Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sample Balangkas ng Aralin sa Pagpapakitang-Turo

PANDIBISYONG PAGSASANAY PATUNGKOL SA ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO


NG FILIPINO PARA SA MGA GURO SA FILIPINO NG JUNIOR HIGH SCHOOL

Inihanda ni:

LEAH D. MANZANO
Guro
Nagtablaan National High School

SEPTEMBER 7, 2018
BANGHAY-ARALIN SA IKASAMPUNG BAITANG
FILIPINO

I. Layunin
 Naipapahayag nang may pagkamalikhain ang sariling opinyon tungkol sa
isang paksa
 Masigasig at matalinong nakikilahok sa talakayan at pangkatang gawain
 Nakasusulat ng maikling kwento base lamang sa mga larawan
 Nasusuri ang nilalaman at kagandahan ng napakinggang akda at naibibigay
ang puna sa istilo ng pagkakasulat nito

II. Kagamitan
LCD projector, laptop
Bond Paper
kahon

Paksa: Panitikan: Aginaldo ng mga Mago


Short Story Making (Pagbuo ng Maikling Kuwento base sa mga Larawan)

III. Pamamaraan (Yugto ng Pagkatuto)

A. Pagganyak (10 minuto)


PAHULAAN. (Kahon ng Sorpresa) Magdadala ang guro ng isang kahon na
nakabalot. Ipapakita ito sa klase. Pahuhulaan sa mga mag-aaral ang laman ng
kahon. Hikayatin silang gumamit ng mabisang mga salita sa paglalarawan (bigyang
pansin na ang higit na inaasahan ng guro ay ang mabisang paglalarawan sa kung
ano ang laman ng kahon)

Maaaring sabihin ng guro ang ganito: Nakatanggap ako ng isang kahon ng sorpresa
kani-kanina lamang, ano sa tingin niyo ang laman nitong kahon?

Maaaring magbigay ng premyo ang guro sa

 makakahula sa laman ng kahon at sa


 may pinakamagandang paglalarawan

FOLLOW UP QUESTIONS

1. Kailan ka huling nakatanggap ng regalo? Ano’ng regalo ang natanggap mo?


2. Ano ang damdamin mo ng makatanggap ka ng regalo?
3. Sa ano-anong mga okasyon pa nagbibigayan ng regalo? Ano sa tingin niyo
ang dahilan bakit nagbibigay tayo ng regalo lalo na sa mga mahal natin sa
buhay?

B. Pangkatang Gawain. Pagbuo ng Maikling Kuwento base sa mga Larawan (30


minuto)

1. Hahatiin sa apat o anim na grupo ang klase. Bigyan ng tig-isang bond


paper ang bawat grupo.

2. Magpapakita ng 6 na larawan ang guro.


3. Bawat grupo ay gagawa ng kuwento mula sa mga larawan. Brainstorm.
Malaya ang bawat grupo na bigyan ng sariling pamagat ang kuwento at sa estilo
sa pagbuo.

4. Pagkatapos ng 30 minuto, isasagawa ng bawat grupo ang presentasyon


ng kanilang mga output.

5. Pagkuha ng Feedback sa mga ibinasang output ng bawat grupo.


Pagpapaliwanag kung bakit nagustuhan at hindi nagustuhan ang kuwentong
napakinggan. (15 minuto)

IV. Ebalwasyon/Pagbibigay ng Final na Input ng Guro(5 minuto)

Bakit ito ipinagawa? (Iugnay ito sa aralin na pag-aaralan kinabukasan – ang


maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago.” Pansinin kung paano isinalaysay ng
writer na si O.Henry ang maikling kuwentong ito.)

You might also like