Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Ikaanim Baitang

I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang epekto ng kaisipang kolonyal pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig.
2. Naibibigay ang kaisipang kolonyal.
3. Nakasusulat ng epekto ng kaisipang kolonyal pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig.

II. PAKSA:
Kahulugan ng Kaisipang Kolonyal
Sanggunian: AP6 LM, AP6 TG
AP6 CG, AP6 SHK-IIIa-b-1
Kagamitan: Tunay at larawan ng mga produktong banyaga at galing sa
bansang Pilipinas
Chart, video clips

III. PAMAMARAAN:
A. Kamalayan (Awareness):
1. Balik-aral (Review):
Panuto: Pagpapakita ng larawan ng mga produkto o bagay. Ilagay ang
“AMIN ITO” o “INYO YAN”. Isulat ang sagot sa patlang bago bilang.
__________ 1. Sapatos na ADIDAS
__________ 2. Choco Nut
__________ 3. Barong Tagalog
__________ 4. Basket na Kawayan
__________ 5. Chocolate (HERSHEY’S)

2. Pagganyak (Motivation):
a. Batay sa larawan na nasa “AMIN ITO” saan nagmula ang mga ito?
(Pilipinas) at sa “INYO YAN”, saan naman nanggaling ang mga ito?
(Ibang bansa).
b. Pagpapakita ng larawan ng mga produkto sa bansa at banyagang
produkto.

B. Gawain (Activity)
Pangkatang Gawain
Panuto: a.) Bumuo ng tatlong pangkat at pumili ng lider.
b.) Sundan ang panuto sa loob ng sisidlan (envelope)
c.) Magtala ng anim (6) at iulat ito sa klase.
1. Unang Pangkat (Fish Bone)
Magtala ng mga bagay o produkto na matatagpuan sa ating bansa.
(Pilipinas)
2. Pangalawang Pangkat (Flower Web)
Magtala ng mga bagay o banyagang produkto na matatagpuan sa
ibang bansa.
3. Pangatlong Pangkat (Venn Diagram)
Magtala ng mga bagay o produkto na matatagpuan sa ating bansa at
sa ibang bansa.

RUBRICS
Pamantayan 5 4 3 2 1
a. Nakapagtala ng anim(6)
na bagay o produkto
b. Nakapagtala ng (3to5) na
bagay o produkto
c. Nakapagtala ng (1to2) na
bagay o produkto

Kabuuan =
C. Pagsusuri (Analysis)
Mga tanong:
1. Anu ano ang mga bagay o produkto na matatagpuan sa ating
bansa?(Pilipinas)
2. Anu ano ang mga bagay o produkto na matatagpuan sa ibang
bansa?(banyaga)
3. Kung papipiliin kayo “sariling atin” o “banyagang produkto”? Bakit?
4. Paano nakakaapekto ang kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality) sa
ating mga Pilipino?

D. Paghahalaw at Paglalahat (Abstraction)


→ Ano ang ibig sabihin ng kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality)?
→ Batay sa pangkatang gawain, anu ano ang mga epekto ng kaisipang
Kolonyal (Colonial Mentality) sa ating mga Pilipino?

E. Paglalapat ( Application)
Panuto: Sumulat ng maikiling sanaysay sa pamamagitan ng isang sitwasyon.
May kamag-anak ka na nakatira sa ibang bansa at pauwi na sa
Pilipinas. Sinabi sa iyo na bibilhan ng imported na sapatos. Magpapabili ka ba
o dito sa Pilipinas bibili upang tangkilin ang sariling atin? Bakit? Ipaliwanag ang
iyong opinyon.

F. Pagtataya:
Panuto: Isulat ang T kung Tama ay M kung Mali ang pangungusap. Ilagay
ang sagot sa patlang bago bilang.
_____ 1. Ang kaisipang kolonyal o Colonial Mentality ay pagkahilig sa mga
banyagang produkto.
_____ 2. Ang mga sapatos na galing sa ibang bansa gaya ng ADIDAS ay mga
banyagang produkto.
_____ 3. Ang pangtangkilik sa sariling produkto ay kaisipang kolonyal o Colonial
Mentality.
_____ 4. Ang pagtatrabaho o pagtira at pagtanggap ng pagkamamamayan
sa ibang bansa ay isang kaisipang kolonyal o Colonial Mentality.
_____ 5. Hihina ang halaga ng piso kapag mas marami ang mga produktong
tinatangkilik mula sa ibang bansa.

IV. TAKDA/KASUNDUAN (AGREEMENT):


Gumupit ng mga larawan ng produktong Lokal (5) at Banyaga(5)at ilagay ito
sa inyong Portfolio.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa


remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istrateheyang pagtuturo nakatulong ng lubos?Paano ito


nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong


guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:
Suzanne S. Matuba
Applicant

You might also like