Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bolang Apoy

Heather Oliva

Tuwing tayo ay gumuguhit ng araw ay simpleng bilog lamang ito na may mga diretsong linya na nakapaligid dito
subalit nakakalimutan nating iguhit ang mga bagay na nasisinagan ng liwanag ng araw at nalilimitahan ang sikat nito
sa mga ulap. Maaaring tumungo ang sikat nito sa mga magagandang bulaklak, sa malawak na hardin, sa mga taong
nag-eehersisyo, sa maliit na parke, sa mga manok na tumitilaok pagkabukang-liwayway o di kaya’y sa mga bintana
ng bawat kabahayang nakahanay sa ating komunidad.

Ang pagsikat ng araw ay ang hudyat ng panibagong umaga. Isang panibagong araw para sa atin, isang bagong pag-
asa na uusbong sa mga nababalutan ng dilim. Kasabay ng pagsikat nito ay pagiging buhay ng ating mga patay na
isipan at paggising ng ating mga natutulog na damdamin. May mga taong nagsisilbing liwanag sa ating buhay.
Marahil ay hindi natin nararamdaman ang halaga nila sa atin dahil nasanay tayong lagi silang nasa ating tabi, tandaan
sana natin na kasabay ng pagbuo ng mundo ng ilang bilyong taon na ang nakaraan ay ang paglikha ng Panginoon ng
isang malaking tanglaw na pupuno sa araw.

Liwanag nila’y tumatanglaw sa ating mundo at ang iyong liwanag ay tumatanglaw sa ibang tao. Ganyan kahalaga ang
ating mga kapamilya, kaibigan at ang mga taong pinapahalagahan natin. Sila ang dahilan ng ating mga ngiti sa araw-
araw. Sila ang ibinigay ng ating Panginoon upang gabayan tayo sa araw-araw. Subalit huwag kang tumingin ng
diretso sa kanila. Tingnan mo rin ang sarili mo bilang nasisinagan ng araw. Lagi kang nakangiti tuwing nakikita mo
sila, kapag pagod ka, pilit nilang pinapagaan ang mga pasanin mo at higit sa lahat ay lagi kang may dahilan upang
gumising at ipagpatuloy ang iyong buhay.

Ang araw ay sumisimbolo sa mga taong pinapahalagahan natin. Tinatanglawan ang daigdig natin at pilit na
binubuhay ang ating damdamin. Hindi man natin sila ramdam ay nararamdaman naman sana natin ang epekto nila sa
ating sarili. Ngunit tandaan natin na kahit lumubog na ang araw ay nandyan parin ang mga mumunting ilawan na
nagliliwanag kasabay ng dilim. Huwag tayong magtuon ng pansin sa dilim, sa halip ay pagtuonan natin ng pansin ang
mga mumunting liwanag na nakapaligid sa atin. May bagong pag-asa dahil pagkatapos ng gabi ay muling sisikat ang
isang napakalaking bolang apoy.

Takip ng Buhay
Cynthia Resurreccion

Sa buhay ng tao, may mga bagay na kapansin-pansin at para sa atin ay walang kabuluhan sa ating buhay. Sabi nila’y
lahat ng bagay ay may katuturan ngunit hindi ba kahit minsa’y sumagi sa isip ninyo kung bakit may salitang
“meaningless”?

Mga matang mapagmasid wari’y mundo ay nalibot na. Mga katanungang nabuo sa aking isipan, ito na nga ba ang
mga kasagutan na nais kong makamit? Isang bagay ang siyang pumukaw sa natutulog kong isip. Bagay na masasabi
kong isa lamang ordinaryong bagay na kadalasan nating nakikita sa paaralan gayuni’y sa iba’t-ibang lugar sa
mundong ibabaw na ating ginagalawan. Sa paglilibot ko, ako’y napahinto at binigyang pansin ang isang bagay.
Hinintay kong gumalaw o pulutin ito ng sinumang dadaan o makakakita nito. Ngunit walang sinumang nagbigay
pansin dito.

Hindi ko na mapigilan na ilahad sa inyo kung ano ito. SIgurado ay kating-kati na kayo na malaman, Isang simpleng
takip lamang ito ng ballpen. Sabi nila’y sa simpleng ballpen ay maaari kang mamatay. Ito ay isa lamang na
eksaherasyon ng mga tao.

Ganito iyong, kapag walang ballpen, walang notes. Kapag walang notes, walang pag-aaral. Kapag walang pag-aaral,
walang pera. Kapag walang pera, walang pagkain. Kapag walang pagkain, magugutom. Kapag nagutom, papayat.
Kapag pumayat, papanget. Kapag pumangit, walang gf/bf. Kapag walang bf/gf, walang asawa. Kapag walang asawa,
walang anak. Kapag walang anak, madedepress. Kapag nadepress, magkakasakit. Kapag magkakasakit, mamamatay
ka. Kapag namatay ka, wala kana. Kaya, ingatan mo yang ballpen mo. Yan ang ilang biruan ng mga nakararami
tungkol sa ballpen.

