Consent Form and Moa Templates For Senior High School 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y. 2018-2019

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa panahong Paleolitiko?


A. Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.
B. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang mga tao.
C. Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.
D. Nomadiko ang uri ng pamumuhay.

2. Pagsunud-sunurin ang mga panahon.


1. Panahong Neolitiko 2. Panahong Metal 3. Panahong Paleolitiko 4. Panahong Mesolitiko
A. 1,2,3,4 B. 2,3,4,1 C. 3,4,1,2 D. 4,1,2,3

Para sa bilang 3-6, tukuyin kung saan panahon naganap ang mga sumusunod na pangyayari o pagbabago.
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal

3. Umaasa lamang ang mga sinaunang tao sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa
kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

4. Sa panahong ito, ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng
tanso.

5. Natutong magpaamo ng hayop ang mga tao at gumawa ng mga damit na galling sa balat ng hayop bilang
proteksiyon sa kanilang katawan.

6. Nabuo ang pundasyon ng kabihasnan.

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
B. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa lambak at ilog.
C. Pamumuhay na pinaunlad gamit ang bagong teknolohiya.
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.

8. Ito ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog.


A. Kabihasnan B. Kalinangan C. Kaunlaran D. Sibilisasyon

9. Ito ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog na kinilala bilang “cradle of civilization.


A. China B. Fertile Crescent C. India D. Mesopotamia

10. Ang itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.


A. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Persian C. Kabihasnang Shang D. Kabihasnang Sumer

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnan?
A. Masalimuot na relihiyon
B. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura.
C. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan.
D. Paglaki ng populasyon at pagpapangkat ng tao ayon sa kakayahan.

12. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
B. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan.

13. Ito ang itinuturing na pinakamalaking templo na itinatag ng mga Sumerian bilang pagbibigay karangalan sa
kanilang diyos.
A. Great Wall of China B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat

Para sa bilang 14-19, tukuyin kung saan kabihasnan naging ambag o kontribusyon ang mga sumusunod.
A. Indus B. Persian C. Shang D. Sumer

14. Cuneiform
15. Potter’s wheel
16. Harrapa at Mohenjo-Daro
17. Lunar calendar
18. Calligraphy
19. Pictogram

20. Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pagsasaayos ng kanilang lungsod
na napapalibutan ng mga matataas na paderna naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang
lupain. Ano ang tawag sa estrukturang ito?
A. Great Wall of China B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat

21. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigidig at ang namumunong Emperador ay “Anak
ng Langit” o “Son of God”. Ano ang kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ay namumuno batay sa mga kautusan na itinakda.
B. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng diyos.
C. Ang emperador ay namumuno dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng diyos.
D. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.

22. Sa bansang ito, ang mga hari ay kinilala bilang devajara (Haring Diyos) at cakravatin bilang hari ng
daigdig.
A. China B. India C. Korea D. Pilipinas

23. Ito ang tawag sa pinuno ng mga Muslim na utos at basbas ni Allah.
A. Amaterasu B. Caliph C. Devajara D. Son of God

24. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kinilala ang mga namumuno batay sa katapangan, kagalingan at
katalinuhan (men of prowess) na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pagbuo at pag-unald ng mga
estado?
A. China B. India C. Korea D. Pilipinas

25. Para sa mga Hapones, dito nagmula ang kanilang emperador na naging pundasyon ng pagkabuo ng mga
imperyo at pag-inog ng kanilang relihiyon at pamumuno.
A. Amaterasu B. Caliph C. Devajara D. Son of God
26. Napakahalaga ng kultura sa isang bansa. Walang makabagong kultura kung walang tradisyunal na kultura
at mahihirapan ang mga tao na panatilihin ito kung hindi aangkop sa makabagong lipunan. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pahayag?
A. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong haligi ng bansa.
B. Dapat pahalagahan ang mga kulturang naaayon lamang sa kagustuhan ng tao.
C. Isabuhay at ibahagi ang magagandang kultura at tradisyon lamang ng bansa.
D. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.

Para sa bilang 27-30, suriin ang talahanayan ng mga relihiyon sa Asya.

