Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal

ng embryo o fetus sa loob ng matres, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng
biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan
ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay
tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag,
tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-
dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.

Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang
mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi
ng mundo.

Sa ibang bansa, legal ang aborsyon. Ang mga mag-asawa ay siyang magpapasiya kung
ipagpapatuloy ba nila ang kanilang pagbubuntis o tatapusin ito sa isang abortion clinic. Bagaman ito
ay pinapayagan ng kanilang mga batas tungkol sa aborsyon, ang mga tao doon ay patuloy na
nagdidebate, nagtatalo ng kanilang mga argumento tungkol sa aborsyon.

Sa kabilang banda, ang mga Pilipino ay konserbatibo sa mga bagay na ito. Para sa atin, ang
sanggol sa sinapupunan ng isang ina ay isang buhay na tao na may karapatang patuloy na
mabuhay. Kaya naman, ang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas ay patuloy na nagbabawal
sa ganitong gawain. Nakalulungkot nga lang, may ilang mga kabataan ang maaagang nakikipagtalik
dahil sa kakulangan ng kaalaman at gabay ng magulang. Kapag sila ay nabuntis ng hindi
inaasahan, aborsyon ang kanilang tanging mapagpipilian.

Narito ang ilan sa mga argumento tungkol sa aborsyon. Para ito saiyo kung ikaw ay may
ginagawang pananaliksik tungkol sa aborsyon.

Argumento ng mga sangayon sa aborsyon


Ang ilang tao ay naniniwala na ang mga babae ay dapat na magkaroon ng karapatan na sumailalim sa
aborsyon, anuman ang kanyang dahilan. Ayon sa kanila, hindi niya na dapat ipagpilitan pa sa kaniyang mga
doktor ang kaniyang pasya. Narito ang kanilang mga argumento kung bakit.

 Ang babae ang magdidisisyon sa kung ano ang dapat mangyari sa kanyang katawan
 Ang bawat bata ay may karapatan sa tamang pangangalaga at pagmamahal, kung hindi ito posible, OK lang
ang aborsyon
 Maraming nang mga unwanted baby sa mundong over populated. Bakit ka pa magdaragdag kung pwede
naman ang aborsyon
 Ang babae at ang kanyang mga kapamilya ay tiyak na may mga karapatan din, hindi lang ang hindi pa
naisisilang na sanggol
 Ang mga babaeng ginahasa ay may karapatang sumailalim sa aborsyon para hindi na nila maalala ang
kababuyang nangyari sa kanila habang lumalaki ang kanilang naging anak
 Kung ang bata ay isilang na baldado, ang ina lamang ang makapagdidisisyon kung kaya niya bang asikasuhin
ang bata
 Ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung madaragdagan pa ng isa pang sanggol
 Ang buhay ay hindi pa nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang
 Ang batang may malalang kaso ng pagkabaldado ay magkakaroon ng pangit na buhay na maaaring magdulot
din ng trauma sa kanyang mga magulang. Mas mabuti na raw na hindi na maisilang ang sanggol
Argumento ng mga hindi sangayon sa aborsyon
Maraming tao ang naniniwala na nag fetus sa sinapupunan ng nanay ay isa nang ganap na tao at may mga
karapatan na ring tulad ng sa atin. Naniniwala sila na ang aborsyon ay hindi maipapangatwiran dahil ito ay
pagpatay ng isang inosenteng tao. Narito ang kanilang mga argumento.

 Bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a Diyos. Wala tayong karapatan na sirain ang regalong ito
 Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang
ipaglaban ang kaniyang karapatan
 Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang ina
 Ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay sa
hinaharap. Ang aborsyon dahil sa mga kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga kapansanan ay
walang kwenta
 Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao
 Ang mga doktor at nurse ay sumumpang magliligtas buhay, hindi pumatay
 Ang fetus ay nakararamdam na rin ng sakit

Batas tungkol sa aborsyon


Ano ang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas? Ang Article II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa
seksyon 12, sinasabi na protektado ng batas ang buhay kapwa ng ina at ng hindi pa naisisilang na sanggol mula
sa paglilihi. Dito sa Pilipinas, bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay nangangahulgan ng pagkakakulong.

You might also like