Isa lamang sagabal sa ilan na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na para sa atin ay mahalaga. Itong simpleng
ballpen ay maihahalintulad sa nangyayari sa kasalukuyan. Siguro kung pera ito na nagkakahalaga ng isang daang piso
ay pupulutin ito ng sinuman sa atin. Hindi ba? Hindi ba’t isang kahibangan na bigyang pansin lamang natin ang
mababaw na kahulugan ng malaki o maliit na bagay sa ating mundo?

Tulad sa reyalidad may mga taong hindi binibigyan ng pansin. May mga taong katulad ng takip ng ballpen na pakalat-
kalat lamang sa iba’t-ibang lugar. Gayundin may mga tao na hindi natin inaasahan na makikilala at magiging bahagi
ng ating buhay. Para yang mismong takip ng ballpen, isang oportunidad sa atin na pulutin ito lalo na’t ito ay angkop
sa nawawalang takip ng ating ballpen. Ganito rin sa ating buhay. May mga bagay o tao na mawawala ngunit may
hahalina para punan o takpan ang nawalang bahagi sa ating buhay.

Ang takip ng ballpen ang siyang pumoprotekta sa panulat nito. Sa buhay may mga tao na magtatakip sa butas o punit
sa ating imperpektong buhay. Sila ang magsisilbing taga protekta sa mga panahon ng kababalaghan. Mga taong siyan
magniningning tulad ng mga bituin sa langit.

Diary ng Masipag
Jared Inigo

Kadalasan ang estudyanteng katulad ko ay mayroon nito. Maliban sa ballpen, ito rin ang unang binibili ng ating mga
magulang kapag malapit na ang pasukan. Kadalasan dito rin natin isinusulat ang ating mga notes, assignment,
reflection and everything. Kadalasan dito rin nababasa ng mga teacher ang essay nating puro wrong gramming este
grammar pala. Madalas din itong mapunta sa ibang dimensyon dahil sa klasmate mong walang assignment sa math,
physics at iba pa. Kung gagawin mong front page ang back page nito, aakalain mong scratch notebook o drawing
book ito dahil sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari o tinatawag nilang doodle.

Alam mo bang maraming klase ito? May manipis at makapal meron ding small para daw sa quiz, meron ding medium
para sa most important subject at big naman para sa medyo boring na subject, baliktad noh? Ito nga pala ay
notebook obvious ba? Alam mo ba kung ano talaga ang mas nakakamangha sa notebook? Ito yung bagay na pinag
susulatan natin ng summary ng isang aklat na tone-tonelada ang pages. Kung tutuusin nga, 5 subjects sa isang
notebook ang magagamit mo pero asahan mong hindi ito aabot ng 4th quarter. Oh diba ang tipid kung saan pede ka
ng tawagin ng nanay mo na best anak ever. Dito rin natin isinusulat ang mga equation sa Math, conversion factor sa
Physics, tamang gamit ng gitling sa Filipino, tamang spelling naman sa English ouch! Minsan aakalain mong mini-
google ito kapag gusto mong magrecite sa favorite mong subject, pero kumporme ang dami ng iyong irerecite sa
dami ng notes na mayroon ka, kasi madalas summary na nga sinasummarize mo pa, expert?

Dito mo rin sinusulat yung maladoktor mong sulat kamay na parang password, ikaw lang ang nakakaalam. Ito rin
yung bagay na nagpapataas ng prideness ng isang estudyanteng todo-todo kung gumawa ng assignment parang
kinopya yung buong aklat , grabe google chrome ang tatak ng notebook nya. Pero hindi natin maikakaila na mas
matalino pa ang notebook natin kung may buhay lang sila. Madalas nga pagkabukas mo may sagot kana pero kung
nakasara ito, wala — nga-nga ka, processing ka pa rin. Sana parang notebook nalang ang utak natin para
pagkabukas natin insert lang ng insert at answer ng answer agad-agad. Masasabi kong daig ng masipag ang taong
matalino kasi kung tamad ka naman anong binatbat mo sa taong may kodigo. Pero hindi laging correct answer ang
kodigo, matuto ka namang maging independent. Kung may buhay lang yang notebook mo binatukan ka na niyan,
pangit na nga sulat mo hindi mo pa pinag-aaralan. Hiyang hiya naman yan sayo. Basta wag lang sana sa notebook
umiikot ang sagot mo sa quiz. Try mo ring magexplore baka makagawa ka ng bagong theory na maaaring maging
fact in the future.

You might also like