Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Alamat ng Amorseko

Najam M. Silao
Noong unang panahon, bago pa tayo nagkaroon ng damo na amorseko, merong
dalawang magkaibigang nagngangalang Amor at Seko. Sila ay siyam na taong gulang at
pareho silang nasa ikatlong baitang sa Paaralan sa kanilang baryo.

Si Amor ay isang magandang babae ngnit hindi siya binyayaan ng matalinong pag-iisip. Si
Seko naman ay isang lalaking napakatalino ngunit hindi siya mapalad upang mabigyan
ng magandang panlabas na anyo.

Sapagkat matalino si Seko, siya palagin nangunguna sa kanilang klase, madalas niyang
pinapakopya si Amor sa kanilang mga pagsusulit sa paaralan at palagi silang nasa “star
section”. Maayos ang kanilang pagiginng magkaibigan hanggang sa may isang
estudyante ang lumipat sa kanilang baryo.

Ang pangalan ng transferee ay Najmah. Si Najmah ay isang maganda at matalinong


babae at sapagkat siya matalino naging kaklase niya sina Amor at Seko. Gustong-gusto
ni Amor na magkaroon ng kaibigan na katulad niyang magandang babae, kung kaya
nakipag kaibigan siya kay Najmah.
Hi, ikaw ba yung transferee? tanong ni Amor kay Najmah.
Oo. Tugon naman ni Najmah.
Ako si Amor. Wika ni Amor at inabot ang kanyang kamay.
Ako si Najmah. Wika ni Najmah at nakipagkamay kay Amor. Bagay sa’yo ang pangalan
mo, dagdag niya.
At simula noon ay naging magkaibigan sila Amor at Najmah, magkatabi ang kanilang
upuan sa klase. Madalas silang nagkokopyahang tatlo sapagkat magkalapit lang ang
kanilang upuan.

Isang araw, napansin ni Amor na may kakaiba sa ikinikilos ni Seko.


Anong problema, Seko? Ba’t panay ang titig mo kay Najmah? Pabuling na tanong ni
Amor kay Seko.
May gusto ako kay Najmah. Pangiting sagot ni Seko kay Amor.
Eeeeeh, sabihin ko sa kanya? Pakutyang tugon ni Amor.
Hindi sasabihin ko sa kanya pag uwian na natin. Sagot ni Seko.
Sige, hindi ako sasabay mamaya para makapagtapat ka.

Uwian na nila nang magtapat si Seko.


Najmah. Tawag ni Seko.
O, Seko. Nasan si Amor?
Nauna na si Amor, nagmamadali siya may mahalaga daw siyang gagawin. Tayo nalang
daw ang sabay na umuwi.
Ah ganon ba?
Hali ka na, uwi na tayo.
Ah sige.
Sa kanilang paglalakad pauwi, nag-iipon ng lakas ng loob si Seko at di mapakali.
Ba’t parang di ka mapakali?
Ah. Kasi Najmah, ang totoi niyan gusto kita. Matagal na.
Ganon ba, Seko?
Pwede ba akong manligaw?

Nagulat si Najmah at napasabing.


Hindi. Ang ibig kong sabihin, magfocus nalang tayo sa pag-aaral natin. Sige, mauna na
ako magrereview pa ako para sa exam natin bukas. Ikaw din. Sabi ni Najmah sabay
takbo.

Nalungkot si Seko at hindi nakapag-aral ng mabuti para sa kanilang pagsusulit.


Kinaumagahan wala siyang maisagot sa kanilang exam, tulala siya kahit na pinapakopya
siya ni Amor. Wala siyang kibo hanggang matapos ang kanilang mga pagsusulit. Nanguna
si Najmah sa kanilang klase habang si Seko ay nasa huli.

Anong nangyari sa’yo? Tanogn ni Amor kay Seko.


Kasalanan to ni Najmah! Galit na tugon ni Seko.
Bakit?
Binusted niya ako, at hindi ako nakapag aral nang mabuti dahil dun.
Ah, broken hearted ka? Kaya ka puro tunganga?
Aba’t tumatalino ka na ah. Epekto ba yan ng pagsama mo kay Najmah na yun?
Hindi naman.

Kailangan kong makapaghiganti.


May naisip ka na bang paraan? – Amor
Sisiraan natin siya. - Seko

Simula noon, ginawan ng mga paninira nina Amor at Seko si Najmah.


Binabalewala lang ito ni Najmah hanggan sa isang araw ay nagalit siya.

Anong problema niyo ha?! Sigaw niya kina Amor at Seko.


Naging mabuti naman akong kaibigan sa inyo, ginawa ko ang ang lahat ng mabuti para
sa pagkakaibigan nating tatlo. Tapos sisiraan niyo ako sa huli?
Galit na galit si Najmah. Wala kayong kwenta! Wala kayong ginawa kundi mang-abala,
kumakapit kayo sa sinumang mapakikinabangan niyo at sa huli sisiraan niyo lang! Sana
maging damo kayong walag halaga!
At ito ang alamat ng amorseko.

You might also like