Mga Relihiyon Tagapagtatag Aral/Paniniwala/Dotrina


Buddhism Sidharta Gautama Apat na Dakilang Katotohanan,
Walong Dakilang Daan
Jainismo Vhardamana Muling pagkabuhay, bawal kumain
ng karne, bawal ang pumatay ng
insekto, bawal ang magnakaw,
bawal magkaroon ng ari-arian,
karma, ahimsa
Sikhismo Guru Nanak Paniniwala sa isang Diyos,
reinkarnasyon, nirvana
Kristiyanismo Kristo Hesus Paniniwala sa iisang Diyos,
Sampung utos ng Diyos, Bibliya
Islam Muhammad Limang haligi, paniniwala sa
iisang diyos si Allah, Koran

27. Batay sa talahanayan, anong relihiyon ang may Sampung Utos ng Diyos?
A. Buddhism B. Jainismo C. Kristiyanismo D. Sikhismo

28. Suriin ang talahanayan, alin sa mga relihiyon ang naniniwala sa reinkarnasyon?
A. Buddhism B. Jainismo C. Kristiyanismo D. Sikhismo

29. Anong relihiyon ang naniniwala sa Apat na Dakilang katotohanan?


A. Buddhism B. Jainismo C. Kristiyanismo D. Sikhismo

30. Batay sa talahanayan, anu-anong mga relihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?
A. Buddhism, Islam at Jainismo C. Jainismo, Kristiyanismo at Sikhismo
B. Buddhism, Kristiyanismo at Sikhismo D. Kristiyanismo, Islam at Sikhismo

31. Confucius : Confucius ; Taoism : ____________


A. Lao Tzu B. Li Xi C. Mencius D. Sun Tzu

32. Philo : Pagmamahal ; Sophia : ______________


A. Kaalaman B. Karunungan C. Katapatan D. Katarungan

33. Pangkat ng tao sa Kanlurang Asya na itinuturing na “Tagapagdala ng Sibilisasyon”


A. Hebreo B. Hittite C. Persian D. Phoenician

34. Ang China ay nagkaroon ng “Apat na Dakilang Dinastiya”. Bakit tinawag itong dakilang dinastiya?
A. Nakapanakop ng iba’t ibang pangkat ng tao.
B. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito.
C. Nagkaroon pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya.
D. Nagkaroon ng pag-unlad ang China sa panahong ito sa iba’t ibang larangan.
35. Alin ang bumubuo sa Apat na Dakilang Dinastiya ng Tsina?
A. Chin, Han, Ming, Yuan C. Han, Ming, Sung, Tang
B. Chou, Sui, Sung, Tang D. Ming, Sui, Yuan, Zhou

36. Akkadian : Haring Sargon ; Babylonian : ______________


A. Haring Hammurabi B. Haring Nebuchadnezzar C. Haring Rehoboam D. Haring Solomon

37. Ang sistemang caste sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan sa iba’t ibang pangkat o antas ng mga
tao. Alin sa mga sumsunod na pahayag ang nagpapatunay tungkol sa sistemang caste?
A. Ang sudras ang pinakamataas na uri ng tao.
B. May mga mabubuting naidulot ang pagpapangkat.
C. May mahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan.

38. Ang pagsamba sa iisang Diyos o monotheism ay isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ng mga
sinaunang pangkat ng tao sa Asya na kung saan ipinagbawal ang pagsamba at pag-aalay ng mga sakripisyo
sa mga diyos-diyosan na naging batayan ng maraming batas sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod na
pangkat mula sa Kanlurang Asya nanggaling ang kontribusyong ito?
A. Assyrian B. Hebreo C. Persian D. Phoenician

39. Hanging Garden of Babylon : Nebuchadnezzar ; Great Wall of China : ___________


A. Liu Bang B. Shi Huang Ti C. Wuti D. Zheng

40. Ayon sa paniniwalang ito, dapat palawakin, patibayin at patatagin ang estado at higit na mahalaga ang
istriktong batas ng pamahalaan upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at
wasto.
A. Budhismo B. Confucianismo C. Legalismo D. Taoismo

41. Kakatawanin mo ang inyong paaralan sa isang paligsahan sa debate ukol sa paniniwala, tungkulin at
misyon ng mga kababihan sa Asya. Ano ang gagawin mong paghahanda?
A. Magbasa at magsaliksik tungkol sa paksa.
B. Magbasa, manood ng balita at maghanda
C. Magsalikisik at magsanay na humarap sa karamihan.
D. Gumawa ng outline tungkol sa paksa, magsaliksik at mag-aral sa mga posibleng katanungan.

