Spoken Word For Party

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SCENE #1 (LOVE ME LIKE YOU

DO)
Ganito pala ang pag-ibig.
Ganito pala ang pakiramdam
yung akala mo siya na ang
taong nararapat sa
pagmamahal mo.
Yung kaya mong ibigay ang
lahat-lahat, maging ang sarili
mong katawan para lang sa
kanyang kaligayahan,
Dahil ang salitang pag-ibig ay di
dapat mawalan ng kabuluhan,
Hindi marapat mapalitan ng
mababaw na kahulugan
At Hindi dapat hayaang
manatili ang maling konsepto
sa kahit sino mang isipan.
Ganito pala ang pag-ibig.
Ganito pala ang pag-ibig na
minsan nais mong ibigay lahat
ng bagay maging ang iyong
buhay para lamang maangkin
moa ng isang taong akala mo,
Akala mo ay kayang suklian ang
pagmamahal.
Yun pala para ka lang isang
hangal na naghahangad sa pag-
ibig na kailanman hinding-Hindi
magiging makatutuhanan.

SCENE #2 (HAVANA)
Kapag sinabi Kong mahal kita,
ang ibig Kong sabihin, kaya
Kong gawin ang lahat maangkin
lang kita.
Kapag sinabi Kong mahal kita,
Hindi ko sasantohin kahit sino
pa man dahil kapag sinabi Kong
mahal kita,
Kahit may mahal ka nang iba,
aagawin ko siya sayo, at
ipapakita ko na mas karapat-
dapat ako diayn sa puso mo.
Dahil kapag sinabi Kong mahal
kita, ang ibig Kong sabihin
pagpapaguran ko ito, susundan
kita, hihintayin kita, susuyuin
dahil ang aking “mahal kita” ay
Hindi magtatapos sa “mahal
LANG kita”.
Ang aking “mahal kita” ay may
kalakip na sakripisyo’t
pagsisikap na handing
ipaglaban masabi mo lang na
“maahal din kita”.

SCENE #3
Masarap mag mahal, masarap ang mahalin
masarap ang puro pag mamahal.
Pero ang mas masarap, ang maging Tanga!,
Maging tanga sa larangan ng pag ibig,
maging tanga sa larangan ng taong pinag
katangahan mo.
Masarap ang mag mahal, pero mas masarap ang
maging tanga, magingtanga sa araw araw kung
kaligayahan, dahil mas pipiliin ko nalang ang
maging tanga kesa ipag siksikan ko ang sarili sa
alam kong sasabihan din ako ng tanga.
Tanga,Oo tanga ako, tanga ako dahil pilit kung
tinutupad ang malabong manyari.
Pilit kung pinag sisiksikan kahit alam kung masakit
na, masakit sa araw araw na nakikita kita masaya
sa piling ng iba.
Masakit, masakit dahil sa bawat sambit mo ng
pangalan nya, ay syang kaligayahan mo.
Kaligayahan na alam ko sya lang ang
makakagawa.
Kaya siguro tama na ang maging tanga.
Maging tanga sayo. Kasi alam kung kahit anong
gawin ko wala rin ako mapapala.
Hindi dahil sa suko na ako, kasi sa totoo lang
mahal suko na ako!
Suko na ako sa sakit ng pagiging tanga ko.
Suko na ako kasi alam ko kahit kailan, mag sisilbi
lang akong tanga.
Tanga na nga siguro ako, mahal, mahal kita.

You might also like