Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang hapon sa inyong lahat.

Naririto po ako sa iinyong harapan ngayon upang


magsalaysay ng aking talumpati tungkol po sa pamilya.
Pamilya, bigyan natin ng oras upang pagisipan natin kung bakit ito importante? At kung
ano halaga nito sa inyo?
Ang pamilya, para sa akin, ay tungkol sa relasyon. Relasyon tungkol sa pamilya’t
pagmamahal, pagbigay at pagtanggap, pagrespeto’t pag-uunawa, pagtiwala’t
pagkakatiwalaan. Ito’y tungkol sa pagbigay ng moral na suport sa oras ng may
hakbang.
Halos lahat tayong mga kabataan ngayon ay hindi na ito binibigyang halaga. Minsan
tayo’y nagagalit sa kanila dahil sa kahit anong rason, pero dapat itaga natin sa utak
natin na ang buhay ay maikli lamang. Habang may oras pa ipakita natin sa kanila na
mahal natin sila’t pinapahalagahan natin sila. Wag sayangin ang oras, araw, linggo’t
taong binigay ng diyos sa inyo.
Ang pamilya ay ang pinaka-espesyal na bagay na meron tayo. Ang mga kaibigan natin
ngayon, ay maaaring hindi na natin maging kaibigan sa hinaharap. Walang halaga ang
pamilya, ni kahit sino man ay hindi makakabili nito.
Bago ko pong tapusin ang aking talumpati meron po akong istoryang sasabihin sa inyo.
Tungkol ito sa hiniram na plato.
Storya han hinuram nga plato...
Dalawamput anim na taon ang nakalipaas, May isang lalaki na pumunta sa isang
bahay, Humihingi ng pahintulot sa mag asawa para humiram ng plato. Kahit hindi
pwede ipahiram, pinayagan parin kasi maganda yung kundisyon na sinabi niya .
Nagtanong yung kanyang hinihiraman...
Bakit mo ba gustong hiramin ang aming plato?
Sagot ng lalake…
Kasi maganda't elegante kasi ng inyong plato. Kung ako'y inyong payagan na hiramin
ang inyong plato, papaghirapan ko na palaging may laman na pagkain at magiging
maingat ako nang hindi ito mabasag
Pinayagan ng mag-asaw na ipahiram ang plato sa lalaki, pero konting pulong ay
kanyang binitawan. Sabi niya...
Ipapahiram ko tong plato namin sayo kung iyong tutuparin lamang ang mga kundisyon
na sinabi mo kanina
At kung isosoli mo na sa amin, sana hindi pa basag, At kung basag naman sana wala
na kami dito sa lupa, kasi itong platong to'y aming inalagaan, ito rin ang pinaka una
naming kayamanan
Dahil sa pursigido yung humihiram, nadala niya ang plato na maganda naman yung
kalagayan.
Maraming taon ang nakalipas, maraming istorya ang nakarating sa mag asawa na
hiniraman, Dahil daw sa platong hindi naman inaaruga ng maayos, may araw na hindi
nalalagayan ng pagkain may araw na halos pa bitawan.
Pakibalik nalang ng plato namin baka lubusan pang magiba, tatanggapin parin namin
yan kahit may nawalan na ng parte. Pulong ng hiniraman sa lalaki na humiram.
Ngayon, Ito na yung kanilang pinakatatakotan, Nabasag yung plato kasi hindi inaruga
ng maayos, hindi natupad ang kaniyang kundisyon na kanyang pag-aarugahan.
Nabalutan ng pag sisisi ang mga puso ng mag-asawa, nanhihinayang talaga sila kasi
natanggap nila na wala nang halaga.
Itong istorya ko para to sa mga lalake na nagpaplanong humiram ng plato, sana kapag
binigyan na kayo ng pahintulot alagaan niyo sana ng maayos, paghirapan niyo na
palaging may lamang pagkain, at alagaan niyo na hindi mabasag kasi dito makikita
kung ano kang klase mag-alaga sa iyong hiniram na plato.
Salamat sa inyong pakikinig

You might also like