Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa

1935

Sa Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang Pambansa: “..ang Kongreso ay


gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)

1936 (Oktubre 27) – Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal
ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang
makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

1936 (Nobyembre 13)- Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

Ang mga nagging tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ana sumusunod:

1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang;
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;
3. Pagsusuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a)
ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.

Walong Pangunahing Wika sa Pilipinas

Tagalog, Cebuano, Ilocano,Hiligaynon, Waray, Bicolano, Kapampangan at Pangasinense.

1937 (Enero 12) – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga Kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184.

Ang mga nahirang na kagawad ay ang sumusunod:

Jaime C. Veyra (Visayang Samar)- Tagapangulo

Cecilio Lopez ( Tagalog)- kalihim at Punong tagapagpaganap

Santiago A. Fonacier (Ilokano)- Kagawad

Filemon Sotto ( Visayang Cebu)- Kagawad

Felix sala- Rodriguez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad

Casimiro F. Perfecto (Bikol)- Kagawad

Hadji Butu (Muslim)- Kagawad


Sa mga Kagawad na hinirang ng Pangulo, dalawa ang di nakaganap ng kanilang tungkulin, sina Hadji Butu at
filemon Sotto. Ang una’y dahil sa pagpanaw at ang huli’y tumanggi dahil sa kanyang kapansanan. Sila’y
pinalitan kaya’t nagkaroon ng mga pagbabago sa kabuuan ng Surian ng wikang pambansa.

Dahil ditto hinirang ni Pangulong Quezon ang mga sumusunod na kagawad: Lope K. Santos (Tagalog); Jose I.
Zuleta (Pangasinan); Zoilo Hilario (Kapampangan); at Isidro Abad (Visayang Cebu).

Nang si Lope K. Santos ay nagbitiw sa kanyang tungkulin, si Iigo Ed. Regalado ang ipinalit ni Pangulong Quezon
upang gumanap bilang kagawad ng SWP.

1937 (Nobyembre 9)- Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang
Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinapahayag na ang Tagalog ay siyang
halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, kaya’t itinagubilin niyon sa
Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.

1937 (Disyembre 30) – Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
na batay sa Tagalog.

1940- (Abril 1)- Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang Disyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakda mula sa Hunyo 19,
1940 ay pasisimulan nang ituro ang wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang- bayan at pribado sa
buong bansa. Inatasan din ng Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay ng
Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.

1940- (Abril 12)- Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang
Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugo ng Edukasyon Celedio
Salvador. Ang pagtuturo ng wikang Pambansa ay sisimulan muna sa mataas at paaralang Normal.

1954 (Marso 26)- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blig. 186 , na nagsusog sa
Proklama Blg. 12, serye 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdidiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang
pagdidiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19).

1997- (Hulyo)- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa
iabt ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga Gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang.

1959 (Agosto 13) -Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawarang ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kalian ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay
siyang gagamitin.

1967 (Oktubre 24) – Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino.

1968- (Marso 27) – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172
na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay inaatas din
na ag mga letterhead ng mga kagawaran , tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat
sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa ingles. Iniatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin
ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

1973- Sa Saligang-Batas, Artikulo XV, Seksyon 3, ganito ang sinasabi:

Ang Sakigang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal,
at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limapung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabik.
Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.

Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.

1974 (Hunyo 19)- Nilagdaan ni Kalihim Juan L. manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang Bilinguwal sa mga paaralan na
magsisimula sa taong-paaralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas
ng 1972.

1978 (Hulyo 21)- Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri
Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng Kurikulum na pandalubhasang antas. Magsisimula sa
unang semester ng taong-aralan 1979-1980, ang lahat ng pangmataas na Edukasyong Institusyon ay magbukas
ng anim (6) nay unit sa Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga
kursong pagtuturo sa labindalawang yunit (12).

1987 (Pebrero 2)- Pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad ang
sumusunod:

Sek. 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang , ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hanggat walang itinatadhana ang batas , Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo noon.

Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.

Sek. 8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalain sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.

Sek. 9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng ibat iabng mga rehiyon at mga didiplina na magsasagawa, mag-uugany at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.

You might also like