Professional Documents
Culture Documents
Komposisyon
Komposisyon
Hal:
a. Natatanging karanasan
b. Pagbibigay-interpretasyon
c. Puna sa nabasang akda
d. Puna sa napanood
Uri ng Komposisyon
5. Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar, pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
1. W. Rose Winteroud
Ayon sa kaniya ang proseso sa pagsulat ay kinasasangkutan ng
ilang lebel ng Gawain na nagaganap nang daglian at maaaring
kaugnay o kasalungat ng bawat isa. Ang pagsulat ay isang prosesong
rekarsib o paulit-ulit. Writing is rewriting, wika niya matapos diumanong magsulat, magsisimula
na naman ng panibago.
2. Donald Muray
Ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang
manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa
bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya
iyon maipapahayag ng episyente.
Talata
Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata.
Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lupon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang
bahagi ng buong kurokuro, palagay o paksang diwa.
a. Panimulang talata
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon.
b. Talatang ganap
Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nitong idebelop ang
pangunahing paksa ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay, ang
inilalarawan o bibigyang katwiran.
c. Talata ng paglilipat-diwa
Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga
talataan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang
magkasunod na talata. Sinasalungat ba ng talatang sinundan o dinaragdagan nito ang isipan
niyon? Ipinahihiwatig din nito ang debelopment ng paksang tinatalakay.
d. Talatang pabuod
Kadalasan ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon. Inilalagay rito ang
mahalagang kaisipan o pahayag na tinatalakay sa gitna ng komposisyon. Maaarin ring gamitin
ang talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor ng isang komposisyon.
Masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa
lamang paksang pangungusap.
paksang pangungusap
Pangungusap sa talata na nagsasaad ng buod ng nilalaman niyon o n paksa
Maaaring makita sa iba’t-iabng bahagi ng talata
Ang anyo ng paksang-pangungusap ay maaaring patanong o paturol
3.1. Pagdaragdag
Hal: At, saka, gayundin
3.2. Pagsalungat
Hal: Ngunit,subalit, datapwat, bagaman, sa kabilang dako.
3.3. Paghahambing
Hal: Katilad ng, kawangis ng, animo’y, anaki’y
3.4. Pagkokonklud
Hal: samakatwid, kung gayon
4. May kaayusan
Bagama’t walang tiyak na panuntunang sinusunod ukol sa pag-aayos ng talataan, mabuting
ayusin ang mga pangungusap sa talata.
Maaaring maging ganito ang gawing pagsasaayos ng mga pangungusap sa loob ng talata
1. Ayusin nang kronolohikal ayon sa pagkakaganap ng mga pangyayari. KAraniwan ang ayos
na ito sa mga komposisyonh pasalaysay o pahalal.
2. Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo o
kabalikan nito, mula sa loob-palabas o kabalikan nito o mula sa kanan-pakaliwa o
kabalikan nito.
3. Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos na ang paksang
pangugusap ang unang pangugusap sa talata. Maaari ring ayusin sa kabalikan nito mula
sa mga pangungusap na ispesiko tungo sa masaklaw na pangungusap.
KAISAHAN
KOHIRENS
Paggamit ng mga panghalip na panao at mga panghalip na pamatlig (siya, ito atbp.)
Paggamit ng nga salitang naghahayag ng karagdagan (at, isa pang)
Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat. (subalit, ngunit atbp.)
Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan (dahil, bunga atbp.)
Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunud-sunod ayon sa panahon. (samantala,
pagkatapos atbp.)
Paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan at maging ang pag-uulit ng mga salita
EMPASIS AT DIIN
Pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyon.
Kategorya ng Balangkas
1. dibisyon – bilang Romano ang ginagamit na pananda ( I, II, III)
2. Sub-dibisyon – malaking titik ng alpabeto ang ginagamit na pananda
3. seksyon – bilang Arabiko ang ginagamit na pananda (1,2,3) Minsan ay may paghahati rin sa
sub-seksyon at ang maliit na titik ng alpabeto ang ginagamit na pananda para ditto
Uri ng balangkas
Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito
upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-
uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga
impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming
impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang
paghahanda ng isang balangkas.
Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag.
· Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.
· Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na
kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na
paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal
na ayos at iba pa.
· Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na
ideya.
· Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
· Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
· Gumamit ng wastong bantas.
· Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.
1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin
ang mga bilang nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad
ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang maliit
na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye.