Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Central Bicol State University of Agriculture-Sipocot


Impig, Sipocot, Camarines Sur
Taong Panuruan: 2018-2019
Kolehiyo ng Edukasyon

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


Disyembre 03, 2018
1:00 – 2:20 pm
I. Layunin
Sa loob ng 60 minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral sa ika-sampung
baitang ay inaasahang:
a. Nababatid ang mga pangyayari sa kwento.
b. Makagagawa ng slogan tungkol pangangalaga ng mga hayop.
c. Napahahalagahan ang pangangalaga sa mga alagang hayop.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Alaga (Maikling Kwento mula sa East Africa) ni Barbara Kimenya, isinalin
sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
Sanggunian: Filipino 10, Modyul para sa mag-aaral, pahina 291 - 294
Kagamitang Pampagtuturo: sipi ng akda, kagamitang biswal
Pagpapahalaga: Pagmamahal at pangangalaga sa mga alagang hayop.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pamamahala ng Silid-Aralan
 Pagbabalik-aral
 Paglalahad ng Layunin

A. Aktibiti
 Pagganyak
Ngayon, magkakaroon muna tayo ng
gawain. Bibigyan ko kayo ng papel.
Isusulat ninyo sa papel na ito kung anong
uri ng hayop ang inyong alaga. Kung wala
kayong alagang hayop, isulat ninyo kung
anong uri ng hayop ang nais ninyong
alagaan sakaling bibigyan kayo ng
pagkakataon. Bibigyan ko lamang kayo ng
isang minuto upang isulat ang uri ng hayop
na alaga ninyo o nais alagaan. Pipili ako ng
ilan sa inyong mga kamag-aaral upang
magbabahagi ng kanilang karanasan sa
kanilang alagang hayop. Kung wala kayong
alagang hayop, ilalahad ninyo kung paano
ninyo aalagaan ang inyong napiling uri ng
hayop. Maari din ninyong banggitin ang
pangalan o ibibigay ninyong pangalan sa
inyong alagang hayop o magiging alaga.
Naunawaan po ba?
Opo. (magsusulat ang mga mag-aaral sa
ibinigay sa kanilang papel)
Magaling! Mahusay ninyong nailahad kung
paano aalagaan ang inyong mga alagang
hayop. Palakpakan ninyo ang inyong mga
kamag-aral.
(Papalakpakan ang kanilang mga kamag-
aral.)

B. Analisis
Ngayon, bakit sa tingin n’yo kailangang
alagaan at mahalin ang inyong mga
alagang hayop?
Ma’am. Dapat po nating alagaan at
mahalin ang ating mga alagang hayop
dahil nakakatulong poi to sa atin sa mga
pang-araw-araw na gawain. Nagbibigay
din po ito sa atin ng saya at aliw.
Tama, Clarence. Kapag nagpakita tayo ng
pagmamahal sa ating mga alagang hayop
ay susuklian din nila tayo ng pagmamahal.
Jenny, may karagdagan ka pa bang sagot?
Ma’am dahil po ang mga alaga nating
hayop ay mayroong damdamin din tulad
nating mga tao.
Magaling! Paano ninyo naman maipapakita
ang inyong pagmamahal sa inyong mga
alagang hayop, Vanessa?
Maipapakita po natin ang ating
pagmamahal sa ating mga alagang hayop
sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila.
Mahusay! Maipapakita natin ang ating
pagmamahal sa ating mga alagang hayop
sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila.
Kailangan nating ibigay sa kanila ang
kanilang mga pangangailangan upang sila
ay mabuhay.

Tunghayan naman natin kung ganito rin


ang ginawa ng pangunahing tauhan sa
akdang ating tatalakayin.

C. Abstraksyon/Pagtalakay
Ang mga naging sagot ninyo ay may
kinalaman sa ating susunod na aralin. Ano
sa tingin n’yo ang ating tatalakayin, Ace?
Tingin ko po ang ating tatalakayin ay
tungkol sa alagang hayop.
Tama, Ace. Ang ating tatalakayin ay isang
akda tungkol sa alagang hayop.

Ngunit bago natin talakayin ang akda,


bigyan muna natin ng pagpapakahulugan
ang maikling kuwento.

Narito ang kahulugan ng maikling kuwento.


Sino ang maaring magbasa ng kahulugan
ng maikling kuwento? Johnmar.
Ma’am. Ang maikling kuwento ay nilikha
ng masining upang mabisang maikintal sa
isip at damdamin ng mambabasa ang
isang pangyayari.
Salamat, Johnmar. Ang maikling kuwento
ay mababasa natin sa isang upuan lamang
at nagbibigay sa atin ng isang kakintalan o
aral. Ano naman sa iyong palagay ang
kwento ng tauhan, Patricia Mae?
Sa tingin ko po ang kuwento ng tauhan ay
nakatuon ang kwento sa kilos ng tauhan.
Tama Patricia Mae. Narito ang kahulugan
ng kuwento ng tauhan. Maari mo bang
basahin, Mary Joy.
Ang kuwento ng tauhan ang binibigyang
diin ay ang ugali o katangian ng tauhan.
Maraming salamat. Umiikot ang daloy ng
kuwento sa pangunahing tauhan.
Binibigyang pansin dito pag-uugali, gawi, at
pag-iisip ng tauhan.

Nauunawaan po ba kung ano ang maikling


kuwento at ang kuwento ng tauhan?
Opo.

Ngayon, tatalakayin natin ang maikling


kuwento mula sa East Africa na may
pamagat na Ang Alaga. Isinulat ito ni
Barbara Kimenye at isinalin sa Filipino ni
Magdalena O. Jocson. Kilalanin muna natin
ang sumulat at nagsalin ng akdang Ang
Alaga. Maari mo bang basahin ang
pagpapakilala kay Barbara Kimenya,
Yvonne?
Si Barbara Kimenye ay ipinanganak noong
Disyembre 19, 1929 sa Halifax, West
Yorkshire. Isa siyang Pinakapopular sa
East African at may-akda na mayroong
pinakamaraming naibentang iba't ibang
pambatang libro.
Maraming salamat, Yvonne. Sino naman si
Magdalena O. Jocson, Lenard?
Si Magdalena O. Jocson ay isang
magaling na manunulat. Siya ang nagsalin
sa wikang Filipino ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng Tanika at Haiku.
Maraming salamat Lenard. Ilan sa
kaniyang mga nasulat ay ginagamit bilang
gabay sa paaralan at inaaral naman ng
mga mag-aaral.

Ngayong kilala na natin ang may-akda at


nagsalin nito sa Filipino tatalakayin na natin
ang maikling kuwentong Ang Alaga.

Meron akong larawan dito ng kulungan ng


baboy. Kailangan nating tulungan ang
pangunahing tauhang si Kibuka na ikulong
mga nakawalang baboy upang makalabas
siya sa kulungan at makauwi sa kanyang
bahay. Kailangan nating hulihin ang baboy
na may nakadikit na komiks ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento. Kapag napagsunod-sunod na
ang mga pangyayari ay ilalagay ang baboy
sa loob ng kulungan. Uumpisahan ko ang
kwento pagkatapos ay pipiliin ninyo sa mga
baboy na ipapakita ko sa inyo ang sunod
na nangyari. Malinaw po ba?
Opo.

Naniniwala si Kibuka na hindi pa para sa


kanya ang pagreretiro. Malungkot na
malungkot si Kibuka dahil pinaretiro na siya
sa kanyang trabaho.

Ano kaya sa tingin mo ang sunod na


nangyari, Lance.

Sa tingin ko po, upang hindi na siya


malungkot ay binigyan siya ng biik na
aalagaan niya.
Magaling! Lance. Dinalaw siya ng kanyang
apo at binigyan ng pasalubong na biik.

Sa tingin ninyo naging masaya kaya si


Kibuka sa kanyang alagang biik?
Opo.
Alin naman kaya sa mga larawan ang
sunod na nangyari, Colleen? Ano kaya ang
nagyari sa larawang iyan?

Noong una po ay ayaw ni Kibuka sa biik


ngunit hindi nagtagal ay napamahal na po
siya dito. Pinanatili niya rin po itong
malinis.
Tama, Colleen. Noong una ay planong
ihain ni Kibuka ang biik sa pagdating ng
kanyang kaibigang si Yosefu. Ngunit sa huli
ay napamahal na ito sa kanya.

Ano kaya ang sunod nangyari, Kenneth?


Maari mo bang basahin ang dayalogo.

Nagdulot ng problema kay Kibuka ang


alagang biik. Napupuyat na siya dahil dito.
Naninimot na rin siya ng pagkain para
maibigay sa baboy.
Tama ka Kenneth. Mabilis na lumaki ang
baboy at nagdulot ng problema tulad ng
kakulangan sa pagkain. Kinakailangan niya
rin itong ipasyal kahit na sumasakit ang
kanyang kalyo.

Sa tingin niyo bakit kaya hindi ipinagbibili o


ipinapakatay ni Kibuka ang alagang baoy
kahit na nahihirapan na siyang alagaan ito,
Althea?
Dahil napamahal na po ito sa kanya.

Tama, napamahal na ito sa kanya kaya


ayaw niyang mawalay dito. Alin naman
kaya sa mga larawan ang sunod na
nangyari, Shaira Joy?

Isang araw po ay nasagasaan po ang


kanyang alagang baboy at namatay. Labis
niya pong ikinalungkot ang pagkamatay ng
kanyang alaga.
Tama. Habang sila ay namamasyal ay
nabunggo sila ng motorsiklo at sa
kasamaang palad ay namatay ang baboy.
Ayaw naman niya itong kainin.

Bakit kaya sa tinggin ninyo ayaw kainin ni


Kibuka ang kanyang alagang baboy, Jeff?
Dahil para sa kanya ang pagkain ng isang
napamahal na alaga ay isang barbarong
gawain.
Tama, Jeff. Ano naman ang sunod na
nangyari sa kuwento, Katrina?

