Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SAN MIGUEL VILLAGE SCHOOL

San Miguel Village, Pala-o, Iligan City


Ikalawang Markahang Pagsusulit
Filipino 8
SY 2018-2019

PAALALA: PANATILIHING MALINIS ANG PAPEL!

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: ________________ Iskor: __________


Oras ng Pagsisimula at Pagtatapos: ____________ Pangalan ng Proktor: ____________________

I. MARAMING PAGPIPILIAN

A. Panuto. Kahunan ang titik ng pinakatamang sagot.

1) Ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?


a) damdamin b) sukat c) taludtod d) tugma
2) Sa larangan ng pagtutula, ano ang tawag sa sa malayang pagpapahayag ng ideya at damdamin, at
hindi nangangailangan ng tugma?
a) Blangko Berso b) Modernista c) Tradisyonal d) Wala sa mga nabanggit
3) Sino ang may katha ng “Bayan Ko”?
a) Jose De Jesus c) Jose Reyes Corazon De Jesus
b) Jose Corazon De Jesus d) Jose Corazon Reyes De Jesus
4) Sa anong panahon naisulat ni Jose Corazon de Jesus ang kanyang tulang “Isang Punongkahoy”?
a) Amerikano b) Espanyol c) Hapon d) Katutubo

B. Para sa bilang 5-8 basahing mabuti ang sipi mula sa tula. Sagutin ang tanong ukol dito.

Ang Pamana
“Ngunit Inang,” ang sagot ko,” ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw”.

5) Sino ang nagsasalita sa tula?


a) anak b) Diyos c) ina d) Lahat ng nabanggit
6) Ano ang kahulugan ng pamana ayon sa pagkakagamit nito sa akda?
a) huling habilin
b) pagmamahal ng anak sa kanyang ina
c) kayamanang materyal
d) paghiling sa Diyos na maging pamana ng ina ang kanyang anak
7) Anong uri ito ng tula?
a) Blangko Berso b) Modernista c) Tradisyonal d) Wala sa mga nabanggit
8) Ano ang iyong gagawin kung sakaling naghahabilin na ang iyong ina sa iyo?
a) Makinig nang mabuti, sundin at ipanalangin sa Diyos ang nangyayari.
b) Ipagwalang bahala ang nangyayari.
c) Sundin ang kanyang mga tagubilin.
d) Ipasa-Diyos na lamang ang lahat.

C. Para sa bilang 9-12, basahin ang mga sumusunod na pangungusap at sagutin ang mga tanong.

I. Ikinasal si Teñong at Julia nang malaman ni Miguel na walang sugat si Teñong.


II. Dinakip at pinatay ang tatay ni Teñong.
III. Nagbuburda si Julia nang dumating si Teñong.
IV. Lumapit si Julia kay Lukas upang humingi ng tulong upang di matuloy ang kasal niya.

9) Ano ang pangalawang pangyayari?


