Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Department of Education

Region III
Division of City Schools
West District
STA. TERESITA ELEMENTARY SCHOOL
Angeles City
THIRD QUARTER TEACHER MADE ACTIVITY SHEET
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: _____________________________________ Petsa: ___________


Baitang/Pangkat : ______________ Iskor: ___________

Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon . Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod na kampanya ang tumutukoy ukol sa kalinisan ng kapaligiran?
A. “Save Mother Earth”
B. “Get High with God, Not with Drugs”
C. “Tayoý Giginhawa kung Magkakaisa”
D. “Tulungan ang Ating Mga Kapatid sa Mindanao”

_____ 2. Sa pagtawid sa mga kalsada, ginagamit ang underpass, overpass at guhit tawiran. Sino
ang pinangangalagaan ng mga ito?
A. bagay
B. hayop
C. sasakyan
D. tao

_____ 3. Ang kaibigan mong si Sarah ay hindi pumasok sa paaralan. Nagtatrabaho na siya para
sa kanyang pamilya. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa Bantay Bata 163.
B. Isumbong siya sa mga pulis.
C. Humanap ng tao na tutulong sa kanya.
D. Humanap ng pamilya na maaaring pasukan niya.

_____ 4. Dalawa sa iyong kagrupo ang ayaw sumunod sa napagkasunduan ng mas nakararami sa
inyong grupo. Ano ang gagawin mo?
A. Alisin na lamang sila sa grupo.
B. Pabayaan na lamang ang ayaw sumunod.
C. Kakausapin ko sila ng mahinahon at papaliwanagin.
D. Sa anumang pagpapasya, ang pinuno ang masusunod.

_____ 5. Alin ang hindi karapatan ng bata?


A. ang makapag-aral
B. ang pumili ng paniniwala
C. karapatang gawin kahit ano ang gusto
D. ang makapagpahayag ng sariling pananaw

_____ 6. Alin ang tama?


A. Maraming bata ang walang karapatan.
B. Bawat bata ay may karapatang dapat igalang.
C. Paminsan-minsan may karapatan ang mga bata.
D. Di kailangang magkaroon ng karapatan ang mga bata.

1
_____ 7. Si Rico ay Katoliko samantalang ang kanyang kuya ay Muslim. Iginagalang nila ang
paniniwala ng bawat isa. Anong uri ng karapatan ang ipinapakita ng sitwasyon?
A. karapatang mabuhay
B. karapatang makapag-aral
C. karapatang makapaglibang
D. karapatang makapamili ng paniniwalaan

_____ 8. Nag-uulat ang iyong kamag-aral at may narinig kang hindi tama sa iyong palagay. Ano
ang gagawin mo?
A. Hihintaying matapos sa pag-uulat ang kaklase bago sabihin ang iyong
nalalaman.
B. Sisigawan siya na mali ang inuulat niya.
C. Hahadlangan ang pagsasalita niya.
D. Hayaan na lang.

_____ 9. Ano ang iyong gagawin kung ang isang kaibigan mo ay pinagsabihan ka dahil sa
nagawa mong pagkakamali?
A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan pa.
B. Sabihan ko siya na huwag siyang makialam.
C. Makikinig at uunawain ko ang kanyang sinasabi.
D. Babalewalain ko na lang siya sa kanyang sinasabi.

______10. Sa aking palagay, ang karapatang makapagpahayag ng sariling opinion ay _______.


A. para sa mga lolo at lola lamang
B. limitado sa mga maykapangyarihan
C. natatamasa rin ng mga kabataang tulad ko
D. para sa mga mamamayang may edad 18 pataas

_____ 11. Alin dito ang karapatan ng bata?


A. Karapatang magkaroon ng salapi
B. Karapatang magkaroon ng laruan
C. Karapatang mahalin at pangalagaan
D. Karapatnag mabigyan ng libreng gamot

______12. Si Henry Sy, ang may ari ng SM, ay mahirap lamang noon ngunit nagsumikap na
makapagtapos ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at pagtitipid, nagkaroon ng
maliit na tindahan at napalago ang negosyo. Ang magandang katangian ni Henry Sy ay
______________.
A. dala lamang ng suwerte ang nangyari sa kaniya
B. kaya ko ring tularan
C. hindi ko kayang tularan
D. mahirap tularan pa

______13. Bago nanalo si Bb. Catriona Gray ng Miss Universe noong 2018, maraming beses
siyang sumali sa mga pageant at siya ay tatlong beses na natalo. Ano ang katangiang
taglay ni Bb. Catriona Gray?
A. determinado
B. matapang
C. matatag
D. matiyaga

