Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KULTURA: KAUGNAYAN SA WIKA, LIPUNAN

AT MAMAMAYAN.

Ayon kay Sam (September 14, 2011) ang kultura ay siyang nagbubunsod
upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa kanyang ginagawa at tuloy
nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Sinasabi na ang kultura at
lipunan ay magkaugnay sapagkat hindi maaaring lumitaw ang isa kung
wala yaong isa pa. Marami pang kaugnayan ang kultura tulad na lamang
ng wika kung saan ang wikang simboliko ay ang pundasyon ng kultura ng
tao. Masasabi kong pundasyon sapagkat sa pamamagitan ng wika, ang
kultura ay naisasalin ng isang tao sa kanyang kapwa tao o ng isang
henerasyon sa susunod na henerasyon. Ano nga ba ang kultura? Ano nga
ba ang kaugnayan nito sa mga tao? Masasabi kong napakahalaga ng
kultura sapagkat kaakibat nito ang lahat. Nakadikit na ito sa wika, lipunan
at mga mamamayan. Kung walang kultura, hindi makukumpleto ang mga
ito sapagkat dahil sa kultura nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat
lipunan kaya gayon na lamang kaimportante ang kultura sa lipunan at sa
iba pang bagay. Ang kultura ay nagbabago. Nagbabago sa paraan na
umaasenso o mas humihigit pa, kung tawagin nga’y “ nag-improve” ito.
Sapagkat umaagapay ito sa pagbabago ng panahon, unti-unti itong
nagiging moderno at ang dating kultura ay malimit na lamang nagagamit
pero ng dahil sa dating kultura at makabago na rin ay nagkakaroon ng
pagkakakilanlan ang isang lipunan at napaggbubuklod nito ang mga
mamamayan. Ngunit kung hindi natin magagamit ang pinagmamalaking
kultura para saan pa para gawin itong modernisado, hindi rin naman ito
magagamit sa pagkakakilanlan at pagbubuklod ng mga mamamyan , sa
halip baka ito pa ang maging dahilan para tuluyan maglahong imahen ng
kultura.

You might also like