Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON

(historical and scientific facts)


Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng
Panginoon o mas kilala sa tawag na “three kings”. Sa ating Mabuting Balita, mababasa
natin ang paghahanap at pagkatagpo kay Hesus ng mga Pantas mula sa silangan. Sino
nga ba itong mga pantas na ito?
Theologically speaking, ang pagdating ng mga pantas mula sa silangan ay
nangangahulugan na si Hesus ay ang pangakong Mesias para sa buong sanlibutan, para
sa mga Judío at mga Gentil. Sila’y “nagmula sa silangan”, ibig sabihin hindi sila mga Judío
subalit dumating sila para sambahin si Hesus. Subalit ang tanong ay nanatili, “sino nga
ba ang mga pantas na ito? Ano nga ba ang tala na kanilang nakita at sinundan? Kwento
kwento nga lang ba ang mga pantas tulad ng sinasabi ng mga hindi naniniwala? Misteryo
ba ito na di maipaliwanag tulad ng sabi ng ilan? O may paliwanag ba na may dalang
mensahe sa atin?
Isang pag-aaral ang ginawa ng isang law professor (Rick Larson) tungkol sa
paglalarawan ni Mateo sa Ebanghelyo ngayong Linggo tungkol sa mga pantas. Sa
pamamagitan ng computer technology, binalikan ni Larson ang pangyayari noong
panahong iyon ng pagdating ng mga pantas lalo’t higit ang kalalagayan ng kalangitan
(astronomy). Gayun din, pinag aralan niya kung sino nga ba itong mga pantas na ito. Ang
kanyang natuklasan ay magbibigay sa atin ng mas malalim na pagkakaunawa sa
pagdiriwang natin ngayon.
Ang mga Pantas (historical)
Kung ikukumpara natin sila sa panahon natin ngayon, sila ay mga scientists noong
unang mga panahon. Pinag-aralan nila ang pilosopiya, medisina, at ang galaw ng
kapaligiran kasama na ang mga bituin (hindi nga lang kasing advance ng technology natin
ngayon). But more or less, they were scientists of the ancient times. Sila ay mga pantas,
may nalalaman bunga ng pagsasaliksik at pag-aaral. Sila ay nagtatrabaho para sa isang
hari. Suportado sila ng isang hari upang kanyang maging interpreters o consultants. Ito
ay parte ng dignidad o reputasyon ng isang hari, ang magkaroon ng mga katulad nilang
pantas.
Isa sa mga kinikilalang samahan ng mga pantas noong mga panahong iyon ay ang
mga tinatawag na Chaldean Magi. Sila ay nakabase sa Babilonia (south of Bagdad in
modern Iraq). Remember that this school was established 600 years before Christ. Now,
noong panahon ni Propeta Daniel, ipinag-utos sa kanya ng hari ng Babilonia na sumama
sa mga pantas na ito. Sa kanyang pakikisalamuha sa mga pantas, hindi lamang siya
natuto, kundi ibinahagi rin niya sa kanila ang kasaysayan ng mga Judío, mga profesía, at
iba pang paniniwala. Kaya nga hindi nakakapagtaka na ang profesiya tungkol sa isang
Mesias na hinihintay ng mga Judio ay alam ng mga pantas at ito’y nagpasalin-salin. Kaya
nga, historically, may basis ang account ni St. Mathew: “Nasaan ang ipinanganak na Hari
ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang tala at naparito kami upang
sambahin siya.”

Tala sa Silangan (scientific)


Ano ang obserbasyon ng mga pantas sa kalangitan noong mga panahong iyon?
1. Ayon sa pag-aaral ni Larson, noong panahong iyon, nagtapat ang Jupiter at ang
isang bituin kung saan nagproduce ng tila ba korona sa bituing iyon na kilala sa
tawag na Regulus. Ang tawag nila sa Jupiter ay King planet dahil ito ang
pinakamalaking planeta. Ang ibig sabihin ng Regulus ay hari. Sa makatuwid, sa
panahong iyon, ang king planet ay nagbigay ng liwanag na tila korona sa king star
kaya sya nagningning ng ganon. At yung nga yung maningning na tala na nakita
ng mga pantas.
2. At ito pa, ang bituin na maningning ay parte ng constellation na tinatawag na Leo
(o Leon). Alam ng mga pantas na ang símbolo ng angkan ng Juda ay Leon. At sa
mga propesiya sa lumang tipan, sinasabi na ang Mesias ay magmumula sa angkan
ni Juda.
3. Isa pang constellation ang maiuugnay dito, ang tinatawag na Virgo (Virgin) sa
silangan ng constellation na Leo ay matatagpuan noong panahon na iyon. Sa
paanan ng constellation na ito, matatagpuaan ang new cresecent moon, o
tinatawag din na birthing moon. Sa profesiya tungkol sa Mesias, sinasabi na siya’y
ipanganganak ng isang birhen.
Mula sa mga ito, tatlong konsepto ang ating makikita: Hari, Judío, at kapanganakan; pag
pinagsama-sama, “kapanganakan ng hari ng mga Judío”.
Sa pag-aaral na ito, pinapatibay na ang pagsasalaysay ni San Mateo tungkol sa talang
maliwanag na gumabay sa mga pantas ay tunay na pangyayari at hindi gawa-gawa
lamang. It is based historically and scientifically.
Gayun din, ang pangyayaring ito ay hindi isang himala kundi bahagi ng plano ng Diyos
para sa sanlibutan. Mula sa ordinaryong pangyayari sa kalikasan, ang Diyos ay kumikilos.
Ipinapakita nito sa atin ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na lumikha ng lahat ng
bagay at nakakaalam sa lahat ng mga pangyayari. Ang ordinaryong pagkilos ng kalikasan
ay naaayon sa pagsilang ni Hesus. Si Hesus ang centro ng lahat, siya ang centro ng buhay
ng tao, siya ang talang maliwanag na gumagabay sa bawat isa sa atin.

- Mark Marlonne A. Lumbera

You might also like