Professional Documents
Culture Documents
1st Quarterly Assessment in AP 10
1st Quarterly Assessment in AP 10
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot
at isulat ang titik nito bago ang bilang. (50 puntos)
____ 1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon
____ 2. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay
nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Paniniwala
B. Pagpapahalaga
C. Norms
D. Simbolo
____3. Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal
ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.
____12. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
B. SA pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo,
ugnayan, at kultura ng isang lipunan.
____13. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at
tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang
kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
____14. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema
ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong
maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
____16. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may
kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang social group ay nakapagdudulot
ng isyu at hamon na makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.
____17. “Ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at
ang kabuuang gawain ng tao”.
A. Kultura B. Lipunan C. Materyal na Kultura D. Hindi Materyal na Kultura
____18. Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi ito
nahahawakan subalit ito ay maaaring Makita o maobserbahan.
A. Kultura B. Lipunan C. Materyal na Kultura D. Hindi Materyal na Kultura
____19. Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan
at gawa o nilikhang tao.
A. Kultura B. Lipunan C. Materyal na Kultura D. Hindi Materyal na Kultura
____20. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap
at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat.
A.Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
____21. Ang mga halimbawa nito ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng
mga miyembro ng isang lipunan.
A.Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
____22. Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
A.Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
____23. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ito
ay nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
A.Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
____24. Tumutukoy ito sa pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan
A.Folkways B. Mores C. Isyung Personal D. Isyung Panlipunan
____25. Ito ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga rito ay magdudulot
ng mga legal na parusa.
A.Folkways B. Mores C. Isyung Personal D. Isyung Panlipunan
____26. Ang mga ito ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya.
A.Folkways B. Mores C. Isyung Personal D. Isyung Panlipunan
____27. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na
nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
A.Folkways B. Mores C. Isyung Personal D. Isyung Panlipunan
____28. Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan
ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang tawag ditto?
A.Sociological Imagination B. Psychological Imagination
____29. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan,
mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kungpatuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang
pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba
pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang
tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamang lupa C. Yamang gubat D. Yamang mineral
____30. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at
proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. RA9003 B. RA 8742 C. RA 7942 D. RA 7586
____31. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa
lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo
sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran nito.
____32. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster
Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano
magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang
pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
____35. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response
C. Hazard Assessment D. Recovery and Rehabilitation
____36. Tumutukoy ito sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga
basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason.
A. solid waste B. electronic waste C. commercial waste D. residual waste
____37. Ang pinakamalaking bahagdan na tinatapong basura ng mga Pilipino ay nagmumula sa?
A. recyclables B. industrial waste C. commercial waste D. residual waste
____38. Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Alin sa
mga sumusunod ang pinakaunang dahilan?
A. walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan.
B. hindi pagsunod sa batas pangkapaligiran
C. pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ng computer, cellphone, at tv.
D. kawalan ng disiplina sa sarili
____42. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-
Based Disaster Risk Management Approach dahil ________________________.
____44. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran _____.
____45. Sa approachna ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
A.top-down approach B. bottom-up approach
C. up-down approach D. bottom-down approach
____46. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa
komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
A.top-down approach B. bottom-up approach
C. up-down approach D. bottom-down approach
____47. Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang
may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
A. Disaster Management
B. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
C. Community Based-Disaster and Risk Management
D. National Disaster Risk Reduction Management Council
____48. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation?
A. Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard,
mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad
B. Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard
C. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
D. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang
lugar.
____49. Bakit mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian ng hazard sa
kanilang lugar.
A. upang maging malinaw ang mabubuong risk assessment.
B. upang maging malinaw ang mabubuong vulnerability assessment.
C. upang maging malinaw ang mabubuong capability assessment.
D. upang maging malinaw ang mabubuong hazard assessment.
____50. Ang mga sumusunod ay mga temporal na katangian ng hazard maliban sa isa.
A. Dalas ng pagdanas ng hazard.
B. Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard
C. Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard
D. Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Inihanda ni:
CRISTINA C. DE VERA
Teacher III
Iwinasto ni:
JACQUELYN M. AGUSTIN
Head Teacher I/OIC
PINAGTIBAY: