Alegorya NG Yungib

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Alegorya ng Yungib

ni Plato

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

a.) Mabisang Panimula

1. Pasaklaw na Pahayag - May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo
sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang
mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa
pagkilos pati ng kanilang mga ulo.

2. Pagbubuod - Ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe.

3. Pagtatanong - At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang
ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi? Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay
pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag-
habag na kalagayan.

4. Tuwirang Sinabi - Isang pilosopong Griyego na nagngangalang Homer ang


nagpahayag na: “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.”

5. Panlahat na Pahayag - Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay
maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa
kasalukuyan - ang katotohanan.

6. Paglalarawan - Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan


patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang
kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito
sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy
na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang
paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na
pinagtatanghalan ng mga puppet.

7. Pagsalungat - Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung
sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali.
Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at
tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang
magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan
sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang.

b.) Pagsususring Pangnilalaman

1. Tema o Paksa - Edukasyon at Katotohanan

2. Mga Tauhan - Kung babasahin ang Alegorya ng Yungib, ang mga tauhan sa sanaysay
ni Plato ay tayong mga tao o yung taong nasa kweba noon inihambing niya lang yung
mga tao noon sa sanaysay niya na mistulang alipin at takot Makipagsapalaran sa labas ng
yungib.

3. Tagpuan - Ang tagpuan ng Alegorya ng Yungib ay sa kuweba sapagkat naroroon ang


mga bilanggo.

4. Balangkas ng mga Pangyayari - Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa


ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa
mundo patungo sa liwanag.Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang
maipakita niya ang isang anyo na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating
kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may
lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto
niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil
inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip
na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

5. Kulturang Masasalamin - Ito ay hango sa mga tao sa panahon ni Plato, mga taong
walang alam at mga taong hindi kumikilos upang hanapin ang katotohanan at karunungan
. Sa kabilang banda, ito rin ay tungkol sa mga iilang tao noon na ginagamit ang
katalinuhan at kalakasang intelektwal upang manipulahin ang karamihan ng kanilang
nasasakupan.

c.) Pagsusuring Kaisipan

1. Mga Kaisipan - Ang paksa ng Alegorya ng Yungib ay ang epekto ng edukasyon at


kakulangan nito sa lipunan. Inilalahad din dito ang kamangmangan ng tao at ang kawalan
nitong makita ang katotohanan at karunungan.Ang mga paraan ng pagmamanipula ng
mga pinuno na kulang sa pilosopikong kaisipan ay inilalarawan din sa sanaysay na ito.
Isinalintulad dito ang lipunan na parang tabing na pinagtatanghalan ng mga tau-tauhan o
mga papet kung saan ang mga mangmang na mamamayan ay prang taong nakakadena at
hindi makakakilos.

2. Estilo ng Pagkasulat - Ang ginamit na estilo ng pagkasulat ay malikhain dahil gumamit


ang may akda ng simbolismo upang maintindihan natin ang ipinahihiwatig o paksa ng
akda na kanyang isinulat. Malikhain din ito sapagkat, habang binabasa natin ang akdang
ito ay may nabubuo tayong imahinasyon mula sa akdang ating binabasa.

3. Mga Simbolismong ginamit - Ang Pader ay sumisimbolong hadlang o limitasyon sa


pag-abot ng iyong mga pangarap, ang Yungib ay simbolo ng kamangmangan o bulag na
katotohanan, ang Bilanggo ay sumisimbulo sa mga mamamayan, ang Araw/Apoy ay
sumisimbulo sa pag-asa at ang Labas sa Yungib ay sumisimbulo sa kalayaan, katotohanan
at edukasyon o mismong sasagot sa mga tanong na sa tingin natin ay imposibleng
masagot.

d.) Buod

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at
nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin
ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating
humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa
mga bagay.Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang
“Alegorya ng Kuweba.” Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita
sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa
‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin
mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran
upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging
estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ng
ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa
ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang isip ng
tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’ na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At
bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta. Ang
kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga
pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni Aristotle.
Ngunit napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak
sa mundo ng rasyunalismo – ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.Sa tingin
ko’y may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni
Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang
mas makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita
ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi ba’t ang
materya ay patuloy na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at
ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga
bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham.Sa ganang akin, ang
hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng
relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang
konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong sundan ang kanyang lohika
– ang pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang na realidad.

II. Pagbabahagi ng Simposyum

Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating
mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo na
dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na
may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y
gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng
tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo
at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo
ng mga suliranin at problema sa buhay.

Ang napansin kong kakaiba na ginagawa niya ay wala dahil ginawa niya naman ang
sanaysay upang ang mambabasa ay makaunawa sa pangyayari at makapulot ng aral sa
Alegorya ng Yungib . Ang may akda ay gumagawa ng paraan upang ang kanyang
sanaysay ay maihahalintulad sa naging karanasan ng tao , di mapagkaila na sa paggawa
niya nito ay nakaranas din sya ng kadiliman na siya’y tumungo sa kaliwanagan.

Oo , nakaranas din kasi ako ng mga paghihirap sa buhay at hindi ko ito binalewala kundi
gumawa ako ng solusyon sa tulong ng Panginoon ako'y kanyang binangon at binuksan
muli ang puso at tumayo na syang maghahatid sa akin patungo sa liwanag.

Masasalamin mo sa sanaysay ang pilosopiyang pinagbatayan ni Plato mula sa paksang


kaniyang tinalakay sa sanaysay sa kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagbuo ng
sariling pananaw at paano ito magagamit upang magkaroon ng kamalayan sa kultura at
kaugalian ng isang bansa.

Ayon kay Plato, ang mga taong walang edukasyon ay parang bilanggo sa isang kweba. Sa
kanyang pananaw, pawang mga anino lamang ng katotohanan ang mga imahe ng mga
bagay na nakikita nila sa mundo . Ang tunay na imahe ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’

Ayon sa kanyang sanaysay, ang mga konsepto ng mga bagay ay nasa isipan na ng tao
mula kapanganakan. Kakailanganin lamang na gamitin ang pangangatwiran upang sila’y
matuklasan.

You might also like