Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Proyekto sa Filipino

1.Uri ng panitikan- tukuyin ang uri ng panitikan (tula, sanaysay, maikling kwento, pabula, parabula,
awit, korido) at ipaliwanag kung bakit sa palagay mo iyon ang tekstong nabasa mo. Ang uri
ng panitikan na nasa kwento ng buto ng mustasa ay maikling kwento sapagkat ito ay nagtataglay ng isang
problema.Ang problema kinaharap sa kwento ng buto ng mustasa ay ng namatay ang kapanganayang
anak ng isang babae.

2.Layunin ng akda- sa palagay mo, bakit isinulat ang teksto? ano ang layunin ng ganitong uri ng akda?
Isinulat ng may akda ang teksto upang ipahayag na ang lahat ng bagay ay may wakas o katapusan. Isa pa
rito ay hindi mo pwedeng ibalik ang nakaraan na nangyari na o nakalipas na.

3.Tema o Paksa- tungkol saan ang teksto? ito ba'y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at
mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa? Ang teksto ay
tungkol sa isang babae na may anak na namatay at gusto nya itong mabuhay lmuli kaya't kinausap niya si
bathala at sabi ni bathala na tumungo ka sa lungsod at magbahay bahay at dalhin mo sa akin ang buto ng
mustasa ngunit hindi ito nadala ng babae at may sinabi si bathala "sa buong daigdig ng tao at sa buong
daigdig ng mga diyoses ito lamang ang batas: lahat ng bagay ay may wakas", ito ay makabuluhan,
napapanahon, makatotohanan, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa ito ay
makabuluhan dahil may aral na makakapagmulat sa isip ng mga tao na may wakas lahat ng bagay, ito ay
napapanahon dahil hanggang ngayon ganito parin ang sitwasyon ng mga tao na namatayan at gusto nila
itong muling mabuhay, makatotohanan ito dahil ito'y minsan nangyayari na may tao na nakakausap ang
diyos at lahat naman talaga ng tao ay may katapusan, magaangat o tutugon ito sa sensibilidad ng ng
mambabasa dahil maiisip ng tao na hindi mo pala magagawa lahat ng gusto mo.

4.Mga tauhan- ilarawan ang mga mahahalagang tauhan, ipaliwanag ang kaniyang ibinigay mo. Ang
mga tauhan sa kwento ay ang babae, ang kaniyang anak at ang kanilang kinikilalang diyos na si buddha.
Ang karakter ng babae sa teksto ay ang ina na namatayan ng anak at siya rin ang humingi kay bathala na
mabuhay ulit ang kanyang anak, Ang karakter naman ng anak sa teksto ay siya ang anak ng ina na
namatayan ng anak at siya rin ang namatay sa teksto, Ang karakter naman ni buddha ay ang diyos na
pinaniniwalan sa teksto, siya rin ang nagutos sa babae na tumungo sa lungsod at magbahay bahay, kunin
nya ang buto ng mustasa at higit sa lahat siya rin ang nagsabi na "sa buong daigdig ng tao at sa buong
daigdig ng mga diyoses ito lamang ang batas: lahat ng bagay ay may wakas."

5. Balangkas ng mga pangyayari- kumentuhan ang istorya ng kwento, gasgas na ba ang ganitong
pangyayari o istilo sa mga akda? may kakaiba ba sa nilalamang taglay? may natutunan ka ba sa
nilalaman ng akda? Ang kumento ko sa
istorya ay ito ay medyong gasgas na at ito ay naipakita na sa ibang mga istorya at mayroon naring
ganitong istilo na aking nabasa na tulad sa pagtalakay sa mga diyos, walang kakaibang taglay ang istorya
dahil ang ibang pangyayari at tauhan ay mayroon ganitong karakter at taglay, Ang aking mga natutunan
sa aking tekstong nabasa ay lahat ng bagay ay may wakas at hindi mo makukuha ang lahat ng iyong
gusto.

6.Mga kaisipan/ideyang taglay ng Akda- ano ang mensahe? sang-ayon ka ba o hindi? ito ba ay
makatotohan sa lahat ng tao at lipunan? ipaliwanag. Ang
mensahe ng akda sa teksto ay dapat nating tanggapin ang lahat ng ating pagsubok na kakaharapin ay
lahat ng bagay ay msy katapusan, Sang ayon ako sa mga ibinibigay na aral sa kwento dahil hindi naman
talaga lahat ng bagay ay ating makukuha at dapat nating tanggapin ang ating mga pagsubok,
makatotohanan ito sapagkat totoo ang mga sinasabi sa tekstong aking nabasa at ito ay nangyayari sa
lahat ng tao st kung hindi pa nangyayari mangyayari parin ito dahil lahat naman ng ating mga mahal sa
buhay ay may katapusan.

You might also like