Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Halimbawa ng palaisipan

1. Si Huang ay may 2 kamay, Binigyan ko siya ng 50 mansanas sa kaliwa niyang kamay at 50


naman sa kanyang kanang kamay. Ano ang meron si Huang?

SAGOT: Mga malalaking kamay.

2. Ang lahat ng bagay sa mundo ay itim. lahat lahat ay itim. may driver na nagmamaneho ng
kotse na nakita ang pusa na tumatawid. Paano niya ito nakita.

SAGOT: Umaga nang nangyari ang pangyayari na iyon.

3. May tatlong gayagaya pero takot mamatay, tumalon ang isa sa building. ilan ang natira?

SAGOT: Tatlo. tumalon lang ang isa hindi nagpakahulog.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/258458#readmore

AKO AY PILIPINO
Ako ay Pilipino
Ang dugo’y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari’y natipon ang kayamanan
ng Maykapal

Bigay sa ‘king talino


Sa mabuti lang laan
Sa aki’y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino


Isang bansa, ‘sang diwa
ang minimithi ko
Sa bayan ko’t bandila
Laan buhay ko’t diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino


Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

PARUPARONG BUKID
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!


May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

Mga Halimbawa ng mga Tugmang De Gulong

Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa


paroroonan. (Batay sa: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.)

Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.

And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.

Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.

Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.

Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.

Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.

Pasaherong masaya, tiyak na may pera.

Puwedeng matulog, bawal humilik.


tugmangdegulong tugmadegulong
God knows Hudas not pay.

Alamat ng Bulkang Mayon - First Version


Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah.
Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang
Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga."

Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at


mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw
ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng
mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen
ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.

Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni


Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman
subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang
dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa
batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang
pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian.

Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito'y nagsalita, "Magandang Mutya, mula
ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!"

"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"


"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit ditto. Bigyan mo ako ng isang
bulaklak at ako'y masisiyahan na!"

Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y
kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.

"Maaari bang kita'y makitang muli?"

At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.

"Isang araw," mungkahi ng lalaki, "kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"

"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may alinlangang paliwanag. "Dapat niyang
malaman!"

"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!"

Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at
nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan,
matapos ang anihan.

Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang
kasalan. Kakaunin niya ang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.

Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib.


Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si
Daragang Magayon.

Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita
makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!"

Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y
sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"

Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si
Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan
at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen.
Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan.

Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.

"Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.

"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.

Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si


Kauen naman ay malansi at mapaglalang.

Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang
pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa
dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa
nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na
magkasama sa isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong
Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-mayon-1st-
version/

Isang sanaysay sa Filipino

Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan


upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay
ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at
paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na
nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na
piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang
katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics,
Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano
mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap


ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang
lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon
ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa
kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga


bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa
kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan,
damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang
kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang


kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang
kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at
komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa


pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa
mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang
mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang
ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng
edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais
nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html
Ang Maikling Kwento Tungkol kay Lino at sa kanyang Matalik na Kaibigan na si Tomas

MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Lino at sa kanyang matalik na
kaibigan na si Tomas.

“Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas”


Simula noong nasa unang baitang pa lamang sila sa elementarya ay magkaklase na sina Lino
at Tomas hanggang ngayong nasa ikalawang taon na sila sa sekondarya. Sa kabila ng
kanilang pagkakaiba ay matalik silang magkaibigan.

Si Lino ay anak ng isang hardinero sa paaralan na pinapasukan nila. Ang ina naman niya ay
nagtitinda sa kantina. Ang mga magulang ni Tomas ay isang guro at isang OFW.

Parehong masayahing bata sina Lino at Tomas. Pareho rin silang aktibo sa klase at sa mga
patimpalak. Kahit matumal ang kita ng mga magulang ni Lino ay ni minsan hindi ito nagutom
o nawalan ng pambayad sa proyekto dahil nandiyan si Tomas.

Mapagbigay talaga si Tomas hindi lang kay Lino pati na rin sa iba nilang mga kaklase. Sa
murang edad, may sariling kotse na ito na bigay ng ama niya noong nagtapos siya sa
elementarya.

Subalit, nagbago ang lahat noong naghiwalay ang mga magulang ni Tomas. Ang dating
masayahin at aktibong mag-aaral ay naging tamad sa klase. Palagi siyang pinupuntahan ni
Lino sa bahay nila upang yayain pumasok pero ayaw niya.

