Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pilipino Commercials

Uni-Pak

1. Kaya ko po ito napili dahil nakakatuwa ang


linyang binitawan ng ating pambansang kamao na
si Manny Pacquiao. Isa din ito sa mga paboritong
produkto ng aking Ina.

2. Ginamit nila ang isa sa mga sikat na boksingero


para maging kahikahikayat ang produktong
ibinahagi, ginamit nila ang pagkapalabiro ng ating
pambansang kamao para mas lalong maaliw ang
mga nanonood.

Lucky Me

1. Napili ko ito dahil paborito ko ito kainin lalo na


kapag may sakit o d kaya’y taglamig. Nakakapukaw
ng atensyon ang patalastas na ito dahil nakakatuwa
panoorin ang batang gumanap sa patalastas dahil
naiuugnay niya ang aking pagkabata noon.

2. Sa pamamagitan ng determinasyon sa sarili na


ipinakita ng bata na gumanap sa patalastas, pwede
maging inspirasyon ito sa mga bata at
maimpluwensyahang bumili ng produktong ito.
Nakakatuwa din ang mga linyang binitawan ng
bata at isa din ito sa dahilan para mahikayat ang
mga nanonood

Ariel

1. Napili ko itong patalastas na ito dahil nakakatuwa


ang kantang pinakita at nakakapukaw ng atensiyon
dahil bawat liriko ay mapapakanta ka.

2. Lumikha sila ng kanta upang maaliw at


mahikayat ang mga nanonood. Gumawa sila ng
malikhaing pamamaraan upang sa ganon ay
maimpluwensiyahan ang mga nanonood upang
mabili ang produkto.
Choco Topps

1. Napili ko ito dahil nakakatuwang tignan ang mga


kakulitan ng mga batang gumanap sa patalastas at
isa din ito sa mga paborito ko noong bata pa ako.

2. Ginamit nila ang mga batang makukulit at


lumikha ng kanta upang maaliw ang mga batang
nanonood. Makikita sa patalastas na masaya
silang kumakain ng “Choco Topps” upang
maimpluwensiyahang bumili ang mga bata o mga
nanonood.

Cornetto

1. Napili ko ito dahil nakakatuwang panoorin ang


lalaki kung paano niya napapangiti ang babae sa
pamamagitan ng kanyang mga biro na tila
napupunta sa kilig. Paborito kong bilin ang
produktong ito sa tuwing wala ako makain sa gabi.

2. Lumikha sila ng isang dula-dulaan kung saan ay


makakaugnay ang mga kabataan o mga may edad
na gustong umamin sa kanilang hinahangaan. Sa
patalastas na iyon ay ginamit ang “Cornetto” upang
maamin ang nararamdaman ng lalaki sa babae at
makakahikayat ito sa madla o mga nanonood.

Milo

1. Pinili ko ito dahil lagi ko itong iniinom araw-araw


sa umaga bago pumasok.

2. Kumuha sila ng isang sikat na artista upang


mapadaling mahikayat ang manonood. Sa
pamamagitan ng sayaw at kanta, nakakapukaw ito
ng atensiyon at maaalok ang mga nanonood na
bumili ang produktong binahagi.

You might also like