Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Langka

Noong unang panahon ay mayroong isang dalaga na nakatira sa baryo Makarila.


Siya ay ulilang lubusan ang kanyang ina ay namatay nang ito ay isilang at ang kanyang
ama naman ay nilamon ng dagat nang ito ay nangisda sa kasagsagan ng masamang
panahon.Si Angka ay may busilak na puso, ngunit sa kabila nito ay tinutukso at
kinukutya siya ng mga kabataan at bata sa kanilang baryo dahil sa kanyang panlabas
na anyo ay ubod ng pangit. “ Angka, ang halimaw sa kakahuyan”. ang tawag sa kanya
dahil sa nakakatakot ang kanyang mukha, ito ay puno ng tigyawat at hindi
maipaliwanag na bagay. Ang kanyang itsura ay mistulang bituing walang ningning.
Maging sa paaralan siya ay tampulan ng tukso.

Isang araw ay ikinagulat ng lahat ng ligawan ni Alberto si Angka. Si Alberto ang


tinaguriang magandang lalaki sa buong paaralan at pinagkakaguluhan ng mga
kababaihan sa baryo Makarila maging sa mga kalapit pang baryo. Maging si Angka ay
hindi rin makapaniwala na liligawan siya ni Alberto dahil sa mas marami pang babae
ang mas maganda kaysa sa kanya. Ngunit sa paaralan ay laging tumatabi si Alberto
kay Angka. Napakabait nito sa kanya at kung tawagin sya nito ay Langga. Lagi rin
siyang inihahatid ni Alberto paguwi at tuwing sila ay maghihiwalay na ay niyayakap ito
ni Alberto at sinasabihang “ Mahal na Mahal kita”. Gayundin naman mahal na mahal ni
Angka si Alberto.

Makalipas ang ilang buwan ng kanilang relasyon ay pumunta si Angka sa paaralan


upang surpresahin si Alberto ngunit narinig niya ang usapan nina Alberto at mga
kaibigan nito “ Alberto, ang galing mo talaga akalain mo ay napaniwala mo si Angka na
mahal mo siya , Pare sige panalo ka na sa pustahan ang galing mo napa-ibig mo sya.”.
wika ng kaibigan ni Alberto. Kaya naman ng marinig ito ni Angka ay tumakbo siya
palayo at sinundan agad ito ni Alberto. Nagtungo si Angka sa kakahuyan patungo sa
itaas ng bundok at doon siya tumangis. “ Langit, ikaw ang saksi sa lahat ng aking
paghihirap ! Nagdurugo ang aking puso na malamang pinaglalaruan lamang nila ang
aking damdamin.” Pagod na pagod na po ako sa pangungutya sa akin ng mga tao.
Kamatayan nasan ka na? Wakasin mo na ang aking buhay at biglang bumuhos ang
napakalakas na ulan at kumidlat. Si Angka ay binawiaan ng buhay at doon ay hindi
nasabi ni Alberto na iyon ang unang plano ngunit sa huli ay minahal nya talaga si
Angka. Kaya naman inilibing ni Alberto si Angka sa lugar kung saan ito binawian ng
buhay.
Nalungkot ang buong baryo ng Makarila lalo na ang mga matatanda ng malaman
nilang wala na si Angka. Makalipas ang ilang araw ay dinalaw nina Alberto at ng mga
tao ang puntod ni Angka at laking gulat na lamang nila na may munting halaman na
tumubo mula sa puntod nito. Inalaagaan ni Alberto ito hanggang sa itoy lumaki. Nagulat
sila sa naging bunga nito dahil at itsura nito ay katulad ng mukha ni Angka; magaspang
at maraming tusok-tusok ngunit nang kanila itong buksan at kainin ang lasa ay ubod ng
sarap at tamis tulad din naman ng busilak na kalooban ni Angka.

Doon rin ay pinaniwalaan ni Alberto na ng punong iyon ay si Angka na kanyang


pinakamamahal na babae, kaya naman tinawag niya itong LANGKA, si Angka na
kanyang langga at simula rin noon ang mga tao sa baryo ay nagbago. Hindi na sila
nanlalait at natutong magmahalan.

You might also like