2
_____ 14. Mahilig sa pagluluto si Aling Remy at ang mga anak niyang dalaga. Sa maliit na
puhunan, maaari silang magtayo ng pampamilyang negosyo tulad ng ______________.
A. paggawa ng dvd
B. paggawa ng palayok
C. pagtatayo ng restawran
D. paggawa ng kalamay at iba pang kakanin

_____ 15. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?


A. Makinig sa nagsasalita.
B. Gawin ang nais na gawin.
C. Sumunod sa mga iminumungkahi.
D. Sabihin sa iba kung ano ang gagawin.

_____ 16. Inatasan ng punong guro ang bawat iskawt na manghuli ng mga mag-aaral na
nagtatapon ng mga kalat kung saan-saan. Nakita ka ng isang iskawt na nagtapon ng papel
at kinukuha ang iyong ID. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko ibibigay.
B. Hindi ko siya papansinin.
C. Makikiusap na next time na lang.
D. Ibibigay ko na lang ang aking ID.

______17. Ang mga korales sa ilalim ng dagat ay tirahan ng maliliit na isda. Dapat itong
___________.
A. kunin at gawing dekorasyon.
B. pukpukin upang lumabas ang mga isda.
C. pasabugin ng dinamita upang mahuli pati malilit na isda
D. huwag galawin upang marami pang isda ang lumaki at pakinabangan.

_____ 18. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Mangopya ng gawain ng iba.
B. Humingi ng tulong sa kaklase.
C. Hayaan ang magulang na gumawa nito.
D. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.

_____ 19. Alin sa mga pangungusap ang tamang ugali sa gawain?


A. Naglilibang ako habang nagtatrabaho.
B. Tinatapos ko ang aking gawain sa oras.
C. Ipinagpapabukas ko ang aking mga gawain.
D. Humihingi ako ng tulong upang matapos ko ang aking gawain.

_____ 20. Paano mo dapat tapusin ang gawain?


A. Ang gawain ay para lang laro sa akin.
B. Tinatapos ko kaagad ito nang maayos.
C. Ginagawa ko ito kapag ako ay inuutusan.
D. Ginagawa ko ito kahit hindi ako inuutusan.

_____ 21. Ano ang dapat maramdaman sa gawain?


A. Ayaw kong gumawa nang mag-isa.
B. Ayaw kong gumawa hanggat maaari.
C. Nahihirapan ako sa aking mga gawain.
D. Gumagawa ako ayon sa aking makakaya.

3
_____ 22. Ano ang dapat sundin upang magawa mo nang wasto ang iyong mga gawain?
A. Umiwas sa paggawa.
B. Gumawa lamang kapag inuutusan.
C. Sabihin sa iba na gawin ang gawain mo.
D. Iwasan ang paglalaro kapag may dapat tapusin.

_____ 23. Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng ibang taong gumagawa ng krimen o labag sa batas?
A. Tumahik lamang.
B. Makisali sa gumagawa noon.
C. Magpanggap na hindi mo nakita.
D. Magsumbong sa may kapangyarihan.

_____ 24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?


A. pagsunod sa mga babala
B. tumawid kapag green light
C. sasakyang maiitim ang usok
D. magtapon ng basura kahit saan

_____ 25. Magaganda ang mga bulaklak sa paligid ng monument ni Rizal. Ibig mamitas ng iyong
kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaang o siyang mamitas.
B. Sasamahan ko siyang mamitas.
C. Magkunwari na hindi ko siya kasama.
D. Pagsabihan ko siya na bawal mamitas.

_____ 26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapanatili ng kapayapaan?


A. Maraming mga sinehan na nagpapalabas ng mga may temang karahasan.
B. Nagtayo ng basketball court ang mga kabataan ngunit sagabal sa dumadaan.
C. Malinis ang bakuran ni Aling Nene ngunit tinatapon ang kalat sa kapitbahay.
D. Araw-araw bumibili ng diyaryo si Mang Ador at pagkatapos magbasa, binibigay
niya sa barangay.

_____ 27. Nakita mo ang grupo ng mga kabataan na nanira ng mga kagamitan sa paaralan. Ano ang
nararapat na gawain?
A. Sabihin ang nakita sa kinauukulan.
B. Huwag na silang pansinin at umalis na lamang.
C. Manahimik na lamang at baka saktan ka pa nila.
D. Sabihan sila na sa labas ng paaralan na lamang sila manira ng mga bagay.

