Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon.

Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating


ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito
rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin
ang hangganan ng ating kaalaman.
Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na tinatawag na
mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na
yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at
limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda
ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas
ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng
nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga
pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na
mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.
Simulan natin sa ating sarili, sa sariling bakuran at sa maliit na komunidad. It will make a difference. Kumilos na
tayo habang pwede pa nating isalba at maenjoy ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon.

Ang maruming kapaligiran ay maraming masamang maidudulot sa ating


kalusugan gaya ng mga sakit, iba't ibang klase ng sakit na maaring
magdulot ng pagkaospital at dahil sa pagkakaospital ay mangangailangan
tayo ng pira kung saan maaring mangutang ang iyong kapamilya ng pera
para mapagamot ka pero kung walang mapag uutangan ay hindi ka
mapapgamot at maaaring lumala ang iyong sakit at di magtatagal ay
mamamatay ka.

You might also like