Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Panitikang Filipino sa

Aborihinikal na Panahon
Ipinasa nina:

Bautista, Khylle Xavier G.

Doolittle, Kurt Sean A.

Estrabo, Eric Yancy O.

Navarro, Rona O.

Pama, Juliah Neil G.

Real, Trisha Anne SP.

Tapang, Marion Cedric Emanuel V.

Tonido, Sophia Margareth SM.

Kurso at Taon:

BSBA BE 1-1

Ipinasa kay:

Dr. Christine Moreno

Dalubguro ng Panitikang Filipino


PANAHONG ABORIHINAKAL NG PANITIKANG FILIPINO

Bago pa dumating ang mga Kastila sa mga isla ng Pilipinas, mayroon na tayong sariling
kalinangan sa ating pamayanan. Mayroon tayong sariling konsepto ng pamahalaan (na tinatawag
na barangay), mga sariling batas, pananampalataya o paniniwala, panitikan , sining at wika.
Pinatunayan ito ng mga Kastilang manlalakbay na nagsulat ukol sa Filipinas (binigay na
pangalan sa mga islang natagpuan nina Miguel Lopez de Legaspi) gaya ni Padre Pedro Chirino
na isang prayleng misyonaryo na nakasama ng mga Kastila sa paglalakbay sa Pilipinas.
Nakasulat sa kanyang Relacion de las Islas Filipinas noong 1604 na may sinaunang sistema ng
pagsulat na tinatawag na alibata (o tinatawag ding baybayin).

Ang pagsulat ng sinauang sistema ng pagsulat ay patindig, buhat sa itaas pababa at ang
pagkasunod-sunod sa talata ay buhat sa kaliwa pakanan. Ito ay sinusulat sa mga biyas ng
kawaya, mga dahon, at mga balat ng mga punungkahoy at gumagamit ng matulis na bakal bilang
panulat.

Si Antonio Pigafetta, isang misyonaryong iskolar na kasamang naglakbay kay Ferdinand


Magellan, ay naglista ng mga katutubong bokabularyo at nagsuiru ng paraan ng mga ito. Noong
1610, naglimbag si Tomas Pinpin ng isang manuskrito sa Sebuano na batbat ng kamalian.

Ang Tagalog ay pinakamaimpluwensyang wika sa buong Pilipinas dahil ayon kay Padre
Chirino, ito ay may pagkahawig sa Ebrero, Griyego, Latin at Espanyol. Hindi sumasang-ayon
ang mga etnolinggwistikong grupo lalu na ang mga Sebuano kung saan mas maraming
nagsasalita sa mga kabisayaan.

MGA SINAUNANG PANITIKANG FILIPINO

Dahil sa pagturing ng mga Kastila sa ating kultura bilang impluwensya ng mga diablo, ito
ay pinasunog ng mga prayle kaya walang natirang mga ebidensya ng sining at panitikan noong
sinaunang panahon. Ang mga panitikan na ito ay naipasa pa mula sa unang panahon hanggang sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng mga salin-dila.

Ayon kay Dr.. E Arsenio Manuel, dekano ng pokloristang Pilipino, makabubuting ang
panitikang bayan ay binubuo ng mga mito, alamat, kuwentong-bayan, awiting-bayan,
dulang-bayan, salawikain at bugtong. Isinama din ni Dr. Damian Eugenio ang epiko. Ibinilang
din ni Dr. Jose V. Panganiban ang bulong, tanaga, palaisipan, at kasabihan. May iba naman
isinama ang kuwentong kababalaghan, talinghagam palaisipan at larong-bata.
A. MITO

Ang mito ay isang salaysay ng mga nagawa o kabayanihan ng mga diyos at espiritu
sa lupa, sa langit o sa ilalim ng lupa. Ang daigdig at ang mga nagawa ng mga diyos sa
mito ay isang kalikasan at huwaran para sa daigdig ng tao. Dala ng kakulangan din ng
kaalamang makaagham, ang mga penomena o ang mga nangyayari sa kalikasan ay
kanilang napapaliwanag sa malikhaing pagsasalaysay.

