malakas na plota, dinaig ng Rome ang Carthage noong 241B.C.E.Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang Mga sundalo nito na maging magagaling na tagasagwan Bilang tanda ng pagkakapa- nalo ng Rome,sinakop nito ang Sicily Nanalo ang Rome laban sa Carthage Ikalawanag DigmaangPunic Nagsimula ito noong 218 B.C.E. nang salakayin ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa Spain na kaalyado ng Rome. Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog Frane kasama ng mahigit na 40, 000 sundalo. Tinawid din nila ang bundok ng Alps upang makarating sa Italy. Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome sa Cannae noong 216 B.C.E. subalit hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang Rome nang hindi pa dumarating ang inaasahang puwersa na manggagaling saCarthage Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at tumungo sa Carthage upang sagipin ang kaniyang mga kababayan. Ikatlong DigmaangPunic (149-146 B.C.E) Matapos ang 50 taon,naganap ang Ikatlong Digmaang Punic. Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato, isang pinuno at manunulat na Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng kapangyarihan Roman Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan.Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpati- bay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwali- an ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho. Ang yaman na pumasok sa Rome