Professional Documents
Culture Documents
Apat Na Himagsik Ni Balagtas PDF
Apat Na Himagsik Ni Balagtas PDF
ni Francisco Balagtas at
Ibá pang Sanaysay
Lope K. Santos
Virgilio S. Almario
Editor
Rolando T. Glory
Katuwang na Editor
Santos, Lope K.
Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas at Ibá
pang Sanaysay / ni Lope K. Santos ; editor, Virgilio
S. Almario ; katuwang na editor, Rolando T. Glory.
– Metro Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, [2016],
c2016.
pages ; cm
ISBN 978-971-0197-98-9
Inilathala ng
Palatulaang Tagalog 85
SI BALAGTAS, ANG PANITIKAN,
AT SI LOPE K. SANTOS
ni Virgilio S. Almario
1
nang hindi inilagay ang pangalan ni L.K. Santos bílang awtor,
kayâ hindi ako magtataká kung may bumanggit ngayon sa
sanaysay na ito nang ibá ang kinikilálang may-akda.
Ferndale Homes
4 Setyembre 2016
18
mangilak ng mga abuloy, humingi ng tulong, at mag-anyaya ng
pakikisáma upang lalong maging maringal ang mga pagdiriwang.
Isa sa malalaking tanggapan ng Pamahalaang minarapat ng
tinurang Lupon na dulugan at anyayahan, ay ang Kagawaran
ng mga Kagalíngang-Bayan. Mataimtim na dininig ng butihing
Ginang, na noo’y namumunò sa nasabing kagawaran, ang pag-
aanyaya at mga paliwanag ng Lupon, at pagkatapos ay ganito,
kumulang-humigit, ang kaniyang naging kasagutan: “Paano po
makikisáma at maggugugol ang pamahalaan sa mga pagdiriwang
na inyong binabalak, una-una, ay hindi naman isang bayani ng
bansa si Francisco Baltazar, na gaya bagá nina Rizal, Bonifacio, at
ibá; ikalawa, si Balagtas ay opo’t magalíng nang makata, ngunit
siyá’y manunula sa wikang Tagalog, na isang bahagi lámang ng
Sangkapuluan, at sa ngayo’y hindi pa man wikang pambansang
Filipino, kundi hamak na batayan pa lámang nitó. Dinaramdam ko
nga pong ang Kagawarang ito ay hindi makapagpaunlak sa inyong
kahilingan.”
a)panahong katutubo;
b)panahon ng pananampalataya;
k)panahon ng himagsikan; at
d)panahon ng kalayàan
Bakit ganito?
MASAYÁNG PANANAGALOG
61
bagaman may di-iilan pa ring dalubhasa na nagsasabing ang lalong
akma’y Palatitikan.
Kung noong wala pa rito ang mga Español ay may sarili na táyong
mga titik at kasulatan—dalawang bagay na di-maaaring di may
mabubuong panitikan; bukod sa nagkapasalin-salin sa mga bibig,
ay ang mga nauukit pa’t naguguhit sa mga talagang sulatán noon—
makalilibong higit na súkat táyong magkaroon ng lalong malawak
na panitikan sa panahon ng España, pagkat sinasabing iyan na
kapagkaraka ang inalagata rito ng kaniyang pamahalaan at mga
tauhan.
1. Ang Tula
82
Sa mga lahing sílanganín, unang-una na sa Filipino, ang
tula ay isang pagkain ng diwa at pusong katutubo, higit na kaakit-
akit at kinalulugdan kaysa pagsasaysay na tulúyan o prosa. Ang
yaman ng kalikásan at ang yaman ng wika ay magkatulong na
gumagawa sa Filipinong likás na makata at likás na maibigín sa
tula. Masasabi ngang ang tula ay isang napakasarap na pagkaing
pangmaharlika at pambayan sa ganang Filipino.
2. Apat na Katangian
3. Ang Tugma
Pangkat I
Pangkat II
4. Ang Súkat
-AN o HAN
Di-hamak nalilimutan (limot-an)
Ang unang pagsisintahan (sinta-han)
-IN o HIN
Ang mabuti ay purihin, (puri-hin)
Ang masamâ’y tuligsain. (tuligsa-in)
-AN
Buong akala ko’y tuwing pista lámang
Kung maghapunin ka sa dáting libangan.
-IN
Mabuti pang ako’y huwag mong giliwin,
Nang di maragdagan yaring panimdimin.
Pantukoy: si, ni, kay; sina, nina, kina; ang, ng, sa; ang
mga, ng mga, sa mga.
Pang-ukol: tungkol, bagay, hinggil, ayon, alinsunod,
laban sa o kay; pati ang sa may.
Pang-abay: di, ga, nang, mana’y, bakâ, kaysa
Pangatnig: at, ay, o, ni, kung, pag, bagkus, maging, nang,
para, upang, sa halip ng, atbp.
May ilang makata rin naman, isa na’y ang nasirang Patricio
Mariano, na gumagámit sa mga tugmaan ng mga kataga, kung
ang agos ng pananalitâ buhat sa hulíng yugto ng isang taludtod
ay patuloy sa kasunod hanggang mabuo ang diwa o kaisipan ng
pangungusap. Subalit ang ganito’y hindi maibibílang sa mabubuting
kaugalian sa pagtula, ni di rin súkat maibílang sa mga kalayàan ng
manunulang Tagalog. Malamáng na ito’y gagad sa mga panulaang
banyaga.
Hinahanap ka pa
Kahit wala ka na,
Tíla kung gayon ba
Ay magbabalik ka.
Paniwalaan mong
Ang gálit mo’t tampo
Sa akin ay oh!
Ikamamatay ko.
Ang diwa mo’y/ sariwa rin,/ masamyo rin// ang puso mo’t/
ang dangal mo/ ay buháy pa.
Dinalaw ko araw-araw
Hábang nása pagamutan;
Walang gabí, walang araw
Na di siyáng tanging lamán
Ng puso kong laging lumbay.
Pandiwa:
Pangngalan:
aba! — ba!
ina ko! — naku! ku!
hane! — ha!
adilus! — adyus!
naku naman! — naman!
kaysarap magluto — sarap magluto!
pagkalakí-lakí! anong lakí—kaylakí!
kayrami mong salitâ!—dami mong salitâ!
ano bang tayog niyaong punungkahoy!—bantayog ng . . . !
Mahaba Maikli
1. diona
2. oyayi
3. soliranin
4. tagumpay
Naulila sa paggiliw,
Nabilanggo sa tiísin;
Bungantulog ang pagkain,
Laging luha ang inúmin.
(Pandagdag)
B. Mga halimbawain:
a) parang bato katigas ang ulo niya—pisnging mistulang
hinog na mangga sa kinis, pulá at tambok—ga-mais na bato
ang singsing—simbango ng sampagitang buhok—ang gútom
niya—y gútom-aso; amoy-pinipig
b) ang kahalimbawa ko’y ibong balî-balî ang pakpak—ang
mukha’y salamin ng kaluluwa