAT~

Noong unang panahon, sa isang maunlad na bayan ng Gonzilo ay may isang


mayamang babae at ubod ng ganda. Siya ay si Aya anak ng tanyag at mayamang
may-ari ng karamihan sa minahan at gusali sa kanilang bayan. Humahanga ang
lahat sa kagandahan ni Aya pati na ang iba pang kalapit bayan ng kanilang lugar.

Ngunit sa likod ng napakaganda nitong mukha ay napakasamang ugali. Si Aya ay


ubod ng sungit, suplada at makasarili dahil gusto niya lamang siya ang
nasusunod bukod pa doon ay napakataas ng pagtingin niya sa kaniyang sarili.

‘’ Ayoko sa mga pangit! Palayasin sila sa aking napakagandang bahay at sa lupain


na nasasakupan ng aking ama !’’ ang malakas na sigaw nito sa tuwing nakakakita
ng pangit sa kanilang lugar.

Dahil kay Aya , ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok sa kanilang
tahanan at iba pang lugar na kanilang pag mamay-ari. Ang mga pangit ay
itinataboy kung hindi man ay tanging alipin at manggagawa ang tangi nilang
pwedeng maging trabaho.

Sa paglipas ng panahon ay dumating na ang takdang panahon upang si Aya ang


maghanap ng mapapangasawa. Naghanda ang buong bayan at inimbitahan ang
maraming maharlikang tao maging ang mga prinsipe sa iba’t ibang lugar.
Nagsidatingan din ang maraming makikisig na lalaki sa kanilang bayan upang
ang isa sa kanila ay siyang mapangasawa ni Aya.

Hindi nagtagal ay nagsimula ng mamili si Aya ng mapapangasawa. Ang lahat ng


lalaki ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay ng mga regalo. Isa sa mga
lalaking ito ay si Ginoong Kan. Siya ay nagbigay ng maraming regalong gawa sa
Ginto at iba pang mineral bukod pa don ay mga kasuotang gawa sa balat ng
hayop.

Si Ginoong Kan ay napakakisig na lalaki. Animo ay adonis na namumukod tangi


sa lahat ng kalalakihang naroon. Ngunit bago pa man napili ni Aya si Ginoong
kan ay may nakita siyang napakapangit na lalaki na nakatayo sa likuran ni
Ginoong Kan.

Hindi napigilan ni Aya ang kanyang sarili.‘’Sino ka? Hindi ka ba nahihiya sa


iyong sarili! Napakapangit mo! Iwan mo na ang iyong regalo at magbalik ka na sa
kwebang pinanggalingan mo! Ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa inasal ni Aya.
‘’ Siya ang aking napili! Si Ginoong Kan! Siya ang gusto kong mapangasawa ‘’ ang
agad na idinugtong nito sabay turo kay Ginoong Kan.

Masayang lumapit si Ginoong kan kay Aya at humalik sa kamay nito. Isa isang
nag-alisan ang mga nabigong lalaki, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang
pangit na lalaki.

‘’ Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na dito! Ayaw kitang makita!’’ Ang
malakas na bulyaw ni Aya na tila nandidiri.

Malumanay na nagsalita ang lalaking pangit, ‘’ hindi ako manghihinayang sa


isang tulad mo. Kung ano ang ganda ng iyong mukha ay siya namang kapangitan
ng iyong ugali’’Wika nito.

Biglang nagbago ang anyo ng lalaking pangit. Ito ay naging isang napakakisig na
lalaki, higit pa kay Ginoong Kan.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na lalaki ay ang ‘’ Diyos ng kakisigan,’’
at tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang Ama ni Aya. Ngunit higit sa lahat
nanghinayang nang husto si Aya bagay na hindi niya pinahalata.

‘’Ngayong mag-asawa na tayo kailangan mong sumama sa aking nasasakupan,’’


ang wika ni Ginoong Kan.

‘’ Ano ang ibig mong sabihin?’’ ang nagtatakang tanong ni Aya.

Biglang nagbago ang anyo ni Ginoong Kan. Ito ay naging kakaibang nilalang na
may matitigas na balat, may buntot, mahabang nguso at matatalim na ngipin.
Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa’t bigla na lang nagbago ang anyo ni
Aya. Nabalot din ito ng matitigas na balat, nagkaroon ng mahabang buntot,
nguso at bunganga na may matatalim na ngipin.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na, dinala na si Aya sa kagubatan ni
Ginoong Kan, na siya palang ‘’ Diyos ng mga hayop sa gubat.’’ At si Aya ang kauna
unahang Buwaya sa kagubatan. Ito ang naging parusa niya sa kaniyang pagiging
suplada at makasarili lalo na ang pagiging mapagmataas nito.

Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang
panlabas na anyo, dahil higit na mahalaga ang tunay na pagkatao at pag-uugali.

Wakas!

You might also like