Halimbawa:

1) Kung Paano Dumami ang mga Tao – Mito ng mga Igorot ng Bontoc
2) Bakit Maliwanag ang Araw kaysa Buwan – Mito ng mga Kapangpangan
3) Pinagmulan ng Lahi – Mito ng mga Bisaya
4) Pinagmulan ng Daigdig – Mito ng mga Maranao

B. ALAMAT

Ang alamat ay isang salaysay ng hindi-karaniwang pangyayari ng ipinapalagay ng


totoong naganap na kadalasan na kaugnay ng using lugar at naglalahad ng tungkol sa
pakakita sa mga engkanda, multo, demonyo, at mga katularin. Payak ang pagkakabuo
kung saan naglalaman ito ng isang paksa at karaniwang kaugnay ng isang tiyak na lugar
sa tiyak na panahon. Maaari itong salaysay ng pinagmulan ng mga hayop, bagay, pook, at
iba pa.

Halimbawa:

1) Ang Alamat ng Bukal sa Mabinay – Alamat mula sa Negros


2) Alamat ng Daragang Magayon – Alamat mula sa Bikol
3) Alamat ni Ango, Ang Nanigas na Manobo – Alamat mula sa mga Manobo

C. AWITING BAYAN

Ang awiting-bayan ay nagiging awit kung ito ay nagpasalin-salin sa ‘maraming


bibig’ at mga pook at kung sa katagalan ng panahon ay hindi na matunton kung sino ang
lumikha nito. Mauuri ang mga ito base sa paksa at okasyon nito:

a) Ang siasid (Tiruray), tagumpay at kumintang (Tagalog), at bugayot


(Ilongot) ay awiting pakikidigma.
b) Ang an-naoy (Igorot), na tungkol sa pagtatayo ng mga palayan sa gilid ng
bundok (rice terraces) at tub-ob (Manobo), na tungkol din sa pag-aani, ay
mga awiting paghahanap-buhay.
c) Ang harana (Tagalog) ay isang pananawagan ng isang binate sa
pinipintuhang dalaga sa tapat ng bintana na karaniwang sinasaliwan ng gitara,
samantalang ang layew (Pangasinense) ay isang awiting ng pagpuri
pagkaraang paakyatin na sa bahay ang nanghaharana. Ang lakitan (Maranao)
ay isa pang awitin na nagsasaysay ng isang kabataang lalaki na humuhiling sa
kanyang ina na hingin na nito ang kamay ng dalagang kanyang nililigawan.
d) Ang oyayi ay awiting pagpapatulog ng bata
e) Ang sambotani ng mga Mangyan ay awiting pagdiriwang sa pagbitay ng
kaaway na nabihag
f) Ang soliranin at talindaw ay awiting paggaod at paglalakbay sa dagat.
g) Ang diona ay awit pangkasal
h) Ang Kundiman ay awit sa pag-ibig.
i) Ang papuri ay awit sa paghahanda.
j) Ang siday ay dinadaan naman awit-pagpaparangal ng kagandahan ng isang
babae.

Halimbawa:

1) Bahay Kubo
2) Magtanim Ay Di Biro
3) Leron Leron Sinta
4) Paru-parung Bukid
5) Sitsirisit
6) Carinosa ng Bisaya
7) Sarong Banggi ng Bikol
8) Ili,Ili, Tulog Anay ng Ilonggo

D. DULANG-BAYAN

Ang dulang-bayan ay isang pagpapahayag sa pamamagitan ng pagkilos o galaw


na kadalasan ay sinasaliwan ng musika o sinasabayan ng awit. Karaniwang ito ay isang
sayaw at ritwal. Masasabi ng ilan na ang larong-bata na may paggagaya sa kalikasan o
kaya’y sa payak na mga karanasan ay masasabing simula ng mga dulang-bayan.

Halimbawa ng mga sinaunang dula sa Pilipinas:

1) Ginum – isang tunggaan o isang pinaghahandang pagdiriwang na umaabot ng


apat na araw. Ito ay iniaalay ng mga Bagobo sa kanilang mga diyos, lalo na
kay Pamulak Manobo, ang Diyos ng buhay at tagapagkaloob ng mabuting ani,
ulan at hangin.
2) Sinurog – isang magulong sayaw sa Antique pagkatapos ng kasal. Pawang
mga lalaki dito ay nakabuntot sa mga ikakasal hawak-hawak ng
nakadekurasyong sibat, gulok o balaraw, at iba naman ay dala ang tambol at
ibang instrument habang lumulundag, sumisigaw at iwinawasiwas ang
kanilang mga sandata na waring nilalabanan.
3) Wayang Orang o Wayang Purwa – ito ay impluwensya ng mga Indones na
pinipilahan sa Kabisayahan. Ito ay binubuo ng mga maliliit na banghay na
nilalagyan ng sayaw at tugtog. Gumagamit sila ng mga puppets.
4) Embayoka o Bayok – isang uri ng dula ng pagtatalo na kahawig ng
balagtasan ng mga taga-Lanaw at Moro.

