Suring Pelikula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“SURING-PELIKULA”

---------HENERAL LUNA----------

I. PAMAGAT
 Heneral Luna
May-akda:

 Jerrold Tarog
 Henry Hunt Francia
 E.A Rocha
Genre:

 Ito ay isang uri ng pelikula.


II. BUOD
 Si Heneral Antonio Luna ay ang pinakamatapang at ang pinakamagaling
na heneral sa Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni Presidente
Aguinaldo at pananakop ng mga Amerikano. Dahil sa kaniyang angking
kagalingan at pagiging pursigido sa pagtatanggol sa Pilipinas laban sa
mga Amerikano,marami ang nainggit at nagagalit sa kaniya tulad ng mga
kapwa niya Heneral dahil tila siya ay nagiging mayabang. Nagsumikap si
Heneral Luna magapi ang mga Amerikano ngunit hindi niya itomatalo-
talo,kahit na madaming Pilipino na ang patay at duguan,ngunit sa
kabilangbanda,may mga kawal na tila’ynagpapakasaya lang kaya nman
nagalit si Heneral Luna sa kanilang Kapitan at pinahiya ito,habang
binabanggit ang Artikulo Uno,na siyang pinagmulan ng pagtawag kay
Heneral Luna ng Heneral Artikulo Uno. Naging matagumpay ang ilang
labanan nila Heneral Luna sa ibang mga bayan,ngunit hindi sa lahatsa
pagkat nagkaroon sila ng alitan ng kapwa niya Heneral ukol sa
pakikipaglaban sa Amerikano,at dahil ditto kailangang pumili ni
Presidente Aguinaldo kung sino sa kanila ang papanigan,at si Heneral
Luna ang kaniyang pinanigan.Isang araw,nakatanggap si Heneral Luna
ng isang telegrama,galling kay Presidente Aguinaldo na kung saan siyay
pinapupunta nito sa isang pulong.Si HeneralLuna at ang dalawang
kapitan nalang niya ang nauna sa pulong sa kadahilanang nagkaroon n
gproblema ang ibang mga kawal sa pagtawid sa ilog.Ang pagpunta na
pala niya sa pulong na iyon ang kaniyang magiging huling
sandali,sapagkat siya ay walang awa na pinatay ng mga kawal at ng
kapitan na kaniyang pinahiya.Siya ay pinagbabaril at pinagsasaksak ng
mga ito hanggang sa masigurado nila ng hindi na talaga siya humihinga.
Walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang tunay na nagpatay sa
tunay na heneral Luna.

III. PAKSA
 Ang paksa ng pelikulang Heneral Luna ay ukol sa kung paano kinaharap
ng isang magiting na Heneral Antonio Luna ang mga pagsubok sa
kaniyang buhay tulad nalang kung paano siya at ang kaniyang hukbo na
nakipagsapalaran laban sa mga mababagsik na Amerikano para makuha
ang kalayaan ng Inang Bayan (Ang Pilipinas) kahit kapalit pa nito ang
kanilang mismong buhay at kung paano namatay si Heneral Luna sa
kamay ng mga kapwa niya Pilipino sa kabila ng kaniyang pagmamahal
sa bayan at kung papaano siya naging inspirasyon sa mga ito.Ang
pelikula naito ay tungkol rin sa mga problema ng ating pamahalaan
noong datipa man,tulad nalang ng may mga takwil sa ating pamahalaan
at hindi tayo nagkakaisa sa iisang layunin/paraan,tulad nalang ng
layunin na makaalis sa pananakop ng mga Amerikano o tayo na
mismong mga Pilipino ay nagkakagulo na sa ating pamahalaan..
IV. BISA
(Sa isip)
 Naimpluwensiyahan ng pelikula na ito ang pagiisip ng mga manonood
ukol sa ating pamahalaan at maging sa kasaysayan. Namulat nito ang
mga kaisipan na hanggang ngayon ay hindi parin talaga natin lubusang
kilalaang ating mga bayani , at naipakita rin dito sa kanila na may mga
bagay na nangyari dati na nakaaapekto sa mga pangyayari ngayon sa
bansa.
(Sa damdamin)
 Napukaw ng pelikulang ito ang damdamin ng bawat manonood
bata,matanda,estudyante o mga magulang man.Halo-halong emosyon
ang nadama marahil ng mga manonood,maaaring nalungkot dahil sa
nangyaring kalupitan kay Luna na sinaksak at binaril ng mga kapwa
niya mismo Pilipino,nagalit sa mga taong walang awa na pinatay si
Heneral Luna sa kabila ng mga ginawa nito para sa Bayan,nainis sa
ibang tao na nasa pamahalaan na walang ginawa kundiang
magpakasaya sa kabila ng paghihirap ngibang Pilipino,natuwa dahil sa
mga binitiwang kataga ni Heneral Luna o naiyak dahil kahit sa huling
sandal ng kaniyang buhay ay naging matapang parin si Luna at siyay
kinatakutan parin ng mga kawal.
V. MENSAHE
 Gustong ipabatid ng pelikulang Heneral Luna na dapat mahalin natin
ang ating sariling bansa,bago pa man angibang bansa,bago pa ang ating
sarili.Dapat nating ipagtanggolang ating bansa sa mga mananakop,gaya
ng ginawa niHeneral Luna.Huwag rin tayong magiging sakim sa ating
kapangyarihan,dapat nating alamin ang mga limitasyon natin sapagkat
lahat ng kasamaan ay may masamang bunga.Higit sa lahat,bago pa man
natin ayusin ang problema na dala ng mga dayuhan,dapat ay
resolbahin muna natin ang mga problema nating mga kapwa Pilipino
sapagkat paano nga ba natin maaayos angibang bagay kung tayong
mismong mga Pilipino ay watak-watak na.
VI. TEORYANG GINAMIT
 Humanismo

Danica Amor A.Roa~


X-Einstein~
Mrs.Adajar~

You might also like