______28. Ang mga hayop sa gubat ay dapat ____________.


A. hulihin at ibenta.
B. barilin at ulamin.
C. huhulihin at gawing alaga.
D. hayaang malaya upang dumami ang lahi.

______29. Ano ang gagawin mo kung nalaman mong gumagamit ng bawal na gamot ang kaibigan
mo?
A. Ipabugbog para tumigil.
B. Isusumbong sa mga pulis.
C. Papayuhan at tutulungan na magpagamot.
D. Gagayahin sa paggamit ng bawal na gamot.

4
______30. Nasalubong mo ang kaibigan mo na may dalang tirador. Sinabi niya na gagamitin niya
ang tirador sa paghuli ng ibon. Ano ang gagawin mo?
A. Kunin ang kanyang tirador at itapon.
B. Sasama ka sa kaniya sa paghuhuli ng ibon.
C. Takutin siya na may malaking ahas sa mga kahoy.
D. Ipaliwanag sa kanya na ang mga ibon ay kaibigan ng tao.

_____ 31. Nagtatalo ang mga batang lalaki at babae tungkol sa mga gawain na dapat daw ay
pambabae lamang. Ano ang dapat nilang gawin upang maiwasan ang paghihidwaan o
pagkakagalit?
A. Huwag makikialam.
B. Huwag nang magbatian.
C. Igalang ang kanya-kanyang opinion.
D. Magkanyakanya na lamang ng pangkat.

______32 . Hindi sumang-ayon ang pangkat sa rekomendasyon mo, at iba ang napagpasyahan. Ano
ang gagawin mo?
A. Hindi magbabago ang pakikisama at pakikipagtulungan ko sa pangkat.
B. Babawasan ko ang pagiging masigasig sa gawain.
C. Hindi ko na sila papansinin.
D. Titiwalag ako sa pangkat.

_____ 33. Ikaw ay lider ng isang grupo. Sa inyong pagpupulong, ibinahagi mo ang layunin mo sa
miyembro. Marami sa mga miyembro ang di sang-ayon sa mga layuning iyong ibinahagi
sapagkat wala daw itong relasyon sa misyon ng grupo. Paano mo haharapin ang
sitwasyon?
A. Tatawanan ang mga miyembrong sumasaway.
B. Iiwan ang grupo at hahayaan sila ang bumuo ng mga layunin.
C. Aalisin sa grupo ang mga myembrong sumasaway sa layunin.
D. Pag-aaralang mabuti ang mga layuning ibinibigay at sama-samang bumuo ng
mga layunin.

_____ 34. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili sa kalinisan sa kapaligiran?


A. Iwasan ang paggamit ng papel.
B. Pagagalitan ang mga batang nagkakalat.
C. Magdadala ng sariling basurahan araw- araw.
D. Ilalagay sa bag o bulsa ang mga papel at iba pang basura at itapon ang mga ito
sa basurahan.

______35. Bilang kabataan dapat na makilahok sa CLEAN AND GREEN. Paano mo maipakita ang
iyong pagsuporta dito?
A. Magtapon ng patay na hayop sa ilog.
B. Magtanim sa gilid ng mga daan.
C. Magtapon ng basura sa daan
D. Pipitasin ang mga bulaklak.

5
______ 36. Mahusay gumuhit si Harry. Paano niya ibabahagi ang kanyang talento?
A. Itago ito.
B. Sumali sa paligsahan.
C. Magsanay nang mabuti.
D. Tumulong sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga batang mahilig gumuhit.

_____ 37. Magaling kang magburda sa klase. Paano ka makatutulong sa inyong kaklase?
A. Hindi mo sila tutulungan dahil gusto mong matapos kaagad.
B. Tapusin ang ginagawa at hayaan sila.
C. Turuan mo ang iyong kamag-aral.
D. Hayaan mo na lamang sila.

______38. Dahil magaling ka sa pagsusulat ng liham, hinirang ka ng iyong mga kamag-aral na


gumawa ng draft letter ng solisitasyon para sa fund raising project. Ano ang gagawin mo?
A. Titingnan ko muna kung may panahon akong gumawa.
B. Tatanggapin ko ng malugod ang pinapagawa sa akin.
C. Hindi ako papayag.
D. Magdadabog ako.

_____ 39. May nakita kang magnanakaw na nais pumasok sa bintana ng inyong kapitbahay. Ano
ang gagawin mo?
A. Magpalagay na hindi mo ito nakita.
B. Sigawan at sabihang tumigil.
C. Tumawag ng pulis.
D. Batuhin siya.

