Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

14/01/2019 FILIPINO MAJOR: WIKA

Higit Pa Bumuo ng Blog Mag-sign in

FILIPINO MAJOR
Monday, March 12, 2012 Pages

Komunikasyon
WIKA
Home
KABANATA I
Wika,Katuturan at Katangian

Ano nga ba ang wika? Blog Archive


Ang wika sa simpleng pagpapaliwanag ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit
ng isang lipunan.Ito rin ang nagsisilbing instrumento niya tungo sa mabisang ▼ 2012 (4)
interaksyon sa kanyang kapwa.Dahil ito ay isang instrumento hindi matatawaran ang ▼ March (4)
papel ng wika sa paghubog ng kamalayan ng isang indibidwal upang siya ay lubos na EKSPOSITORI
maunawaan sa komunidadna kanyang kinabibilangan.
Ayon kay Webster(1974,536)ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan Komunikasyon
ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo. KO
Ayon naman kay Archibald A.Hill sa kanyang papel na What is Language? ang wika
WIKA
ay ang pagunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
"Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao kabilang sa isang
kultura."Henry Gleason
About Me

ako c mhelai
Mula sa dalawang katuturang nabanggit, mahahango natin ang pangunahin at
unibersal na katangian ng wika na talakayin sa mga susunod na talataan: View my complete profile

1.May internal na ugnayan


Isa sa mga katangian ng anumang wika sa daigdig ay ang kakayahan nitong makabuo
ng pangingusap sa loob ng isang pangungusap.

2.Ang wika ay arbitraryo


Ang bawat wika ay may kanya kanyang katawagang ginagamit na idinikta ng isang
lipunan o uniqueness ng isang salita bagaman magkasalungat.

3.ANG WIKA AY PRODUKTIBO AT LIKAS NA MAPANLIKHA


Ang kakayahan ng isang tao na gamitin ang kanyang katutubong wika sa pagpapahayag
na walang kahalintulad.

4.Ang wika ay isang ponemang-sosyal


Ang pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng tao na
nangangahulugang mas madaling natututunan ang wika dahil sa paginterak natin sa
ating kapwa.

5.ANG WIKA AY KAKAMBAL NG KULTURA


Gaya ng naipaliwanag kailan man ay hindi maipaghihiwalay ang wika sa kultura .Dahil
bawat wika sa daigdig ay produkto ng mayamang karanasan ng isang lipunan.
Hal:
Nakasanayan na ng mga katagalugan na sabihing "sasama ka ba sa libing?"sa halip na
"makikipaglibing ka ba?

6.ANG WIKA AY TUNOG


Nagkaiba ang kahulugan nito kapag nag-iba ang tono ng pagkabigkas nito.
Hal:
Tinatawag nating aw-aw-aw ang tahol ng aso.Samantala sa ingles ay whoorff-whoorff-

http://wikpinoy.blogspot.com/2012/03/wika.html 1/4
14/01/2019 FILIPINO MAJOR: WIKA
whoorff.Sa madaling salita,bawat wika ay may malaking kaibahan batay sa kung paano
ito binibigyan ng sariling interpretasyon.

KABANATA II
Mga teorya na pinagmulan ng wika

Malinaw na ipinahahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob ng diyos.Sa mga


relihiyoso,walang duda ito.Sa bibliya pa rin isinasalaysay kung paanong mula sa iisang
wika ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng ibat-ibang wika.Naaalala mo pa ba ang
kwento kay Babel at sa kanyang tore?
Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo,ang nga iskolar ay nagsimulang mag-
usisa kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika.Dahil dito,lumitaw ang mga
sumusunod na teorya ukol sa pinagmulan ng wika.

1.TEORYANG BOW-WOW
Ayon sa teoryang ito ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog sa
kalikasan.Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit .Dahil dito ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.Kung kaya ang tawag
nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.

2.TEORYANG POOH-POOH

Unang natutong magsalita ang mga tao,ayon dito,nang hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit,tuwa,sarap,kalungkutan.takot,pagkabigla at iba pa.

3.TEORYANG YO-HE-HO
Sa teoryang ito natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.Hindi
nga ba't tayo'y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo'y nag-eeksert ng pwersa.Halimbawa
nito ay kapag tayo ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay,kapag tayoy sumusuntok o
kapag ang ina ay nanganganak.

4.TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
Likas sa mga sinaunang tao ang nga ritwal.Ayon sa teoryang ito,ang wika raw ng tao ay
nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalaunay
nappapabagu-bago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan.

5.TEORYANG TA-TA
Ayon naman sa teoryang ito ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pabkatuto ng tao na lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita .tinatawag itong ta-ta na
nangangahulugang paalam o goodbye.

6.TEORYANG DINGDONG
Kahawig din ito ng teoryang bow-bow,nagkaroon daw ng wika ang tao ayon sa teoryang
ito,sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.Ngunit
ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kundi sa mga bagay na
nilikha ng tao.

http://wikpinoy.blogspot.com/2012/03/wika.html 2/4
14/01/2019 FILIPINO MAJOR: WIKA

KABANATA III
ANTAS NG WIKA

1.BALBAL
Ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa
lansangan,tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong salita.Karaniwang nabubuo sa isang grupo tulad ng mga bakla.
HAL:
parak-pulis
tiboli-tomboy
juding-bakla

2.KOLOKYAL
Mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na hinalaw sa pormal na mga
salita.Nagttaglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin naman maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausapp.
HAL:
lika,naron,antay

3.LALAWIGANIN
Ito ang salitang karaniwang dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan.Isang palatandaan
dito ay ang punto.

tagalog-aalis
ilokano-pumanaw
sebuano-molakaw
bikolano-mahali

4.PAMBANSA
Ginagamit sa mga aklat,babasahin at sirkulasyong pang madla.Ito rin ang wikang
ginagamit sa paaralan at sa pamahalaan.
HAL:
aklat,ina,ama,dalaga

5.PAMPANITIKAN
Ito ang pinakamayamang uri.Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang kahulugan
gaya nng idyoma at tayutay.
HAL:
Mabulaklak ang dila
Kaututang dila
Balat sibuyas

Posted by ako c mhelai at 7:57 PM

5 comments:

Sandrine Elizabeth Bagaipo June 15, 2015 at 7:06 AM


Maraming salamat po !!! Malaki ang natulong nito....
Reply

Maricar Reyes November 23, 2015 at 1:35 AM

http://wikpinoy.blogspot.com/2012/03/wika.html 3/4
14/01/2019 FILIPINO MAJOR: WIKA
Thank You! I got this for my assignment. :)
Reply

Unknown June 17, 2017 at 6:31 AM


depinasyon po tungkol sa kung ano ang wika ayon kina a).webster 1974 b).archibald a. hill at
c).henry gleason.
any link po.
Reply

Nika Mel Esposado July 19, 2017 at 6:58 PM


thankyou po

Reply

Unknown August 23, 2018 at 6:43 PM


Salamat po.publish more helpful post
Reply

Enter your comment...

Comment as: Google Accoun

Publish Preview

Newer Post Home

Subscribe to: Post Comments (Atom)

Awesome Inc. theme. Powered by Blogger.

http://wikpinoy.blogspot.com/2012/03/wika.html 4/4

You might also like