a) I b. II c. III d. IV
10) Ano ang huling pangyayari?
a) I b. II c. III d. IV
11) Anong pangyayari ang nag-udyok kay Tenyong na maghiganti?
a) II b. II at I c. II at III d. IV
12) Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
a) III, IV, II, I b. III, II, IV, I c. III, II, I, IV d. III, I, II, IV
13) Ito ay ang saglit na pagtigil sa gitnang bahagi ng taludtod?
a) sesura b) tugma c) pakopya d) sensura
14) Sino ang may-akda ng sarswelang “Walang Sugat”?
a) Jose dela Cruz c) Severino Reyes
b) Jose Corazon de Jesus d) Lope K. Santos
15) Sa dulang “Walang Sugat,” bakit naghigante ang pangunahing tauhan?
a) dahil inapi siya ng mga guwardiya-sibil
b) dahil binastos ng mga prayle ang kanyang kasintahan
c) dahil sa sinapit ng kanyang ama sa kamay ng mga relihiyoso
d) dahil kinamumuhian niya ang mga Kastila
16) Ang tula ay hindi matatawag na tula kung wala itong kariktan. Ito ay ayon sa isang kilalang
manunulat na Pilipino. Sino ito?
a) Alejandro G. Abadilla c) Julian Cruz Balmaceda
b) Virgilio Almario d) Macario Pineda
17) Ano ang tawag sa dulang komedya o melodrama na may kasamang awit at tugtog na nahihinggil
sa mga punong damdamin?
a) Saynete b) Bodabil c) Sarswela d) Moro-moro
18) Ano ang tawag sa mga pahayag na binubuo lamang ng isa o dalawang pantig na naghahayag ng
matinding damdamin?
a) maiikling sambitla b) mga panlapi c) mga parirala d) hugnay
19) Anong uri ng dulang pantanghalan ang lumaganap noong panahon ng mga Amerikano na halos
wala nang istorya at puro kantahan at sayawan na lamang.
a) Moro-moro b) stage show c) parse d) komedya
20) Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos?
a) panghalip b) pandiwa c) pangngalan d) pang-uri
21) Ano ang tawag sa pag-iisip na karaniwang tinataglay ng isang bansang naging kolonya ng isang
makapangyarihang bansa?
a) superiority complex c) kolonyal na pag-iisip
b) crab mentality d) inferiority complex
22) Sino ang umakda ng sanaysay na “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino”?
a) Jose dela Cruz c) Severino Reyes
b) Jose Corazon de Jesus d) Lope K. Santos
23) Sa akdang nabanggit sa bilang 22, ano ang tinutukoy na sakit na talamak na sa ating lipunan?
a) kanser b) korapsyon c) amerikanisasyon d) HIV/AIDS
24) Anong halimbawa o ilustrasyon ang ginamit ng may-akda upang ipakita na talagang laganap na
ang Amerikanisasyon at pagkakaroon ng kaisipang kolonyal ng mga Pilipino?
a) pagtangkilik sa mga produkto ng ibang bansa
b) paggamit ng wikang Ingles sa bahay at sa paaralan
c) pag-iisip na mas superior ang ibang lahi kaysa sariling lahi
d) paggamit ng sariling wika sa lahat ng antas ng komunikasyon
25) Ito ang isa sa pinakamalaking tungkuling dapat gampanan ng mga Pilipino sa hinaharap ayon
kay Pineda. Ano ito?
a) paglaban sa korapsyon c) de-Amerikanisasyon
b) pag-iwas sa crab mentality d) wala sa nabanggit
26) Ang tula ay isang akdang pampanitikan na itinuturing na isa pinakamagandang uri nito. Alin sa
mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi tungkol katangian at kahulugan ng tula?
a) Ang tula ay naglalarawan ng buhay
b) Ang tula ay pagpapahayag ng damdamin
c) Ang tula ay nagtataglay ng indayog at kariktan
d) Lahat ng nabanggit
27) Sa anong dalawang salita hinango ang salitang sanaysay?
a) sanay at saysay c) sanay at salaysay
b) sanay at kasaysayan d) sanay at kasiyahan
28) Sinong kilalang manunulat na Pilipino ang nagwika na ang sanaysay ay nakasulat na salaysay ng
isang sanay sa pagsasalaysay?
a) Alejandro Abadilla c) Severino Reyes
b) Jose Corazon de Jesus d) Lope K. Santos
29) Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa katangiang taglay ng isang sanaysay maliban sa isa. Ano
ito?
a) Nagpapahiwatig sa sariling pananaw, kuro-kuro o damdamin ng may-akda
b) Nahahati sa tatlong mahahalagang bahagi at mayroong tinatawag na banghay
c) Ang simula nito at tumatawag o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa
d) May layuning mangaral
30) Ang panahon kung kailan naganap, ginaganap, o gaganapin ang isang kilos ay tinatawag na ano?
a) pokus ng pandiwa c) kaantasan ng pandiwa
b) aspekto ng pandiwa d) kailanan ng pandiwa
31) Ito ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, o nagsusuri. Ano ang tawag sa
pagpapahayag na ito?
a) pagsasalaysay c) pangangatwiran
b) paglalarawan d) paglalahad
32) Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay magkuwento. Ano ito?
a) pagsasalaysay c) pangangatwiran
b) paglalarawan d) paglalahad