42. Sa panahong ito, nakaranas ng mahabang panahon ng kapayapaan ang Tsina na tinawag na “Pax Sinica”.
Sa anong dinastiya naganap ang pangyayaring ito?
A. Dinastiyang Ch’in B. Dinastiyang Han C. Dinastiyang Sung D. Dinastiyang Tang

43. . Ang suttee o sati ay isa sa mga sinaunang paniniwala ng mga kababaihan sa bansang India. Paano ito
isinasagawa?
A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng kanyang pagmamahal.
B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang bangkay ng kanyang asawa.
C. Nagpapakamatay para maisabay sa paglilibing ng kanyang asawang namatay.
D. Nagbibigti ang babae para maksama ang asawa hanggang sa kamatayan.

44. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa bansang China?
A. Sa murang edad tinatanggal ang kuko, binabali ang buto sa saliri at binabalot ng metal ang mga paa
upang hindi humaba.
B. Sa murang edad, binabalot na ng bakal ang paa at hindi pinapalabas ng bahay ang mga batang babae.
C. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng ballot na bakal ang paa.
D. Ang batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.
45. Ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya ay hindi malawak. Ito ay
batay sa kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano tulad ng suttee o satti sa India. Ano dahilan ng
mababang pagtinging ito sa mga kababaihang Asyano?
A. Bahagi na ng kasaysayan na ituring na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado
ang kanilang karapatan.
B. Hindi pinagkalooban ang kababaihan ng matataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
C. Hindi pinagkalooban ng langit ang kababaihan na mamuno sa lipunan.
D. Mahina ang loob at walang kakayahang mamuno.

46. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang isang lider ng bansa sa
Asya?
A. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan.
B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa.
C. Itinaguyod at pinanatili nila ang mga Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno.
D. Binigyan ng pagkakataon at sinanay ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa kanilang
bansa.

47. Si Ana ay ang napili ng paaralan para kumatawan sa gagawing Youth Meeting sa bansang Singapore na
dadaluhan ng piling mag-aaral ng iba’t ibang bansasa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa mga
suliraning kinakaharap ng mga kababaihang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ihanda at
isaalang-alang?
A. Progress Report Chart ng bansa
B. Datos na naglalaman ng mga suliranin ng kababaihang Pilipino.
C. Datos na naglalaman ng suliranin at datos kung paano ito nalutas ng bansa.
D. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema ng kababaihang Pilipino.

48. Naatasan ka ng iyong guro na kumatawan sa pagpupulong sa inyong paaralan na ang punto ay tungkol sa
karapatan ng mga kababaihan. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ihanda bago ka humarap sa
pagpupulong?
A. Case study
B. Resolusyon
C. Powerpoint presentation
D. Report ng mga insidenteng may kinalaman sa mga kababaihan sa paaralan.

49. Matapos ang talakayan ninyo sa aralin tungkol sa relihiyon, naatasan ka na mamuno sa paglikha ng isang
presentasyon sa iba’t ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman
ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng relihiyon at mahalagang aral nito.
B. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag at saan naitatag.
C. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa.
D. Kasaysayan ng relihiyon, mga mahalagang aral, impluwensiya sa bansa, at kalagayan nito sa
kasalukuyang panahon.

50. Ikaw ay pangulo ng AP Club sa inyong paaralan at naatasan gumawa ng proyekto sa kahalagahan ng mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang iyong proyekto
para makita at makilala ng lahat ang mga nasabing kontribusyon?
A. Pagbibigay ng phamplet ng mga larawan ng mga naging kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
B. Pagtatakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
C. Pagsasagawa ng poster making contest
D. Jingle writing contest

You might also like