E. KARUNUNGANG-BAYAN

Ito ay ang mga pahayag na patula ng mga sinaunang Pilipino na ang layunin ay
magbigay ng aral, magbigay-diin sa kaalamang pambalana, sumubok ng kayamanin
larawang-diwa, papag-isipinh malalim ng isang tao, magpasintabi sa mga di-nakikitang
kapangyarihan at magpakitang gilas sa pagtula.

a) Salawikain – ayon kay Lumbrera, ang binibigyang-diin ng mga ito ay ang


ibinibigay ng aral at hindi ang pinagsalaminang mga salita.
b) Kasabihan – isang patulang pahayag na pangpapagunita ng mga pang-araw-
araw na katotohanan sa buhay o kaya’y ng mga katangian at kalagayan ng tao.
c) Bugtong – isang pahayag na may sukat at tugma naglalaman ng talinhagang
inilalarawan na kailangan agad kilalanin.
d) Palaisipan – isang pagkalahad ng sitwasyon o suliranin sa paraang tuluyan na
kailangan ang ganap na kalutasan. Payak at talinhaga ang palaisipan kaya
mag-iisip na pamanuri ang mga sinaunang katutubo sa Pilipinas.
e) Bulong – isang may tugmang usap na nagpapasintabi sa mga hindi nakikitang
kapangyarihan tulad ng lamang-lupa, masasamang espiritu, at iba pang
mahahalagang likha ng imahinasyon.
f) Talinghaga – isang taludturan na may sukat at tugam hinggil sa isang bagay o
kaisipan na ipinahihiwatig sa alegorya o metapora. Nagpapakilala ng isang
patibay ng kalaliman ng pag-iisip ng mga nangaunang Pilipino na hanggang
sa ngayon ay naririnig pa sa mga probinsya.
g) Tanaga – isang pagpapahayag sa isang taludturan na binubuo ng apat na linya
na may pitong pantig ang bawat isa. Naglalaman ito ng mga katutubong
pilosopiya, pangangaral at sermon.

F. EPIKO

Dala ito ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipijas ang mga epiko. Ito’y ang mga
mahahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Naglalaman ang mga epiko ng mga pangyayaring di-kapanipaniwala.
Mga katangian ng Epiko:

1) Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sarilinh kwento


2) Pagtataglay ng agimat o anting-anting sa pangunahing tauhan
3) Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal
4) Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan
5) Patuloy na pakikipagdigma bilang bayani
6) Pamamagitan ng bathala para matigil ang laban
7) Pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo
8) Pagkamatay ng bayani
9) Pagkabuhay na muli ng bayani
10) Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan
11) Pag-aasawa ng bayani

Halimbawa ng Epiko:

1) Biag ni Lam-ang (Ilokano)


2) Hudhud ni Aliguyon(Ifugao)
3) Ibalon (Bikol)
4) Hinilawd ng Panay ang pinakamalapit na pagkakahawig na epiko sa
Kabisayahan
5) Tuwaang (Manobo)
6) Bantugan at Darangan (Moro)

Reperensya:

 Rubin, L. T., Casanova, A., Gonzales, L. F., Marin, L. C., & Semorlan, T. P. (2001).
Panitikan sa Pilipinas. Lungsod ng Quezon: Rex Printing Company, Inc.

 Panganiban, J. V., Panganiban, C. T., & Matute, G.E. (1982). Panitikan ng Pilipinas.
Bedes Publishing House.

 Mag-atas, R., Lorenzo, C., San Juan, G., Austero, C., De Leon, Z., San Juan, C., Mateo,
E., Gutierrez, R. & Cabaysa, W. (1994). Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo).
Lungsod ng Valenzuela: 24k Printing Co., Inc.

 Cruz, E., Emulla, S., Fortes, P., Funtano, H., & Gonzales, A. (1991). Panitikang Bayan.
Lungsod ng Quezon: Cintoner Printing, Inc.

You might also like