Si Lino naman ay patuloy sa pag-aaral. Sumali rin siya sa basketbol team ng paaralan at
naging abala siya roon. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na sina Francis, Stanley, at
Jacob.

BASAHIN RIN: Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko


Isang araw, pinuntahan ni Tomas si Lino sa paaralan at niyaya mag-merienda. Gusto sanang
samahan ng binata ang kaibigan kaya lang ay may lakad rin sila ng mga bago niyang kaibigan.
Umuwi na lamang si Tomas.

Lumipas ang isang linggo ng hindi nagkikita sina Lino at Tomas. Dahil sa dami ng mga
nangyayari sa buhay niya, nakalimutan ni Lino na may pinagdadaanan ang matalik niyang
kaibigan.

Isang gabi, tinawagan ni Tomas si Lino. Kinumusta niya ito at nagpasalamat rin siya sa
kanilang pagkakaibigan.

“Tol, maraming salamat rin sa lahat ng iyong kabutihan sa akin at sa pamilya ko pero bakit
parang ang senti mo talaga ngayon,” tanong ni Lino sa kaibigan.
Hindi umimik si Tomas. Niyaya niya ulit si Lino na lumabas sila at susunduin niya ito.

“Pasensya na tol maaga pa kasi ako bukas. Ang kulit kasi nina Jacob niyaya nila akong sumama
sa outing nila ng mga kaklase niya,” pagtanggi ni Lino sa kaibigan.
Hindi ipinahalata ni Tomas na sabik na siyang makausap ang kaibigan. Masaya siya at
maganda ang takbo ng buhay ni Lino.

Kinabukasan, nagising si Lino sa malakas na katok ng ina niya. Sumisigaw ito habang
kumakatok sa pintuan ng kwarto ng anak.

“Lino! Nak! Gising! May nangyari kay Tomas! Nak! Buksan mo ang pinto,” sigaw ni Aling Susan.
Nagulat at natulala ng saglit si Lino sa mga narinig niya. Noong mahimasmasan na ito ay
lumapit siya sa pintuan at binuksan niya ang pinto.

“Nak wala na si Tomas! Na-aksidente raw siya kagabi dahil sa sobrang kalasingan,” sabi ni Aling
Susan sa anak habang niyayakap ito.
Hindi namalayan ni Lino na tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata niya. Wala na ang
kanyang matalik na kaibigan na parang kapatid na niya.

“Sana sinamahan ko na lang siya noong nag-aya siya kagab-i. Baka hindi pa nangyari ‘yon,” sabi
ng binata.
Pumunta si Lino at ang pamilya niya sa lamay ni Tomas. Nandoon ang mama at papa niya.
Umuwi ang ama ng binata mula China upang maihatid ang anak sa huling hantungan nito.
“Tomas, tol patawad. Patawarin mo ko at hindi kita nabigyan ng oras. Patawad dahil wala ako
noong kailangan na kailangan mo ako,” sabi ni Lino sa harap ng kabaong ng yumaong
kaibigan.
Masakit para kay Lino ang nangyari kay Tomas. Araw-araw, hindi niya maiwasan na sisihin
ang sarili niya sa mga pagkukulang niya bilang isang kaibigan. Subalit, umaasa ang binata na
isang araw ay mapatawad niya rin ng lubusan ang sarili niya.

Ang tulang paundyo ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay
manlibak,manukso,o mang-uyam.

HALIMBAWA:

* si pedro penduko matakaw sa tuyo

nang ayaw maligo,kinuskos ng guro.

* ang amoy mo ay parang isda

kasing amoy ng patay na daga.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/483193#readmore

Ang awiting ito aykaraniwang pumapaksa sa pag-ibig,pamimighati, pangamba, kaligayahan,pag-


asa, at kalungkutan o maaaringginawa upang maging panukso sakapuwa.Layunin nito ay mang aliw.

-akoy isang lalaiking matapang Huni ng tuko ay kinatatakutan -pedro penduko,


matakaw sa tuyo,Nang ayaw maligo, kinuskos ang gugo -si maria kong dende,
nagtitinda sa gabi, nang hindi mabili umupo sa gabi -ang tunay na lalaki ay
matigas ang tignan tulad ng kahoy nasa tanan -ang amoy parang isda, kasing
amoy ng patay na daga -

You might also like