Si Ipot Ipot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SI IPOT-IPOT AT SI AMOMONGO

(Isang Pabulang Bisaya)

Isang gabi, tahimik na lumilipad-lipad upang dumalaw sa kaibigan si Ipot-Ipot (isang alitaptap). Tulad ng dati’y
dala-dala niya ang kaniyang ilawan. Maya-maya’y nakasalubong niya ang isang buskador ng gorilyang
nagngangalang Amomongo . “Hoy, Ipot-Ipot, bakit ba lagi mong dala-dala ang iyong ilawan? Nakatatawa ka
tuloy tingnan. Ha-ha-ha!” ang sabi ni Amomongo habang palundag-lundag na tumatawa sa harap ng alitaptap.
Tiningnan muna siya ng alitaptap bago ito matatag na sumagot. “Alam mo, Amomongo, dinadala ko ang aking
ilawan, una, upang makita ko ang aking daraanan;at pangalawa, upang makita ko ang mga lamok at nang
sila’y aking maiwasan,” paliwanag nito.
“Gusto mong iwasan ang nga lamok? Isa kang duwag! Takot ka sa lamok! Duwag! Duwag! Ha-ha-ha!”
pambubuska ni Amomongo kay Ipot-Ipot.
Hindi na lang pinansin ng alitaptap ang pambubuska ng gorilya. Nagpatuloy na lamang siya sa tahimik niyang
paglalakbay. Subalit hindi roon tumigil ang buskador na gorilya. Tinungo nito ang iba pa niyang mga kalahing
unggoy at saka ipinagsabing ang alitaptap ay duwag at takot sa lamok kaya’t laging nagdadala ng ilawan
saanman ito magpunta. Nagtawanan ang iba pang gorilya na nakarinig sa kuwento tungkol sa pagiging duwag
ng alitaptap.
Hindi nagtagal at kumalat na rin ang kuwento sa iba pang mga hayop sa kagubatan. Nang lumaon ay
nakarating ito kay Alitaptap. Halos liparin ng alitaptap ang pagtungo sa bahay ni Amomongo. Nadatnan niya
itong natutulog. Itinapat ng alitaptap ang kanyang ilaw sa mukha ni Amomongo upang magising ito. “Hoy,
Amomongo , gising! Bakit ipinamamalita mo raw na duwag ako? Sadya nga yatang maitim ang budhi mo. Sige,
bukas ng gabi, pumunta ka sa plasa at sa harap ng lahat ay patutunayan kong hindi ako duwag.”
“Hoy Ipot-Ipot, huwag ka ngang balat sibuyas. At ngayo’y naghahamon ka sa isang labanan? Iyang liit mong
iyan? Pupulbusin kita. Ha-ha-ha! Sige nga, sino ang dadalhin mo para labanan ang isang malaking gorilyang
tulad ko?” nagmamalaking tanong ni Amomongo.
Mag-isa akong pupunta subalit kung gusto mo ay dalhin mo pa lahat ang mga kaibigan mo,” matatag na sabi ni
Ipot-Ipot.
Lalong tumawa nang tumawa si Amomongo. “Mag-isa kang pupunta! Hah! Maganda ’yan para makita mo kung
ano ang gagawin ng malalakas na nilalang na tulad namin sa munting alitaptap na tulad mo.”
Nalaman ng iba pang hayop ang tungkol sa napipintong labanan. Kinabukasan ay napuno ang plasa ng mga
hayop na gustong makapanood sa labanan ng nag-iisang alitaptap at ng malalaking gorilya.
Maagang dumating si Ipot-Ipot. Mayâ-mayâ pa’y dumating na rin ang pulutong ng mga gorilya. May dalá-dalá
ang mga itong malalaki at mahahabang pamalo. Masigla siláng nagtatawanan sapagkat para sa kanila, ang
paghahamon ni Ipot-Ipot ng labanan ay isang malaking kahibangan.
Pagkakita ni Amomongo kay Ipot-Ipot ay inutusan niya agad ang mga kalahing atakihin ang naghihintay na
alitaptap. Subalit mabilis itong lumipad at dumapo sa ilong ni Amomongo. Nag-unahan ang mga unggoy sa
pagpalo sa alitaptap nakadapo sa ilong ng kanilang kasamahan subalit mabilis itong nakalipad palayo kaya’t
ang ilong ni Amomongo ang inabot ng mga pamalo. Bumagsak ito sa lupa. Pagkatapos ay sa ilong naman ng
isa pang gorilya dumapo ang alitaptap. Muling sinugod ng iba pang gorilya ang alitaptap subalit tulad ng
nangyari kay Amomongo, hindi rin nila tinamaan ang alitaptap kaya’t ang ilong na naman ng pangalawang
gorilya ang tinamaan. Bumagsak din ito sa lupa.
Gayon nang gayon ang nangyari sa iba pang gorilya. Pinapalo nila ang alitaptap na nakadapo sa ilong ng isa
sa kanila subalit sa halip na tamaan ito, ang mga gorilya ang isa-isang bumabagsak sa lupa dahil mabilis
umilag ang alitaptap kay’t silá-silá ang nagkakatamaan. Hanggang sa isang kisap mata ay bumagsak sa lupa
ang lahat ng gorilya.
“Ngayon, sino sa inyong mga gorilyang ang magsasabing duwag ako?” ang mataginting na tanong ng maliit na
alitaptap. Yukong-yuko ang ulo ng mga gorilya. Bahag dahil sa kahihiyang dala ng nangyari kaya’t hindi sila
makapagsalita. Tiningnan muna sila ng alitaptap na umiiling-iling sa kinahinatnan ng isang palutong ng mga
unggoy at saka ito tahimik na lumipad palayo upang ipagpatuloy ang kanyang sariling lakad tulad ng dati.

You might also like