_____ 40. Ang kalaro mong si Tito ay laging lumalabag sa batas-trapiko. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag nang makipaglaro sa kanya.
B. Parusahan siya para matutong sumunod.
C. Ipaliwanag sa kaniya ang kahalagahan ng pagsunod sa batas.
D. Hayaan siyang gawin ang maibigan dahil maaaring mahuli siya susunod.

______41. Bilang kabataan, anong maitutulong mo sa kampanyang “No to Dope”?


A. Ipaliwanag sa kaibigan ang epekto ng paggamit ng bawal na gamot.
B. Magsawalang kibo kapag may nakitang gumagamit.
C. Subukang tumikim ng bawal na gamot.
D. Layuan ang mga kaibigang gumagamit.

_____ 42. Alin sa mga sumusunod ang sinasang-ayunan mo?


A. Dapat igalang ang karapatan ng lahat ng bata.
B. Ang iba ay may karapatan at ang iba ay wala.
C. Ang mga bata lamang ay may karapatan.
D. Maaaring mabili ang karapatan.

_____ 43. Kailan nilalabag ang iyong karapatan?


A. Kapag may nagyaya sa iyong sumama sa magulong lugar.
B. Kapag kinuha at binasa ng iyong kaklase ang iyong sulat.
C. Kapag pinagsabihan ka ng ayaw mong marinig.
D. Kapag nasaktan ka o nagkasakit.

_____ 44. Ano ang gagawin mo kapag lumabag sa batas ang iyong kapitbahay?
A. Parusahan siya.
B. Iwasan siya.
C. Ipahiya siya.
D. Turuan siya.
6|Page
_____ 45. Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng ibang taong gumagawa ng krimen o labag sa
batas?
A. Tumahimik lamang.
B. Makisali sa gumagawa noon,
C. Magpanggap na hindi mo nakita.
D. Magsumbong sa may kapangyarihan.

_____ 46. Alin sa mga sumusunod ang sinasang-ayunan mo?


A. Tungkulin natin ang tumupad sa pasya ng nakararami ayon sa kinalabasan ng
paghalal.
B. Dapat tayong sumunod sa pasya ng kaibigan anuman ang mangyari.
C. Sa anumang uri ng pagpapasya, ang pinuno ang nasusunod.
D. Ang bawat isa ay dapat nasusunod ang gusto.

_____ 47. Pinabibigay kayo ng sariling palagay tungkol sa isang patakaran ng pamahalaan. Halos
lahat ay nagkakaisa ng palagay. May ilan lamang na kasalungat ng kuro- kuro. Alin sa mga
sumusunod ang dapat iasal para sa pangkat na may kasalungat na opinion?
A. Huwag na silang isama sa pagpapangkat-pangkat.
B. Igalang ang kanilang opinyon.
C. Pabayaan lang sila.
D. Awayin sila.

_____ 48. Aling pangungusap ang sinasang-ayunan mo?


A. Dapat sundin ang batas kung gusto mo.
B. Dapat sundin palagi ng lahat ng tao ang batas.
C. Sundin ang batas kung ito ay makabubuti sa atin.
D. Sundin ang mga batas kung may pulis na nakatingin.

_____ 49. Ano kaya ang mangyayari kung hindi susunod sa batas ang mga tao?
A. Makukulong silang lahat.
B. Magiging malaya at masaya sila.
C. Magkakaroon ng kalituhan at awayan.
D. Magkakaroon ng kapayapaan at kaayusan.

_____ 50. Alin sa mga sumusunod ang sinasang-ayunan mo?


A. Ang mga batas ay ginawa para disiplinahin ang mga tao.
B. May mga taong maaaring hindi na sumunod sa batas.
C. Kung walang batas, magkakaroon ng kapayapaan.
D. Ang batas ay para sa mayaman lamang.

7|Page
ANSWERS KEY

1. A
2. D
3. A
4. C
5. C
6. B
7. D
8. A
9. C
10.C
11. C
12. B
13. A
14. D
15. C
16. D
17. D
18. D
19. B
20. B
21. D
22. D
23. D
24. A
25. D
26. D
27. A
28. D
29. C
30. D
31. C
32. A
33. D
34. D
35. B
36. D
37. C
38. B
39. C
40. C
41. A
42. A
43. B
44. D
45. D
46. A
47. B
48. B
49. C
50. A

8|Page
9|Page

You might also like