Sa huli po ay kinain niya rin ang kanyang


alagang baboy na inihanda ni Miriamo.
Magaling! Magkahalong saya at lungkot
ang kanyang naramdaman sa pagkawala
ng kanyang alagang baboy. Bakit kaya,
Jenny?
Lungkot po dahil sa pagkamatay ng
kanyang alagang baboy at saya dahil hindi
na siya mahihirapan sa pag-aalaga nito.
Mahusay! Jenny. Sa huli ay naging masaya
pa rin si Kibuka sa kabila ng pagkamatay
ng kanyang alagang baboy. Lungkot dahil
sa pagkamatay ng kanyang baboy at saya
dahil makakatulog na siya ng matiwasay.
At diyan nagwawakas ang kuwentong Ang
Alaga.

Nagustuhang niyo ba ang kuwento?


Naunawaan niyo ba?
Opo.

D. Applikasyon/Paglalapat
Ngayong tapos na nating talakayin ang
maikling kuwento, hahatiin ko kayo sa
tatlong na pangkat. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ko ng ¼ na kartolina. Hindi na
bago sa atin ang mga balita tungkol sa
pang-aabuso at pananakit sa mga hayop,
kug kaya’t gagawa kayo ng slogan na
nanawagang pangalagaan at mahalin ang
mga hayop. Kailangang maging malikhain
at nakakatawag pansin ang gagawing
slogan. Kailangang nakakapanghikayat
itong alagaan at mahalin ang mga alagang
hayop. Ang bawat pangkat ay kailang
(Gagawa ang mga mag-aaral ng slogan.)
magkaroon ng isang kinatawan na siyang
magpapaliwanag ng inyong ginawang
slogan. Ang pangkat na maingay ay
babawasan ng isang puntos. Bibigyan ko
lamang kayo ng dalawang minuto upang
gawin ito at isang minuto para sa
pagpapaliwanag.
Narito ang pamantayan:
Nilalalman ------------ 25%
Pagpapaliwanag ------------ 25%
Orihinalidad ------------ 20%
Pagkamalikhain ------------ 20%
Hikayat ------------ 10%

Kabuuan ------------ 100%

(Pagkatapos ng 5 minuto)

Magaling ang ginawa ninyong mga slogan.


Tunay na nakapanghihikayat itog alagaan
at mahalin ang mga hayop. Palakpakan
ninyo ang inyong.

Tunay ngang naunawaan ninyo ang


maikling kwentong Ang Alaga.

Sino ang maaring magbuod ng kwento,


Dianne?
Ang maikling kwentong Ang Alaga ay
patungkol kay Kibuka na napamahal sa
kanyang alagang biik. Bagamat may mga
kinaharap siyang problema ay napalaki
niya ito ng maayos. Nalungkot siya sa
pagkamatay nito ng masagasaan sila
ngunit sa bandang huli ay kinain nir niya
ang kanyang alagang biik at nagging
masaya na rin siya.
Paano ninyo ilalarawan bilang tagapag-
alaga si Kibuka, Ace?

Siya po ay isang mabuting tagapag-alaga.


Tama, Ace. Ano pa Katrina?

Anong aral ba ang inyong napulot sa


kwento, Kylie?

Siya ay maalaga at mapagmahal na amo.


Pinapakain at nililinisan niya poi to parati.
Magaling! Kylie. Bakit kailangan nating
alagaan ang ating mga alagang hayop,
Maria Bea Jane?

Mahalin at alagaan po natin an gating mga


Tama, Maria Bea Jane. Responsibilidad alagang hayop.
nating alagaan at mahalin ang ating
alagang hayop.

Dahil responsibidad po nating alagaan ang


mga hayop.
Bilang mga tao responsibilidad nating
pangalagaan ang mga hayop sa ating
paligid upang mapanatili silang buhay sa
susunod na henerasyon. Mayroon din
tayong batas na nangangalaga sa mga
hayop upang hindi sila maabuso. Mahalin
at alagaan natin ang mga hayop dahil ito ay
biyaya mula sa Maykapal.

Malinaw po ba? May katanungan pa po ba?

Opo. Wala po.

IV. Pagtataya
Kumuha ng ¼ na papel at sagutan ang sumusunod na mga katanungan.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Anong uri ng hayop ang kanyang alaga?
3. Paano niya ipinakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang alagangang hayop?
4. Bakit ikinalungkot ni Kibuka ang pagkamatay ng kanyang alagang baboy?
5. Bakit ayaw niyang kainin ang kanyang alagang baboy?
Sagot:
1. Kibuka
2. Biik/baboy
3. Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mabuti, pagpapakain palilinis at pagpasyal dito.
4. Dahil napamahal na ito sa kanya.
5. Dahil para sa kanya ang pagkain ng napamahal na alaga ay barbarong gawain.

V. Takdang Aralin
1. Basahin ang Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali.
Sanggunian: Filipino 10, Modyul para sa mag-aaral, pahina 300 – 311.

Inihanda ni:

MAYANN A. SALCEDO
BSED 4 - Filipino

Nabatid ni:

MERCY M. ALMONTE
Professor 1

You might also like