Professional Documents
Culture Documents
Module of Instructionpagbasa at Pagsulat
Module of Instructionpagbasa at Pagsulat
Kahulugan ng Pagbasa
Kahalagahan ng Pagbabasa
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top- down sapagkat ang proseso
ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).
2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay
pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper 0 pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang
magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na
bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.
3.PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat 0 chapter. Sinusuri muna
ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan
ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang
bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
lto’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok
o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin.
Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.
6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report,
riserts, at iba pa.
8. PAGTATALA
lto’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya
bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y
sariling pag-aari.
References