D. Para sa bilang 33-37, kilalanin kung anong uri ng paglalahad ang ginamit sa sumusunod na
mga pahayag. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at ilagay sa nakalaang linya.

a. Pag-iisa-isa b. Pagsusuri c. Sanhi at Bunga


c. Paghahambing at Pagsasalungatan e. Pagbibigay ng Halimbawa

___ 33) Ang pagkamakabayan ay pagpapahalagang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.


___ 34) Ang taong makabayan ay may katangiang kagaya ng mga sumusunod:
a. umatangkilik sa sariling produkto
b. nagmamalaki at gumagamit ng sariling wika
c. nag-iisip at gumagawa para sa bayan
___ 35) Kung ang lahat ng Pilipino ay magiging makabayan, mabilis na uunlad an gating bansa.
___ 36) Ang taong makabayan ay yaman ng bansa samantalang problema ang mga taong walang
pakialam.
___ 37) Ang isang taong makabayan ay nakatutulong sa bansa. Makikita ito sa kanyang mga bunga.
Isang produktibong mamamayang nagdadala ng karangalan hindi lamang sa kanyang sarili
kung hindi maging sa kapwa Pilipino.
___ 38) Ano ang tawag sa isang taong mahusay sa pagsulat at pagbigkas ng tula?
a) makata b) manunulat c) manananaysay d) tagapagsalaysay
___ 39) Ito ang pinakatema o isyung pinagtatalunan ng mga kalahok sa isang balagtasan. Ano ito?
a) paksa b) tauhan c) lipunan d) nilalaman
___ 40) Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa sining ng pagbigkas nito?
a) kariktan b) indayog c) tono d) tugma at sukat

II. MODIPIKADONG TAMA O MALI

Panuto. Tukuyin kung ang pahayag ay tama sa pamamagitan ng paglalagay ng Haiˀ. Kung mali
naman ay lagyan ng ekis ang salitang nagpapamali rito at ilagay sa nakalaang patlang ang
tamang salita.
______________ 41. Maaaring makasulat ng isang magandang paglalahad ang isang taong may
limitadong kaalaman sa paksang nais sulatin.
______________ 42. Sa pagsulat ng simula ng isang sanaysay, kinakailangang ito’y nakatatawag ng
pansin o nakapupukaw ng damdamin.
______________ 43. Ang sanaysay ay mayroong dalawang pangkalahatang uri – ang pormal o personal
at impormal o maanyo.
______________ 44. Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Latin na essayer.
______________ 45. Ang kolonyal na mentalidad ay ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga
produktong gawa ng ibang lahi.
______________ 46. Si Severino Reyes ay isang banyagang manunulat na kilala sa sagisag na Lola
Basyang.
______________ 47. Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat at pagsang-
ayon.
______________ 48. Ang pagsalungat ay ang pagtanggap, pagtaliwas, pagtutol sa isang pahayag o
ideya.
______________ 49. Ang diyalogo ang pinakamahalagang elemento ng isang tulang pantanghalan.
______________ 50. Ang balagtasan ay hinango sa isa pang anyo ng panitikan – ang sanaysay.

III. APLIKASYON

Panuto. Ibigay ang mga aspekto ng mga salitang-ugat na nasa unang kolum ng talahanayan.
Isaalang-alang ang mga panlaping giamit.

Salitang-ugat Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo


gala (-um-)

lahok (-in-/-an)

kayod (-in-)

ugat (pinag-/-an)

alaala (nag-)

IV. PAG-UNAWA

Panuto. Bigyang kasagutan at paliwanag ang mga sumusunod.

71-74) Bakit nasabi ng may-akda na hindi makapagtatayo ng isang tunay na republika ang mga Pilipino?
Magbigay ng mga patunay na nabanggit sa akdang “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino.”
76-80) Gamit ang isang talahanayan (table), ilahad ang dalawang paraan ng pagbibigay ng opinyon –
pagsang-ayon at pagsalungat. Magbigay ng tigtatatlong halimbawa ng mga hudyat na
ginagamit.

GOOD LUCK!   

You might also like