Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bakit Mas Maliwanag Ang Araw Sa Buwan

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda


ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit
at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng
brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi
kasing-ganda ang kalooban nito.

Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at


nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa,
natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante
ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang


dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero,
umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa
dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay


tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Aral:

 Iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa. Maging mabuti sa lahat ng


pagkakataon dahil ito ang nais ng Diyos.
 Ang pagiging mainggitin ay walang mabuting maidudulot bagkus, ito ay
magdadala sa atin ng kapahamakan.
 Kung may nais na maabot o makuha sa buhay, ang pinakamahusay na
paraan ay pagtrabahuan ito ng mabuti, pagpaguran, pagsumikapan at hindi
kunin sa mabilis at masamang paraan.

You might also like